Tim Yap to talk about partying with Paris Hilton in upcoming season 4 of his show


"On season break" ang The Tim Yap Show, na napapanood sa GMA-7 tuwing hatinggabi, mula Lunes hanggang Biyernes.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Tim noong March 17, kung saan opisyal siyang inilunsad bilang talent ni Arnold Vegafria, sinabi nitong "choice" daw niya kung bakit pansamantalang nagpahinga ang programa.

"...gusto nga ng GMA sana ay tuluy-tuloy siya...

"What I do after the three seasons, gusto ko muna meron akong travel time.

"Gusto ko munang mag-ipon ng episodes para pagdating ng bagong season which is the season 4, meron ka namang bagong ibibigay sa mga manonood at may bagong approach yung show.”


Hindi naman daw pinalitan ng show ni Jojo Alejar ang show ni Tim...

Maikling paliwanang ng columnist/ restaurateur/ eventologist, “Hindi naman siya ipinalit talaga, kasi yung program italaga ay after my show, so pagbalik ko at pagbalik ng Season 4 ng The Tim Yap Show, ako pa rin ang mauuna na program bago yung show ni Jojo Alejar.”




PARTYING WITH PARIS HILTON.
Ito raw ang isa sa mga aabangan ng viewers sa panibagong season ng show.

“Katatapos lang ng interview ko kay Paris Hilto...Alam mo, I hosted a couple of events for Paris Hilton. I hang out with her in different parts of the world, sa Miami, sa L.A., you know, we we’re together in some parties.

"'Tapos nung nagkausap nga kami during my interview for the Tim Yap Show, sinabi niya sa akin na magkakaroon siya uli ng bagong sets of perfumes—16 frangrances.

"Magkakaroon siya ng new book on love and relationships, binigyan niya ako ng advices about love.

"Si Paris din is looking for her next level. Ngayon she is DJ sa mga club party."

Paano niya ilalarawan ang Hollywood celebrity?

"She is super pleasant, lagi siyang masaya kahit alam kong pagod siya at may jet lag pa, masaya pa rin siya at masarap kakuwentuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Yan yung mga aabangan nyo sa 1st episode ng The Tim Yap Show Season 4.

TIM'S TRAVELS. Mapapanood din daw sa kanyang show ang ilan sa mga biyahe niya sa iba't ibang bansa.


“Meron na kaming footages ng shoot sa L.A., meron din kaming gagawin sa Malaysia at Singapore, around the region.

"At may ilang pang trips ang travel na under negotiation pa.”

Siyempre, hindi pa rin mawawala ang bed-hopping theme ng kanyang late-night talk show.

TIM'S NEW TALENT MANAGER. Noong March 17, opisyal na naging talent siya ni Arnold Vegafria, na itinuturing ding kaibigan ng Kapuso celebrity.

Kung bakit napagpasyahan niyang magpalit ng manager...

“I realized the way I work is very casual. I go well with people na doers, not so corporate but very much pursigido bilang ako ay pursigidong tao din..."

Kung bakit si Arnold ang pinili niyang maging bagong manager...

"I realized na ang tagal na naming magkaibigan, we’ve never worked together pa. But one thing common whenever we see each other, he has a favor na i-feature ko yung artists niya, ipinapakiusap niya sa kin na i-prioritize ko artists niya.

"I saw his eagerness to sell his artists and nakita ko naman na may kinapupuntahan naman.

"Doon ko na-realize na tamang-tama, tapos na contract with my previous management, sabi ko kay Arnold, 'Let’s do this, Arnold.'

"Knowing Arnold for such a long time, it’s about time that we actually sit down and work together. I called it as a collaboration kasi, sa talent and management team, laging nangyayari yung mga artista, naghihintay ng trabaho.

"Ako kasi, hindi ako palahintay, e. I always believe, you have to look for the opportunity. Sit down with your team, compose with your manager, your handler, everybody which is involve in pursuing the things that you want to create and achieve.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


At kahit pa marami na siyang nagawa sa iba't ibang larangan, "I think, before I get old, gusto ko na matupad ko yung mga nasa bucket list na gusto ko pang magawa.

"I think Arnold is the best partner for me to be able to achieve that things.”


Hindi kaya maapektuhan ang pagkakaibigan nila?

“I think that’s the biggest advantage na magkaibigan kami ni Arnold, kasi I will be open. Sa negosyo at sa friendship, pareho lang ako, I’m very open, transparent, wala akong tinatago.

"Kapag may feel ako na 'eto ang puwede, mas kampante kang i-share, dahil alam mo that your friend also has the best interest as mine.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN