Jillian Ward returns to TV via My BFF; says she wants to open her own restaurant someday

Jillian Ward on how she shed her "baby fats": “Hindi na po ako mahilig masyadong mag-rice saka ayoko na po sa junk foods at soda hindi na po masyado. Minsan lang po ako nagsu-soda at chocolates.”


Nine-years old na si Jillian Ward at kapansin-pansin ang pagpayat ng child actress.

Hindi raw niya ito sinadya.

Sabi niya, “Hindi na po ako mahilig masyadong mag-rice saka ayoko na po sa junk foods at soda hindi na po masyado. Minsan lang po ako nagsu-soda at chocolates.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jillian nitong nakaraang Martes, May 27, sa pocket presscon para sa upcoming series ng GMA-7 na My BFF na pagbibidahan nina Jillian at Mona Louise Rey.

Sa My BFF ay gaganap si Jillian bilang isang multo.

Noong nakapanayam namin si Jiliian ay naka-thirteen taping days na raw siya.

Paano niya iniarte ang papel ng isang multo? May pinaggayahan ba siya?

Sagot ni Jillian, “Actually, wala po akong ginaya pero napanood ko po kasi yung Ghost, yung kay Patrick Swayze po.

“Ganun po yung role ko po sa kanya so napanood ko po iyon so nagkaroon din po ako ng idea po kung paano ko po gagawin yung gawing mumu, iyon po.”

Sa kuwento ng My BFF ay nasagasaan si Jillian kaya namatay at naging multo.

At dun iikot ang kuwento sa samahan nila ni Mona Louise sa My BFF.

“''Di ba po, eto po kasi 'di ba My BFF po siya, akala po ng tao 'di ba my bestfriend forever?

“It’s ano... my bestfriend is family po. Kasi 'di ba po pag bestfriend mo po siya para mo rin po siyang family?” lahad niya.

May twist ang kuwento ng My BFF na ayaw munang i-reveal ni Jillian.

“Secret po iyon, panoorin niyo na lang po,” sinabi pa ni Jillian na gaganap bilang si Chelsea sa My BFF.

Hindi naman daw nagdalawang-isip si Jillian na tanggapin ang project kahit na multo ang gagampanan niya.

“Masaya po kasi po may bago ulit po akong role na hindi ordinary po. Hindi ordinary na role na ngayon ko lang din po gagawin,”dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya ikinatuwa raw ni Jillian ang bago niyang proyekto.

“Kasi 'di ba nga po napanood ko yung Ghost? Maganda po talaga siya,” pahayag niya.

Sa Luna Blanca dati ay pinintahan ng itim ang buong katawan niya, kaya biniro namin ang young actress kung sa My BFF bilang isang multo ay pipintahan naman siya ng puti?

Tanggi niya, “Ay hindi po, wala po, as in wala po. Para nga pong sa Ghost, wala pong edit, except po pag nag-aano po siya, lumulusot po siya sa mga pader o kung saan.

“Wala pong effects, parang ordinaryo lang po pero wala pong nakakakita sa akin walang nakakakita sa akin except si Mona lang po.

“Kaya ko po siya bestfriend kasi siya lang po ang nakakakita sa akin.

“'Tsaka si Lolo Gerry po, nakikita niya po ako, si Tito Pen [Medina].”

Sa My BFF ay kung saan-saan daw ang mga eksena niya kahit multo siya.

“Pumupunta po ako sa mall, sa restaurant,” at natawa si Jillian.

LONG BREAK FROM WORK. Bago ang My BFF ay ang One Day Isang Araw ang regular show ni Jillian. Umere ito mula June hanggang November 2013.

Seven months nagpahinga si Jillian. Hindi na siya nalungkot na medyo matagal siyang hindi nag-taping?

“Okay lang din naman po kasi nakapag-rest po ako. Nagpahinga po ng konting-konti saka naka-rest po ako ng konti din po, 'di ba, po sa mga lights, nae-expose po ako, so…”

Nag-focus daw si Jillian sa kanyang pag-aaral habang wala siyang regular taping.

“Home study pa rin po ako, hindi po ako nag-regular school kasi po medyo mahirap kapag nagte-taping po.”

Bukod raw doon ay lagi siyang nasa bahay at nanonood siya ng TV.

“At saka binabasa ko po yung Dork Diaries na book, favorite ko po yun, e.”

Hindi raw siya nangamba at nag-isip na baka hindi na siya bigyan ng proyekto ng GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po. Saka po ano may bago po akong pinagkakaabalahan po ngayon, yung singing po. Lagi po akong nagsi-sing, kunwari po pag nagmu-mall show or mga guesting. Lagi po akong nagsi-sing.”

Habang lumalaki ay gumaganda at tumataas ang singing voice ni Jillian.

Hindi kaya dahil dito ay maisipan niyang mas mag-concentrate na sa pagkanta kaysa pag-arte?

Pagklaro niya, “Both lang naman po kasi po love ko din po sila both e, parehas po, parehas ko po silang love.”

ROLE MODELS. Sino ba ang gusto niyang maging kapag nagdalaga na siya?

Pakli niya, “Hindi ko po alam, baka po si Tita Manilyn.”

Kasama rin ni Jillian sa My BFF si Manilyn Reynes sa pagbabalik ng tambalan nito kay Janno Gibbs.

Bukod kay Manilyn, sino pa ang gusto niyang tularan?

“Hindi ko po alam actually pero gusto ko po talaga maging sarili ko lang po,” giit niya.

Kaya sa pagiging aktres ay hangad rin ni Jillian na ma-establish ang career niya bilang singer.

“Saka paglaki ko po gusto ko din pong maging businesswoman,” pahabol pa niya.

Nais ni Jillian na magkaroon ng sarili niyang restaurant balang araw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN