Marian Rivera denies demanding to cut short Carmela; her teleserye is slated to end this May

Marian Rivera clarifies Carmela was initially intended to air for one season only. This GMA-7 teleserye, which aired its pilot episode last January 27, is scheduled to end by May 23, 2014.


Nilinaw ni Marian Rivera ang usap-usapan na hiniling niyang tapusin na agad ang primetime teleserye niyang Carmela.

“Hindi. Ang usapan talaga sa Carmela ay isang season lang siya. ‘Yon talaga ang pinirmahan ko sa GMA,” sabi ng Kapuso actress sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa pocket press conference na inihanda para sa cast ng teleserye noong May 1.

Nagkataon lang daw na parang tinapos agad dahil kailangan niya agad magsimula sa susunod niyang proyekto, na isang gag show.

“‘Tapos dapat sabay ‘yan at ‘yong show ko sa GMA. E, ayaw ko muna gawin. Gusto ko Carmela muna.

“Right after Carmela, gagawin ko na ‘yan.

“E, ‘yong GMA gusto nila gawin ko na.

“So, right after ko ng Carmela, humihingi lang ako ng ilang araw, taping na ulit ako ng bago kong show.”

Dagdag pa ni Marian, wala siya sa tamang posisyon para hilingin ang ganung bagay.

Aniya, “Siyempre, may mga boss naman ang GMA, may mga writer.

“Kumbaga, ako, bilang artista, mag-i-input ako sa istorya, ‘yon lang ang magagawa ko.

“Wala akong karapatan na, ‘Gusto ko ito ang gagawin.’ Parang wala naman ako sa lugar.”

Sa kabila nito, hindi na lang daw pinapansin ni Marian ang ganitong klase ng intriga sa kanya.

“Okay lang, palagi namang may intriga,” sabi niya.

“Ang importante, masaya kami, na-extend kami ng three weeks.

“Hindi na masama ang three weeks.

“Kumbaga, ang airing namin is hanggang May 23.”

Samantala, sa nalalapit na pagtatapos ng Carmela, asahan na magkakaroon pa ng mga ilang rebelasyon sa istorya nina Carmela at Yago (Alden Richards) habang ipinaglalaban nila ang pagmamahal nila para sa isa’t isa.

Abangan rin ang mga hakbang na gagawin nila Fernando (Roi Vinzon) at Trixie (Jaclyn Jose) laban kay Carmela at sa nanay niyang si Amanda (Agot Isidro).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa ring masusubaybayan ang Carmela hanggang sa pagtatapos nito sa May 23 sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN