Barbie Forteza and Thea Tolentino portray twins with different fathers in The Half Sisters

Hindi naman nagka-ilangan sina Barbie Forteza at Thea Tolentino sa set ng seryeng The Half Sisters dahil nagkasama na ang dalawa noon sa Anna Karenina.


May kambal palang magkaiba ang ama?

Ito ang halos sabayang tanong ng media na nakausap ni Barbie Forteza sa set visit ng upcoming afternoon series ng GMA-7, ang The Half Sisters.

Sagot ng Kapuso young star sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media, “Kambal po, pero magkaiba ang ama. May ganoon po talagang case.

“Opo, may kinuha po talaga silang totoong kaso na ganun, dalawang sperm at isang egg cell.”

Dagdag pa niya, “Hindi siya myth, totoo siya. Totoong case siya. Heteropaternal superfecundation ang tawag sa ganitong kaso.”


Ayon sa medicalnewstoday.com, heteropaternal superfecundation occurs when "two or more of a woman's eggs are fertilized by different men within the same ovulation period."

Kuwento pa ni Barbie tungkol sa kanyang character, “Matindi yung galit sa 'kin ni Sir Ryan Eigenmann dahil simula pa lang alam na niya na si Thea [Tolentino] lang yung anak niya so lahat talaga binubuhos niya yung attention... Kasi dito kaka-graduate lang po namin ng high school so siya yung susuportahan niya sa college ganun, ako magwo-working student.

“Kumbaga, dedepende lang ako sa sarili ko, hindi ako… magiging scholar ako, working student ganyan. Tapos sa pagiging working student ko, dun ko mami-meet si Derrick [Monasterio], siya si Baste. Working student din siya. Parehas kaming nagtatrabaho sa coffee shop.”

Sa kabilang banda, ang co-star naman ni Barbie na si Thea ay natsa-challenge daw sa kanyang role na kontrabida.

Kuwento ni Thea, “Mas naiintindihan ko na yung character ko ngayon na hindi lang ako maldita kasi gusto ko mag-maldita kay Dianne, [karakter ni Barbie], pag gusto ko mag maldita, pinapakita ko yung pagkamaldita ko kasi nagseselos ako may parang favoritism kasi sa family si Mommy [Jean Garcia].

hindi na raw naiilang sa isa't isa sina Barbie at Thea dahil nagkatrabaho na sila noon sa Anna Karenina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napi-pressure lang daw ang dalawa dahil humahataw sa ratings ang papalitan nilang serye na Villa Quintana, na magtatapos na ngayong Hunyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN