Coney Reyes returns to GMA Network after 22 years; says Dingdong Dantes is like a son to her

“And I felt that the Lord, at this time, in my 40th anniversary, wanted me to go back to where I started. To renew old memories, old friendships,” says Coney Reyes when asked about her decision to accept GMA Network's TV offer.


Balik GMA Network si Coney Reyes pagkatapos ng 22 taong pamamalagi sa ibang istasyon.

Matatandaang ang huling proyekto ni Coney sa Kapuso network ay ang Student Canteen (1975-1982) at Coney Reyes-Mumar On The Set (1981).

Ngunit nilinaw niya na ang pinirmahan niyang kontrata ay para lamang sa primetime soap na pinagbibidahan nila Maricel Soriano, Dingdong Dantes, at Lovi Poe.

“I’m very happy. It’s nothing really exclusive. It’s just for this project, Ang Dalawang Mrs. Real.

“We’ll see, we'll take it from there,” pahayag ni Coney.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 15, ipinaliwanag ng beteranang aktres na hindi talaga siya exclusive artist ng kahit ano’ng TV network.

Sa edad na 59 taong gulang, mas gusto raw niyang hindi masyadong nakakaramdam ng stress sa trabaho.

“As a matter of fact, I dont even have a manager. Per project basis lang ako.

“Hindi naman ako tuloy-tuloy mag-work. After a project, I take my time and rest.”

Si Redgie Magno, Vice-President for Drama Productions, ang nagkumbinsi kay Coney na gumawa ulit ng proyekto sa Kapuso network.

Ani Coney, “She really didn’t do much convincing. I prayed about it.

“And I felt that the Lord, at this time, in my 40th anniversary, wanted me to go back to where I started. To renew old memories, old friendships.”

PROUD OF HER CO-STARS. Gaganap si Coney bilang Mrs. Sonya Real, ang protective mother ni Anthony na gagampanan ni Dingdong Dantes.

Ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Coney si Dingdong, ngunit mabilis niyang nakagaanan ng loob ang aktor.

“I love him already like my own son. He’s so respectful. He’s so sweet. He’s such a gentleman.

“Tinitignan niya ‘pag naglalakad ako. Maasikaso siya. He’s such a good conversationalist.

“We haven’t talked very often but the times that we do, kahit na short lang, may sense yung mga pinag-uusapan namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya rin si Coney na makatrabaho si Maricel Soriano sa naturang teleserye.

Naalala pa ni Coney na noong panahong nagho-host siya ng Eat Bulaga, ilang beses niyang nakakapanayam si Maricel.

“I’ve worked with her many years ago. Maricel is the usual kalog.

“So, the first time we saw each other on the set, ang ingay namin.

“Mahusay na artista talaga si Maricel. No doubt about it. She has proven that over and over again.”

Hindi pa raw nakakasama ni Coney si Lovi sa eksena, pero excited na rin daw siyang makilala ang batang aktres.

Ayon pa kay Coney, malaking bagay para sa kanya na magaan ang pakiramdam niya sa kanyang co-stars kapag may tinatanggap siyang proyekto.

“I think its a pretty good cast. We also have Celeste Legaspi, Mr. Robert Arevalo, and Jaime Fabregas.

Gusto ko enjoy lang. Yes it’s work. But your really have to love what you’re doing.

“If you don’t, you’ll just get stressed out. What’s the point?

“Life is not just about making money. Life is not all about fame. There’s more to it than that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN