Denise Laurel says she almost fainted while shooting intense scene for Annaliza




Sa nalalapit na pagtatapos ng Annaliza, ano ang pinakamahalagang aral ang natutunan ni Denise Laurel sa pagganap bilang isang ina sa naturang ABS-CBN teleserye?

“In a way na-appreciate ko rin lalo yung mommy ko. And I guess medyo, safety for my child is the utmost importance. Just how to cherish every moment with my son is what I learned through this show and how to never forget to say I love you, never forget how to show yung affection mo sa kanila.

“At importanteng-importante talaga yun sa isang bata dahil nagmamarka yun and dahil pinapakitaan mo siya ng ganyan when they grow up they will embody that and share that with other people as well.”

Nakausap ng PEP.ph si Denise noong March 15 sa training hall sa ELJ Building, ABS-CBN compound para sa finale presscon ng Annaliza na pinagbibidahan ng child actress na si Andrea Brillantes.

Nagsilbing birthday party rin ito ni Andrea who turned eleven years old last March 12 kaya in attendance rin sa presscon/birthday party sina Zanjoe Marudo, Kaye Abad, Carlo Aquino, at ang child stars na sina Kyline Alcantara at Jilian Aguila.

Sa Annaliza ay si Denise ang gumaganap na Isabel na ina ni Annaliza (portrayed by Andrea) na nawalay sa kanya nung sanggol pa lamang. Kaya tinanong namin si Denise kung paano niya nairte ang emosyon na mawalan ng anak.

“I tried to put myself in that position, kung nawala talaga ang anak ko. And you know naiisip ko pa lang naiiyak na ako nun.

“So it really was a heavy, heavy scene for me, muntik akong hinimatay nung shinoot namin yun, e.

“Kasi madaming beses naming ginawa pero sobrang intense so nawalan ako ng hininga, sobrang ang init ng buong katawan ko, namumula ako, pawis ako, you know, really gave it all of me.”

Iyon ba ang maituturing niyang pinaka-memorable niyang eksena na nagawa sa Annaliza?

“Yung most memorable para sa akin siguro yung nagkabalikan na kami ni Annaliza, nung nalaman kong siya ang anak ko at nagkasama na kami ulit.”

Mas matindi raw ang emosyon niya dun sa eksenang iyon.

“Of course. Siyempre nasa akin na siya finally and inisip ko talaga, ten years kaming hindi nagkita. I mean, that’s a very long time, ten years ko siyang hinanap, ten years ko siyang, inisip ko kung is she okay, kung nakakain na ba siya, kung inaalagaan ba siya.

“Iniisip ko siya araw-araw for ten years na hindi ko siya nakasama and finally, makakasama mo siya. Ano’ng sasabihin mo? Di ba? Magso-sorry ka ba, feeling mo kasalanan mo kung bakit siya nawala, how do you make up for all the ten years at gagawin mo yun, isang hello, isang yakap.

“Siyempre ang hirap nun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN