Ryan Eigenmann explains why it is more advantageous portraying a kontrabida rather than a lead character

Ryan Eigenmann on always playing a kontrabida: "It’s just a matter of bringing a different bad guy to the table all the time para hindi pagsawaan.”


Isang kontrabida ang character ni Ryan Eigenmann sa The Half Sisters, ang afternoon series ng GMA-7 na magsisimula na sa Lunes, June 9.

Biniro namin si Ryan na bagong-bago para sa kanya ang karakter na ito.
“Bagong-bago," natatawang pag-ayon ni Ryan sa birong ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng teleserye.
“Natatawa lang ako kasi when we had a storycon pa lang, noong dinescribe ang character ni Benjie... rapist, nakabuntis.
"Pinapanood ko, sabi ko, 'Ah, okay, ako si Benjie.'
"May rape, e, nakulong. Ako si Benjie.
“Tapos, biglang ini-announce na si Jomari [Yllana]… ah, okay, hindi ako yung rapist na yun.
“At least, bago yung umpisa,” natawang kuwento rin niya.
Pero kalaunan nga raw, siya rin ang lalabas na kontrabida sa kanilang dalawa ni Jomari na parehong tatay ng kambal na anak ni Jean Garcia na sina Barbie Forteza at Thea Tolentino.
Lahad pa ni Ryan, “Eventually, because of what happened sa storyline, yung nalaman namin na hindi ko nga anak ang isa, parang doon nagkaroon ng transition sa character ko.
“Hindi talaga niya matanggap yung nagawa sa asawa niya at nagawa sa pamilya namin.”


NEW TWIST. Noong unang dumating sa kanya ang script, hindi siya nagtaka sa takbo ng kuwento ng serye nila na dalawa silang ama ng kambal?
“It was new, I read something about it before. May nanganak na Caucasian woman, gave birth to twins.
"Pero yung isa, black. So, it was, bakit ganun?
“So, noong binanggit nga ang story nito, naalala ko yun at sinabi ko nga na medical condition 'yon.
"Hetero fraternal superfecundation, where it’s possible [for a twin to have different fathers].”
Ang anak ni Ryan sa Half Sisters ay si Thea. Pareho silang kontrabida rito bilang si Thea naman ang mangaapi kay Barbie.


BAD IS GOOD. Sanay na ang mga taong napapanood si Ryan bilang kontrabida. Nakikita naman ng aktor na “advantage” ito sa parte niya dahil kadalasang sinasabi na ang kontrabida ay hindi nababakante.
“It’s more fun to play the bad guy. Yung mga bida palaging nagpapalit-palit.
"Naka-ilang bida na akong dinaaanan, ako pa rin ang kontrabida nila.
“I’m happy na there’s always work for me to do.
"Kung nababakante man, two months, three months, konting pahinga rin.
“It’s just right. It’s just a matter of bringing a different bad guy to the table all the time para hindi pagsawaan.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN