Jordan Herrera defeats Joem Bascon in "Pinoy Mano-Mano"

by Noel Orsal
Dec 4, 2007
Jordan Herrera (in photo) is slated to fight Rico Robles during the December 15 grand finals of Pinoy Mano*Mano: Celebrity Boxing Challenge.



Kundisyon na kundisyon si Jordan Herrera nang pumanhik ng ring para sa laban nila ni Joem Bascon. Naganap ang kanilang sagupaan sa semi-final round ng Pinoy Mano*Mano: Celebrity Boxing Challenge noong nakaraang Sabado, December 1, sa Studio 10 ng ABS-CBN.

Sa Round 1, pinakawalan ni Jordan ang ang isang matinding right hook na siyang ikinabagsak ni Joem. Awang-awa naman ang mga manonood sa pagbagsak ng batang actor na nakita pa nilang mahilo-hilo.

Pero, gayumpaman ay mabilis nakatayo si Joem at pagkatapos na mabilangan ng referee ay agad itong nakipagpalitan pa ng suntok sa nagpabagsak sa kanya na animo'y hindi ito napatumba.

Sa unang round din nakabawi si Joem sa pamamagitan ng sunod-sunod ng suntok kay Jordan kung kaya't halos mapalabas ng ring ang kalahating katawan ng kanyang katungali.

Pagdating na Round 2 ay agad na nagpakawala ulit ng malalakas ng suntok si Jordan para makorner si Joem sa side ng ring at sunud-sunod na tinaman sa tiyan at mukha sa pamamagitan ng upper cut.

Continue reading below ↓

Halos mamaluktot sa sakit si Joem sa dami ng suntok na tumama sa kanya. Napayuko ito sa tinamong punches, kung kaya't inawat na ng referee ang laban at muling binilangan ang pinakabatang celebrity contender. Dito na nagdesisyon ang referee na itigil na ang laban.

Head blow ang naging dahilan ng pagpapatigil ng laban at itinanghal na panalo itong si Jordan. Nakita namin kung gaano kasaya itong winner at maiyak-iyak pa siya sa tuwa.

Tinanong naman ng PMM host Cesar Montano si Joem kung ano ang naramdaman niya nang matalo siya. Sabi nito pagpanhik palang daw niya ng ring ay sobrang kaba na ang naramdaman niya at parang wala siyang nakikita, kung kaya't nawala ang focus niya.

Sa final match na gaganapin sa December 15, maglalaban sina Jordan Herrera at Rico Robles para sa titulo ng Grand Champion ng unang reality boxing competition sa lokal na telebisyon.

Mapapanood ang Pinoy Mano*Mano: Celebrity Boxing Challenge tuwing Sabado pagkatapos ng XXX, at may replay tuwing Linggo ng umaga, pagkatapos ng Princess Hours sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jordan Herrera (in photo) is slated to fight Rico Robles during the December 15 grand finals of Pinoy Mano*Mano: Celebrity Boxing Challenge.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results