Arjo Atayde on his tandem with Alex Gonzaga for Pure Love: "We don’t know if it’s gonna click or not."

ABS-CBN's remake of Pure Love stars (L-R) Arjo Atayde, Alex Gonzaga, and Joseph Marco.



Aminado si Arjo Atayde na nakakaramdam siya ng pressure sa unang pagtatambal nila ni Alex Gonzaga para sa Philippine remake ng Pure Love.

Ito ang pinakabagong romantic series ng ABS-CBN. Pinalabas ang Korean series na Pure Love sa Kapamilya Network noong 2011. Ang original na title nito sa Korea ay 49 Days.

“Honestly, there’s so much pressure! Super-pressure talaga ‘yong nararamdaman ko,” sabi ni Arjo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Pero naniniwala naman ako na we’ll get to pull it off naman.

“We’ll try our best. We will just… you know, pray and try to pull it off.

“We’re all doing our best. That’s a fact.

“So… hindi naman po kami ‘yong kalmado. ‘Yong… relaxed lang at bahala na kiung ano ang magyayari. Hindi naman gano’n. Of course, we try to help each other.

“We try to do something about whatever mistakes we are having on the set and correct it. Para at least pagkalabas, it’s one kind of a show.”

Sa tingin ba niya, napi-pressure din si Alex gaya ng kanyang nararamdaman?

“Alex is such a jolly person. Pero I feel like…of course.

“Kahit sino namang tao na nasa posisyon niya. It’s my first team up with her and it’s her first ever lead show sa ABS-CBN.

“I guess there’s a pressured feeling being right there.”

Napag-uusapan ba nila ang tungkol sa pressure na kanilang nararamdaman?

“No. We don’t talk about it.

“I never ask her, e. I never ask her tungkol do’n.”

Pero paano hina-handle ni Arjo ang nararamdamang pressure kaugnay ng first team up nila ni Alex?

“I just do my best. Before a scene, I always pray kung alam kiong nahihirapan ako and ask for guidance.”

Inaasahang magiging matagumpay din at tatangkilikin ng publiko ang loveteam nila ni Alex kagaya ng mga naunang tambalang binuo din ng ABS-CBN.

Gano’n din ba ang expectation nilang dalawa?

“A… hindi po. That’s why nga po may pressure, e, di ba?

“Not all love teams naman nagki-click, e. Suntok sa buwan gaya nga ng sinasabi ni Alex, e.

“I’m a newbie. She’s been there for the longest time.

“So we don’t know if it’s gonna click or not. Pero we’ll try to do everything… the best that we can.”

May mga excited na rin nga habang inaantabayanan nang umere ang Pure Love.

“Feeling ko we’re blessed, e.

“Honestly ngayon pa nga lang po, meron na kaming fans sa Twitter at saka sa Instagram. ‘Yong ArLex [Arjo-Alex].

“May gano’n na. So para sa akin, it's…parang fulfillment na rin ‘yon.

“Sabi ko ko nga, nakakataba ng puso. Kasi wala pa ‘yong soap at hindi pa sure kung kailan mag-i-start ng airing pero may mga supporters na.

“No’ng napabalita na kami ni Alex ang magiging magkapartner sa Pure Love, automatic may lumabas na fans.

“Sabi ko… wow! I wasn’t expecting this," sabi ng aktor na aminadong wala pa siyang malaking fan base sa ngayon.

“Siyempre, nakaka-inspire ‘yong gano’n para sa amin ni Alex. Kahit may pressure kaming nararamdaman dahil unang team up nga namin ito,” panghuling nasabi ni Arjo.

Sa kasalukuyan, si Alex ay napapanood sa reality show na Pinoy Big Brother All In bilang celebrity houseguest.







ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN