Anne Curtis performs one song for Dyesebel sound track

Anne Curtis on working anew with ex-boyfriend Sam Milby: "Comfortable kami, walang malice or bad blood, walang ilang factor."



Sa primetime series na Dyesebel, marami pa raw aabangan ang mga manonood, ayon sa lead actress na si Anne Curtis.

Aniya, "Nakikita ko nga ang mga mentions pero, marami pa pong dapat abangan.

"We’re shooting in the beach at natatapos kami, 6 ng umaga, pero lahat naman kami inspired kasi.

"We see [the results] naman in the ratings, Twitter, the social media support na trending worldwide gabi-gabi.


“Sobrang thankful at pinagbubutihan namin lahat ng ginagawa namin.


“And, ang funny nga, panlaban sa enemy yung boses ko.

"Nag-shoot kami, nakakatawa kasi dapat takot ang mga bata sa likod ko.

"Parang solar blast ang voice ko, nakakatawa.”


May isang kanta raw siya sa official soundtrack ng Dyesebel pero si Lea Salonga talaga ang kumanta ng theme song nila.



ON WORKING WITH HER EX-BF SAM MILBY. Sa isang interview raw ni Sam Milby, nangiti lang daw ito nang tanungin na tila pagkatapos ng naging relasyon niya kay Anne, wala pa rin talagang naugnay rito na kasing tagal o kasing-lalim noong sila pa.


Baka raw hindi pa rin talaga ito nakaka-move-on sa kanya?


Sabi naman ni Anne nang natatawa, “Uy, ginagawan niyo pa ng isyu.

"Hindi, hindi ako naniniwala.”


Kapag nasa set sila ng Dyesebel, kumportable na ba talaga sila?


“Oo, comfortable kami, walang malice or bad blood, walang ilang factor.

"Well, for me ha, ano naman siya, chikadora rin. Baka mali lang ang pagka-intindi.”


Tingin niya, wala na rin talaga kay Sam?


“Tingin ko naman wala na, nanliligaw nga kung kani-kanino ‘yan,” natatawa niyang sabi.


“I don’t know who’s he’s seeing at the moment.

"Kung wala, e, baka wala pa lang.”


Ano yung pakiramdam niya na publicly, siya pa rin talaga ang alam ng tao na huling minahal ni Sam?


“Well, yun nga, our relationship kasi was really public. I think that’s why.

"It was really public, it was all over.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN