Pinoy actor Reggie Lee helps writers tackle aswang folklore in US supernatural series Grimm

Filipino Hollywood actor Reggie Lee plays police officer Sergeant Drew Wu in U.S. supernatural series Grimm.



Pinalabas ang kuwento tungkol sa “aswang” sa hit U.S. supernatural TV series na Grimm bilang bahagi ng kanilang Season 3 premiere.

Ang episode title nito ay “Mommy Dearest” at tungkol ito sa isang Fil-American couple na magkakaroon na ng kanilang unang anak, pero dahil may lahing aswang ang lalake, may kailangan sundin itong kakaibang rituwal ng kanilang pamilya.

May kakaibang twist ang kuwento ng aswang sa naturang series. Imbes na ang usual na manananggal ang ginamit nila, isang matandang babae na nagiging isang halimaw na may mahabang dila ang kanilang ginamit na character ng aswang.

Ang kuwento tungkol sa aswang ay kinuwento sa mga writers ng show ng isang cast member ng Grimm na si Reggie Lee na gumaganap bilang police officer Sergeant Drew Wu.

Kung bakit alam ni Lee ang kuwento tungkol sa mga aswang ay dahil isa siyang full-blooded Pinoy.

Ang 40-year-old actor ay ipinanganak bilang Reggie Valdez sa Quezon City. Sa edad sa limang taong gulang, nag-migrate ang kanilang pamilya sa United States at tumira sila sa Cleveland, Ohio. Kahit na sa Ohio na lumaki si Reggie, fluent pa rin itong magsalita ng Tagalog.

Sa kanyang interview with Yahoo TV, sinabi ni Reggie na tumulong siya sa pagbibigay ng ideas sa writers ng Grimm tungkol sa mga aswang.

“The writers came to me and asked me if I knew of any Filipino folklore we could use for an episode fashioned around my culture and around Wu seeing something for the first time. I said, ‘Are you kidding? There are so many.’ It’s a small island, but the people there make up a lot of stories. So I gave them a list.”

Marami nag-aakala na Chinese, Japanese or Korean si Reggie dahil sa kanyang hitsura at sa mga roles na ginagampanan niya sa maraming Hollywood movies. Pero ang totoo ay Pinoy na Pinoy siya.

Ang role niya sa Grimm bilang si Sergeant Wu ay ni-reveal na isang Filipino at may Tagalog lines pa siyang binitawan sa naturang episode.

“I have played every kind of Asian under the sun, but this is probably only the second time I have played Filipino.”

Una raw siyang gumanap as a Pinoy ay sa comedy movie na Here Comes The Boom with Kevin James, Salma Hayek and fellow Pinoy, Charice.

“I am so close to my culture, so it is icing on the cake to be able to tell a Filipino story.

“Being a genre show, we have rabid fans, but the Filipinos take it to the next level.

“The minute they heard we were doing aswang, they blew me up on Twitter. It is nice for me to represent that way.”

Nagsimula ang pagkahilig ni Reggie sa acting nang subukan niyang sumali mag-attend ng acting classes sa The Cleveland Playhouse noong nasa high school siya.

“I sought out whatever was available to me, whether they were acting classes at The Cleveland Playhouse, auditioning for community theatres, commercials, you name it. My parents always took me to these activities, though they thought I’d grow out of it. But eventually, I wanted more,” ani ng 40-year-old Filipino actor.

Noong mag-college siya, pinagpalit niya ang mag-aral sa Harvard University para lumipat sa Los Angeles para i-pursue ang dream niyang maging aktor.

Pinalitan niya ang kanyang family names na Valdez at ginamit ang Lee dahil napagkakamalan nga siyang Latino at parati raw siyang nilalagay sa auditions for Hispanic roles.

Noong palitan nga raw niya from Valdez to Lee, maraming roles na nagbukas para sa kanya.

Kabilang nga sa mga pelikulang nabigyan siya ng magagandang Asian roles ay sa The Fast and the Furious, Pirates of the Carribean, Tropic Thunder, Drag Me To Hell, Star Trek, Life As We Know It, Safe, Here Comes The Boom, Crazy Stupid Love and The Dark Knight Rises.

Sa TV naman, magkaroon siya ng guest spots sa Diagnosis Murder, Beverly Hills 90210, Babylon 5, ER, Chicago Hope, Judging Amy, Mad About You, Walker Texas Ranger, White Collar at NCIS.

Bukod sa main cast siya ng Grimm, naging mainstay din siya ng mga series na Prison Break at Persons Unknown.

Sa theatre naman, naging part si Reggie ng national tour of Miss Saigon noong 1992. Kasama rin siya sa 1994 revival ng Carousel on Broadway at sa musical na Heartstrings.

Kahit na matagal na siyang nagtatrabaho sa Hollywood, hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang pagiging isang Pinoy.

Noong mabalitaan niya ang nangyari sa Pilipinas dahil sa Typhoon Yolanda, agad siyang nag-organize ng isang fund-raising event called Grimm Gives To Typhoon Haiyan Relief sa tulong ng Crowdrise at Red Cross. Tinulungan din siya ng mga Grimm fans sa Twitter.

Hindi na bago para kay Reggie ang maging aktibo sa mga cause-worthy projects. Tumutulong din siya sa Kusewera, isang non-profit organization that empowers and educates kids in orphanages in Malawi, Africa and the Philippines through active and creative play.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN