Barbie Forteza reunites with Derrick Monasterio for The Half Sisters

Barbie Forteza (in photo), Derrick Monasterio, Thea Tolentino and Andrei Paras will topbill GMA-7's upcoming teleserye The Half Sisters.


Balik sa inaaping role si Barbie Forteza sa bago niyang teleserye sa GMA-7 na The Half Sisters. Balik-tambalan din nila ito ni Derrick Monasterio.

Kabilang din sa cast nito sina Thea Tolentino at si Andrei Paras na siyang makaka-love triangle nina Barbie at Derrick.

“Naghanap ang writers nito ng totoong kaso para pagbasehan kung paano kami magiging half sisters ni Thea sa story,” kuwento ni Barbie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“At saka maganda naman ‘yong twist. Iba, actually.

“Pero hindi masasabing based on a true story ito. Pero may ganitong totoong case talaga.

“Hindi ko lang puwedeng sabihin kung paano kami naging half-sisters ni Thea sa story. ‘Yon ang aabangan ng viewers.”

Nakatrabaho na niya si Thea sa AnnaKarenNina. Bilib si Barbie sa husay nitong umarte.

Kagaya rin ba sa nasabing serye ang magiging role ni Thea dito sa The Half Sisters na may pagka-kontrabida ulit?

“Ano siya… siya ‘yong half sister ko na sobrang iritang-irita sa akin. Kasi lahat nga, parang gusto ‘yong character ko bilang si Diana.

“E, siyempre, di ba… lahat naman tayo, gusto natin ng atensiyon? So do’n manggagaling ang pagkagalit sa akin ng character ni Thea.”

Gaano katotoo na si Bea Binene daw dapat ang gaganap sa role niya?

“Ay, labas po ako diyan! Hindi ko pa ‘yan alam,” paiwas na reaksiyon ni Barbie.

“Kasi… basta po no’ng sinabi sa akin ‘yong tungkol sa project na ito, hindi na ako nagtanong. And wala akong nababalitaan na kung anu-ano.

“Actually hindi ko nga alam, e. Bigla na lang may nagsabi sa akin na eto na ‘yong project na The Half Sisters.

“So… iyon na ‘yon! Basta thankful ako.”

Ayon sa young actress, heavy drama talaga ang tema ng bagong teleserye niyang ito. Maging pang TV award kaya ang performance niya rito?

“Wow! Pang-award?” sabay tawa ni Barbie.

“Heavy kung heavy sa drama. Pero ano, wala namang… basta okay siya.

“Gustong-gusto ko ‘yong istorya. Napaka-totoo.

“’Yong character ko, hindi lang siya ‘yong basta umiiyak. May pinaghuhugutan talaga.

“Kaya maganda. Excited na rin ako na i-portray ito.

“Hindi pa ako nakasimulang mag-taping. ‘Yong ibang cast pa lang para sa pilot episode.

“Hindi na kami nakapag-workshop para rito. Kasi hindi po mapagtagpo-tagpo ‘yong schedules namin kaya hindi natutuloy.”

Hindi kaya siya mailang sa mga gagawin nilang eksena ni Andrei na sa sobrang tangkad ay baka hanggang balikat na lang siya nito?

“Oo nga, e. Lumiit nga si Derrick, e,” pabirong sabi niya.

Ano ang kanyang pakiramdam sa muling pagtatambal nila ni Derrick?

“Hindi kami nagkikita lately kasi wala na siya sa Sunday All Stars. So… sa taping na lang kami ulit magkikita.”

Kapuna-punang slim ngayon ang pangangatawan ni Barbie. Resulta raw ito ng regular na pagda-diet niya.

“Nagdyi-gym din ako.”

Meron ba siyang pinaghahandaan kaya todo ang ginawa niyang pagbabawas ng timbang?

“Hindi po. Wala.

“Bumibilog na po kasi ako. Kaya nagpursigi ako na magpapayat.

“Personal ano siya… may problema na po ako sa pagkain. Etchos!” nangiting biro pa ng young actress.

“Malakas po kasi akong kumain.

“Ngayon, I only eat chicken. Tapos saging na saba.

“No carbs [carbohydrates] ang diet ko.

“And then more water. As in… more water talaga!”

Pero kung minsan, may cheat days rin daw siya sa kanyang diet.

“Oo kasi, masisirain ako ng bait talaga, e. Hahaha!

“Minsan, kinakain ko talaga kung ano ‘yong gusto ko gaya ng cakes, chocolates, at kung ano pang dessert.

“Pero mas konti. ’Yon! A, wala pa ring carbs.

“Hindi naman ako gano’n kadalas mag-cheat ng aking diet. Minsan, kaya ko na dalawang linggong straight na diet.

“Kapag sobrang depressed na depressed na ako na… ang taba-taba ko na! Gano’n.”

Natawa si Barbie nang punahin namin ang sexy niyang outfit na talagang mid rib ang suot niyang sando at nakalabas ang kanyang tiyan.

Nagpapa-sexy na siya nang unti-unti?

“Hindi!” matipid niyang sagot bago muling nangiti.

Open na ba siya sa medyo mature na roles kung sakali?

“’Yong daring, gano’n?

“Ay… wit!” pabakla niyang sambit na ang ibig sabihin ay hindi.

“Ayoko!

“Hindi naman sa never kong nai-imagine na gagawa ako ng gano’n. Kasi siyempre kailangan din natin ‘yan dahil kasama sa development ng character ‘yan.

“Pero sa ngayon, hindi. Kasi 16 pa lang po ako.”

Kumusta naman ang mga manliligaw niya?

“Wala pa naman. So far wala pa ring bilang ang cellpone ko!” pagbibiro ulit na huling nasabi ni Barbie.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN