Eula Caballero and Daniel Marsh deny that their special relationship is a big promo for their show, One of the Boys

Dahil daw sa maraming humihiling na agahan ang timeslot ng One of the Boys, mapapanuod na ito simula 8:15 ngayong gabi, May 24 sa TV5.


Malaki ang pasasalamat ng mga bumubuo ng One of the Boys ng TV5 sa patuloy na pagtangkilik ng mga manonood sa kanilang palabas tuwing Sabado.

Ang One of the Boys ay ang Saturday primetime sitcom ng Kapatid Network na nagsimulang umere noong May 3, tuwing 9:00 P.M.

Pinagbibidahan nito nina Eula Caballero, Joey de Leon, Empoy, Nadine Samonte, Benjo Leoncio, at ang mga miyembro ng Juan Direction na sina Brian Wilson, Daniel Marsh, Henry Edwards, Michael McDonnell at Charlie Sutcliffe.

Pero dahil daw sa maraming hiling sa kanila na agahan ang timeslot nito para marami pa ang makakapanood, mapapanuod na ito simula mamayang gabi, May 24, sa ganap na 8:15 P.M.

Sa ipinatawag na set visit ng TV5 sa ilang miyembro ng media noong Lunes, May 19, isang maliit na salu-salo ang inihanda ng production staff para sa media at sa dalawang birthday celebrants na kasama sa cast na sina Eula at Daniel.

Ang wish ni Eula ay sana daw mas lalo pang gumanda ang career niya at patuloy na suportahan ng viewers ang kanilang show.

Hirap man sa pagta-Tagalog, sabi naman ni Daniel, “My birthday wish, I hope One of the Boys continues to be successful in the ratings and yeah, we also hope, get to learn more in this entire project.”

COURTING EULA? May kilig namang naramdaman ang press nang magpalitan na ng regalo ang dalawa.

Kaya naman inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Juan Direction member kung nililigawan nga ba niya ang Star Factor winner.

Saad nito, “Uhm, kinda, I guess. Yes.”

So ano na kaya ang status ng kanilang ligawan? Saad nito, "You can say from our T-shirts, great friends.”

May tsansa kaya si Daniel sa puso ng tubong Cebu na si Eula?

Sagot ni Eula, “Si Dan, he’s a very nice person and sobrang kumbaga, may common ground na kami na we are both from Cebu, nakakapag-usap kami ng Bisaya, ng Cebuano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami na kaming napag-uusapan and surprisingly, magkatabi lang pala yung town namin sa Cebu. He’s very interesting and I wanna know more about him.”

Sabi pa ni Eula, magalang daw si Daniel at tinanong daw siya nito kung paano siya gustong ligawan. Kung sa labas daw ba o yung pinupuntahan sa bahay.

Baling ng press kay Daniel kung anong meron si Eula at nagustuhan niya ito, sabi niya, “She’s comfortable to work with especially when I started working in One of the Boys. Hindi mahirap if you’re working with Eula and she always helps me with my lines.”

Nilinaw naman ni Eula na hindi sila naging official na magnobyo ng co-Star Factor finalist nitong si Christian Samson kundi mutual understanding lamang.

Pinabulaanan din ng dalawa na isang malaking promo para sa kanilang sitcom ang kanilang espesyal na pagtitinginan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN