Kiko Rustia takes an in-depth look at Pinoy history, culture and environmental issues in new show Dis Is Pinas

Kiko Rustia explains his fascination for history and culture: “I really want to produce a show not just about the environment kundi gusto ko ay environment, culture and history. Ang kultura, kasaysayan at kalikasan, ini-impluwensiyahan niyan ang isa't isa. Hindi mo puwedeng sabihin ang isa kundi hindi mo tatalakayin ang iba.”


Magsisimulang umere ang pinakabagong programa ng GMA News TV, ang Dis is Pinas, na pangungunahan ng dating Survivor Philippines castaway at Born To Be Wild co-host na si Kiko Rustia.

Ang Dis is Pinas ay tatalakay hindi lamang sa environmental concerns kundi pati na rin ang tungkol sa mayamang kultura ng ating bansa pati na ang ilang tradisyon at kaugailiang unti-unti nang nakakalimutan ng makabagong henerasyon.

Magsisimula itong umere sa April 5 tuwing Sabado, 11:30 AM - 12NN.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Porta) si Kiko kasama ng ilang entertainment media kahapon, Biyernes, March 28, sa Boon Tong Kee restaurant sa Timog Avenue, Quezon City ay kitang-kita ang kanyang excitement sa pagsisimula ng programang prinodyus ng kanilang pamilya.

Bungad niya, “Thankful kami dun sa aming researchers na sila naman talaga ang lifeblood ng mga istorya.

“Pero, we can move forward kung wala ang mga tulong ng local tourism officers, yung mga taong nakakausap namin as we go to our locations kasi we can only do so much from here.

“Hindi madali kasi ang information naman tungkol sa ating heritage is not as consolidated as the other countries, like sa America, may isa ka lang pupuntahan ay makukuha mo na ang lahat ng info.

“Thankful talaga ako sa sumusuporta sa amin tulad ng ilang heritage institutions that we keep our contacts and we intend to forge a long-term partnership with them.

“So lahat ng info ay mai-share nanin at malay natin na baka habang nasa field kami ay may makuha kaming bagong info na puwede naming mai-share sa kanila.”

HOST AND PRODUCER. Malaking hamon daw kay Kiko na bukod sa pagiging host ng programa ay siya rin ang tumatayong producer nito, kaya't kailangan daw niyang tutukan at alamin ang bawat detalye kaugnay ng paggawa ng kanilang show.

Natatawang pahayag niya, “I'm producing the show, so that's why I'm both in front of the camera and at the back.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Active ako sa harap ng camera na hosting and I'm also active sa pagre-research, pag-put together, isa pa yung accounting, alam mo yun? Nakaka-excite na nakakakaba.

“Medyo mahirap pero natsa-challenge ako kasi this is something na I really wanted to do ever since.

“I really want to produce a show not just about the environment kundi gusto ko ay environment, culture and history.

“Ang kultura, kasaysayan at kalikasan, ini-impluwensiyahan niyan ang isa't isa. Hindi mo puwedeng sabihin ang isa kundi hindi mo tatalakayin ang iba.

“Environment influences our history and vice-versa.

“Kahit bali-baliktarin mo 'yan, magkaka-konek pa rin ang mga 'yan.”

FASCINATED WITH HISTORY AND CULTURE. Naging curious kami kung ano ang pinaggalingan ng sobrang interes niya tungkol sa mga paksang ito.

“That's another thing the people don't know about me,” paliwanag ng 32-year-old TV host.

“They see me on TV about this guy who's into environment and that's true.

“I'm really into the environment pero ang hindi alam ng mga tao ay ang history and culture have always interested me.

“I always dreamt since I was a kid to visit ancient civilizations.

“Yun talaga ay nasa bucket list ko na bago man lang ako mamatay ay ma-visit ko ang lahat ng 'to.

“Wala sa hitsura ko kaya when I'm in a jungle at nakaka-encounter ako ng mga ruins, parang nabubuhayan ako.

“Ewan ko kung bakit sobrang naging interested ako kahit noong bata pa talaga ako.

“Siguro weird ako, totoo 'yan.

“E, maging sa school kapag lunchbreak ko o recess, yung classmates ko naglalaro, ako nasa library ako, nagbabasa ng mga libro ni Maximo Ramos tungkol sa Philippine mythology, sa manananggal.

“Kakaiba, 'di ba?”

Tungkol naman sa show, gusto niyang maging iba ito sa dating hinu-host niyang Born To Be Wild.

Aniya, “I want this to be adventurous but at the same time serious.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko light siya and at the same time, documentary pa rin.

“Kumbaga, mas broad ang aming tatalakayin at ipi-present sa publiko.

“Heto talaga yung gusto kong gawin ever since—yung magagawa ko ang gusto ko hindi dahil sa ito ang dikta ng producer ko.

“So, that's why I'm really very passionate about it.”

NO MORE DREADLOCKS. Samantala, marami ang nagtaka sa bagong image niya ngayon.

Wala na ang kanyang dreadlocks at mas “clean cut” na ang kanyang hitsura.

Bakit nga ba naisipan niyang ipaputol ang sinasabing “trademark” niya?

“Marami nga ang nagulat na nagpagupit na ako,” natatawang paliwanag niya.

“Sabi ko, okay lang 'yan.

“Kasi, regarding nga sa gupit ko, okay naman din kasi I'll be meeting a lot of people, hindi tulad nang dati na nasa gubat ako o nasa liblib na lugar ako.

“Now, I'll be talking to people and I would like to present myself as Kiko pa rin.

“So, naisipan ko na magpaputol ng hair ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN