John Lloyd Cruz feels "unworthy" to be compared to Dolphy in John en Marsha

John en Marsha" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/13880/john-lloyd-cruz-feels-unworthy-to-be-compared-to-dolphy-in-john-en-marsha" data-desc="John Lloyd Cruz admits: "Nahihiya nga kami ni Toni kapag nabi-bring-up yung brand na John en Marsha at naa-associate sa pala" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/b03c33e66.jpg"> John en Marsha" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/13880/john-lloyd-cruz-feels-unworthy-to-be-compared-to-dolphy-in-john-en-marsha" data-desc="John Lloyd Cruz admits: "Nahihiya nga kami ni Toni kapag nabi-bring-up yung brand na John en Marsha at naa-associate sa pala" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/b03c33e66.jpg"> John en Marsha" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/13880/john-lloyd-cruz-feels-unworthy-to-be-compared-to-dolphy-in-john-en-marsha" data-desc="John Lloyd Cruz admits: "Nahihiya nga kami ni Toni kapag nabi-bring-up yung brand na John en Marsha at naa-associate sa pala" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/b03c33e66.jpg">

John en Marsha" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/13880/john-lloyd-cruz-feels-unworthy-to-be-compared-to-dolphy-in-john-en-marsha" data-desc="John Lloyd Cruz admits: "Nahihiya nga kami ni Toni kapag nabi-bring-up yung brand na John en Marsha at naa-associate sa pala" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/b03c33e66.jpg"> John en Marsha" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/13880/john-lloyd-cruz-feels-unworthy-to-be-compared-to-dolphy-in-john-en-marsha" data-desc="John Lloyd Cruz admits: "Nahihiya nga kami ni Toni kapag nabi-bring-up yung brand na John en Marsha at naa-associate sa pala" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/b03c33e66.jpg"> John en Marsha" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/13880/john-lloyd-cruz-feels-unworthy-to-be-compared-to-dolphy-in-john-en-marsha" data-desc="John Lloyd Cruz admits: "Nahihiya nga kami ni Toni kapag nabi-bring-up yung brand na John en Marsha at naa-associate sa pala" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/b03c33e66.jpg"> John en Marsha" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/13880/john-lloyd-cruz-feels-unworthy-to-be-compared-to-dolphy-in-john-en-marsha" data-desc="John Lloyd Cruz admits: "Nahihiya nga kami ni Toni kapag nabi-bring-up yung brand na John en Marsha at naa-associate sa pala" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/b03c33e66.jpg">

John Lloyd Cruz admits: "Nahihiya nga kami ni Toni [Gonzaga] kapag nabi-bring-up yung brand na John en Marsha at naa-associate sa palabas namin."


Sa bagong timeslot na napapanood ang sitcom na Home Sweetie Home na pinagtatambalan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga sa ABS-CBN. Tuwing Sabado ng gabi na ito sa halip na Linggo.
Kahit na hindi direktang sunod sa isa sa longest-running sitcom na John en Marsha, hindi maiiwasang makumpara ang pagiging Romeo & Julie nina John Lloyd and Toni kina Mang Dolphy at Nida Blanca noon.
Ang tawag pa nila sa kanilang lugar sa Home Sweetie Home
ay Barangay Puruntong.
Nang madalaw nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Home Sweetie Home, isa sa tinanong kay John Lloyd ay kung sa palagay niya, napagtatagumpayan naman nila ang pagiging John en Marsha.
Ayon kay John Lloyd, “Hindi naman namin talaga intensiyon—nahihiya nga kami ni Toni kapag nabi-bring-up yung brand na John en Marsha at naa-associate sa palabas namin.
“Alam mo, we feel so unworthy. We’re talking about legends in the business, malayo pa kami.
“‘Eto nga, we’re taping our 23rd episodes, ang John en Marsha, mahigit 23 years yata. So, ano lang, we’re just consistent in terms of rating.
“Yung pagiging family naman ng programa, hindi kami nahirapan. Instantly, after we aired, after several taping days, ang bilis naging pamilya ng samahan. So far, after 23 episodes, yun ang na-achieve namin.”
Kinamusta namin kay John Lloyd si Toni kung nawala na ang ilang nito kapag ang mga eksena nila, kailangan nilang magpakita ng intimacy bilang mag-asawa sa show.
Nakapag-adjust na rin ba si Toni?
“Parang oo, parang kumportable naman kami sa isa’t-isa.”
Dugtong pa niya, “At saka, hindi siya teleserye na seryoso. Na may matinding character kayong pinapasok bawat taping days, na tatlong beses o mahigit sa isang Linggo magkasama kayo.
“Kaya rin siguro it took her sometime dahil once a week kung mag-taping kami. And, iba eh, sitcom ‘to. Yung feel in-general kapag sitcom ang ginagawa mo, not the same as teleserye.”
Sa parte niya, halos sa drama talaga siya nahulma. Ngayon lang siya nag-sitcom, pero, masasabi niya bang nag-e-enjoy siya sa ginagawa?
“Sobra, sobra,” saad niya.
“Naging madali para sa akin na mahalin itong programa, ang proseso, ang pagiging part ng comedy, so, oo naman.”
Dugtong pa niya, “Magkaiba ang sitcom at teleserye. In the same way na minamahal mo rin ang pelikula. Hindi mo sila makukumpara.”
Nasa ikalawang season na sila ng Home Sweetie Home, habang tumatagal, mas lalong nagiging buo sa puso’t-isip niya na tama lang na sila talaga ni Toni ang gumanap na Romeo and Julie?
Natawa naman si John Lloyd, “Wala naman akong ibang naiisip na puwedeng gumanap ng role ni Toni rito.
“Parang ano na, e, kaming lahat, siyempre, after 23 episodes, kumbaga, naging kanya-kanyang character na namin ang ginagampanan namin. So, parang mahirap ng mag-isip ng iba pa.”
Nakaka-relate na rin ba siya sa karakter niya na may asawa na nga?
“Well, it helps na wala pa naman kaming anak dito. Tapos, sa isang bahay, ilan kami. Parang magkahalong pamilya. Hindi naman siya alienating kahit na sabihin nating wala pa kong sariling pamilya.”
Tinanong namin si John Lloyd kung nakikita niya na posibleng mag-ala John en Marsha nga ang programa nila na tatagal ng maraming taon?
“Hindi ko masabi, sana... kasi, sino ba naman ang hindi gugustuhin na magkaroon ng ganoong legacy, ‘di ba?
“Pero siyempre, hindi lang naman kami ang may say r'on. Maraming bagay ang pinanggagalingan kung puwedeng mangyari yun.
“Siyempre, kung tatangkilikin kami, kung makakapagbigay kami ng magandang programa linggo-linggo. Kung consistently mapoprotektahan namin ang ratings. Yung mga ganoong factor, iisipin mo. Pero kung kami ang tatanungin, bakit naman hindi.”
Okay naman kay John Lloyd na ginawang Sabado ng gabi ang bagong timeslot nila.
Sabi nga niya, “It’s interesting kasi, bawat pagbabago naman, it keeps you guessing. Kasi, parang you’re testing the waters. Malalaman natin, ‘di ba?
“Maganda rin malaman kasi, yung sa dati naming time-slot, okay naman. So, tingnan natin kung susundan. Kung hindi talaga nagma-matter ang araw, oras. Kasi, kung talagang sinusundan kayo, tinatangkilik kayo, kahit saan kayo ilugar. Saka, weekend pa rin naman. Ang drastic yata kung ibinigay kami sa weeknights.”
Sa ngayon, bukod sa Home Sweetie Home, pelikula raw ang pinagkaka-abalahan niya kaya hindi pa niya masasabi kung kailan siya makakagawa ng panibagong serye.
Ang pelikula nilang ito ay ang The Trial.
“Well, ang sabi sa akin ng Star Cinema, ang ipa-prioritize ay ang movie. Ito yung with Richard [Gomez], Gretchen [Barretto] and Jessy [Mendiola].
“Ngayon, nagsu-shooting sila pero sina Kuya Goma and Gretchen.”
Hindi pa masabi ni John Lloyd kung kailan ito posibleng ipalabas na.
Kahit may movie, wala pa talaga sa focus niya ang gumawa ng panibagong soap opera o dahil sa sitcom muna siya naka-focus pagdating sa telebisyon.
May conflict ba kung sakali kasabay ng movie at soap ang gagawin niya?
“I guess, oo, kasi yung schedules, sila ang may hawak, e. Pero kung sa trabaho, kasi when I did My Amnesia Girl with Toni rin simultaneously, I was doing Imortal na drama, character rin, so, minsan okay rin, nakakatulong din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

John en Marsha" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/13880/john-lloyd-cruz-feels-unworthy-to-be-compared-to-dolphy-in-john-en-marsha" data-desc="John Lloyd Cruz admits: "Nahihiya nga kami ni Toni kapag nabi-bring-up yung brand na John en Marsha at naa-associate sa pala" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/b03c33e66.jpg"> John en Marsha" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/13880/john-lloyd-cruz-feels-unworthy-to-be-compared-to-dolphy-in-john-en-marsha" data-desc="John Lloyd Cruz admits: "Nahihiya nga kami ni Toni kapag nabi-bring-up yung brand na John en Marsha at naa-associate sa pala" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/b03c33e66.jpg"> John en Marsha" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/13880/john-lloyd-cruz-feels-unworthy-to-be-compared-to-dolphy-in-john-en-marsha" data-desc="John Lloyd Cruz admits: "Nahihiya nga kami ni Toni kapag nabi-bring-up yung brand na John en Marsha at naa-associate sa pala" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/b03c33e66.jpg">


John en Marsha" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/13880/john-lloyd-cruz-feels-unworthy-to-be-compared-to-dolphy-in-john-en-marsha" data-desc="John Lloyd Cruz admits: "Nahihiya nga kami ni Toni kapag nabi-bring-up yung brand na John en Marsha at naa-associate sa pala" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/b03c33e66.jpg"> John en Marsha" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/13880/john-lloyd-cruz-feels-unworthy-to-be-compared-to-dolphy-in-john-en-marsha" data-desc="John Lloyd Cruz admits: "Nahihiya nga kami ni Toni kapag nabi-bring-up yung brand na John en Marsha at naa-associate sa pala" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/b03c33e66.jpg"> John en Marsha" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/13880/john-lloyd-cruz-feels-unworthy-to-be-compared-to-dolphy-in-john-en-marsha" data-desc="John Lloyd Cruz admits: "Nahihiya nga kami ni Toni kapag nabi-bring-up yung brand na John en Marsha at naa-associate sa pala" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/b03c33e66.jpg"> John en Marsha" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/13880/john-lloyd-cruz-feels-unworthy-to-be-compared-to-dolphy-in-john-en-marsha" data-desc="John Lloyd Cruz admits: "Nahihiya nga kami ni Toni kapag nabi-bring-up yung brand na John en Marsha at naa-associate sa pala" data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/b03c33e66.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN