Home Sweetie Home moves to a new timeslot starting this Saturday


Sa bagong araw at bagong timeslot na mapapanood ang ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home.

Sa halip na tuwing Linggo ng gabi, lilipat na ito tuwing 6:00 p.m. ng Sabado simula ngayong May 24.

Marami ang nakaka-relate sa isyu ng bagong mag-asawang sina Romeo (John Lloyd Cruz) at Julie (Toni Gonzaga) sa Home Sweetie Home.

Hindi nawawala ang isyu ng selosan, isyu ng mga biyenan at kung ano-ano pa.

Sa episode ngayong Sabado, isyu naman sa pagba-budget ng pera ang mapapanood sa Home Sweetie Home.

Samantala, habang tumatagal ang pagsasama nina John Lloyd at Toni sa programa, kapansin-pansin na mas nagiging kumportable na ang dalawa—lalo na si Toni sa mga eksenang kailangan nilang magpakita ni John Lloyd ng sweetness at intimacy bilang mag-asawa.

Nakatulong din ng malaki ang temang pagpapatawa ng programa sa mga ganitong eksena ng dalawang aktor.

Bukod kina John Lloyd at Toni, napapanood din sa Home Sweetie Home sina Rico J. Puno, Sandy Andolong, Jason Gainza, Ketchup Eusebio, Miles Ocampo, Joross Gamboa at ang Goin’ Bulilit kid na si Clarence Delgado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN