Gelli de Belen reveals transformation of her character in extended run of Confessions of a Torpe

Natuwa si Gelli de Belen nang malamang niya na extended ang comedy show niya na Confessions of a Torpe. Aniya, "An extension means you’re doing well, siyempre, lahat masaya.”


Sa pagkaka-extend ng Confessions of a Torpe ng apat na Linggo, magsisimulang mapanood ang transpormasyon ni Gelli de Belen.

Simula sa umpisa ay pangit ang mukha ni Gelli rito at malalaki ang ngipin. Ngunit, mismong ang kaibigan at karibal din niya kay Tupe (Ogie Alcasid), na si Monique (Alice Dixson) din daw ang tutulong sa pagganda ni Gelli bilang si Luz naman sa tawa-serye ng TV5.

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping nila sa La Concordia College, Sta. Ana, noong May 1, ang magiging transpormasyon niya ang excited na ikinuwento agad ni Gelli.

Aniya, “Hindi ko kasi alam kung hanggang saan ang puwede kong ikuwento, pero yun nga, gaganda na si Luz.

"Kasi nagsabi na rin siya kay Monique, kay Alice, na tulungan na siyang pagandahin.

"Kaibigan naman talaga niya si Monique rito.”

Ang mangyayari pa, kahit ang karakter ni Wendell Ramos ay posibleng magka-gusto na sa kanya dahil sa pagganda niya.

EXTENDED RUN. Natatawa si Gelli dahil alam daw niyang comedy ang serye nila, pero hindi maiiwasan na sa part niya, madalas daw ay nagda-drama talaga siya.

“Cry me a river nga ako kanina,” natatawang sabi niya.

"Pero, yun nga, extended pa sila.

Natuwa siya at inaasahan na rin ba niyang mag-e-extend sila?

“Hindi ko naman ine-expect but of course, everybody’s happy.

"An extension means you’re doing well, siyempre, lahat masaya.”

Kapag nasa labas siya, nare-recognize ba ng mga tao si Luz?

“Minsan, minsan… but not as Luz kasi, iba ang itsura ni Luz kaya hindi nila ko ma-associate.

"Pero kapag kami ni Ogie ang magkasamang lumalabas, Tupe ang tawag sa kanya.

"Siyempre nga naman, iba ang itsura ni Luz.

“Baka kapag napanood na nila ang bagong itsura ni Luz, matawag na nila akong Luz.”

TUPE OR PETER. Kung siya ang masusunod, si Ogie o si Wendell na ba ang gusto niyang makatuluyan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre si Tupe,” sagot niya.

“Siyempre, childhood friend ko siya. Si Peter [Wendell] naman, bad siya kay Tupe.”

Kaso ang gusto raw makatuluyan ni Ogie ay si Monique (played by Alice Dixson) kasi may asawa na raw siya.

Natatawang sagot naman ni Gelli, “Siya ba, wala?! Magtigil nga siya.”

FAMILY VACATION. Pagdating ng bakasyon sa eskuwelahan ng dalawang anak nila ni Ariel Rivera ay umaalis ang mga ito at nagbabakasyon sa Canada.

Bukod sa Confessions of a Torpe, host rin si Gelli ng Face The People pero ganunpaman ay matutuloy pa rin daw ang pagba-bakasyon nila sa Canada.

Ayon kay Gelli, “Medyo maso-shorten lang ang bakasyon ko.

"Sabay-sabay kaming aalis pero ako, maaga akong babalik.

"Sila isang buwan siguro doon, ako, mga two to three weeks lang.”

Biniro namin siyang hindi yata talaga siya masayang nag-extend pa ang Confession... dahil napaikli ang bakasyon niya.

“Happy akong nag-extend, siyempre naman, at saka marami rin naman kasi kaming advance dito.

"Naayos naman nila kaya habang wala ako, may taping din sila sa mga scenes na wala naman ako.”

May sarili ng bahay sina Gelli at Ariel sa Canada na habang wala sila roon, ang in-laws daw niya ang nagbabantay.

Parang “required” ba silang sa isang taon, mag-i-stay sila sa Canada?

“Parang ganito lang ‘yan, e, isipin mo na lang, hindi mo nakikita ang magulang mo, siyempre, go ka talaga.

"Kaya basta bakasyon ng mga bata, nandoon kami.”

LETTING GO. Ang sigurado raw, kapag nag-college na ang dalawang anak nila na sina Joaqui at Julio, sa Canada na titira ang mga ito dahil doon na mag-aaral.

Kilala sina Gelli at Ariel na hands-on na mga magulang pero sa sa pagkakataong ito, ang dalawang anak lang daw nila ang maninirahan sa Canada habang sila ni Ariel ay nasa bansa at nagta-trabaho pa rin.

Sabi nga namin sa kanya, kaya ba niyang hindi kasama ang mga ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, saan ako kikita? Dito, ‘di ba?

"Kahit ayoko, ano ang gagawin ko?

"Kakayanin ko kasi, para sa ikabubuti nila yun. So they can have choices.”

Gusto talaga ng mga anak niya sa Canada mag-aral?

“Oo, gusto nila. E, kasi, akala lang siguro nila dahil tuwing magpupunta kami ron, bakasyon. Pangalawa, hindi winter.

"Siyempre, kung ano-anong chores lang ang pinapagawa ko sa kanila.

"Iba yung buong taon mo gagawin at saka, siyempre, hindi na pasyal-pasyal.

“Pero yun ang plano, so… yun.

"At saka, para rin marami silang choice. Unang-una, hindi rin naman matatawaran ang education dito.

"Kaya lang at least, when they are there while studying, ma-realize nila kung ano ang gusto nila.

"Kung babalik sila sa Pilipinas at dito na lang ako magwo-work.”

Dugtong pa rin ni Gelli, “Habang pinapalaki ko naman sila, sinasabi ko sa kanila na this is your home country.

"This is your mother country. Dito kayo pinanganak.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN