The Jon Santos Show marks 100th episode


Hindi inakala ng TV-stage comedian na si Jon Santos na tatagal ang kanyang talk show sa Viva Channel na The Jon Santos Show (TJSS) noong una itong umere noong 2012.

Ngayon ay sineselebra ni Jon ang ika-100 episode ng kanyang talk show at ilang mga special guest ang naka-line up para sa selebrasyong ito.

“Lumulutang pa rin ako sa cloud nine! Heaven na heaven ang pakiramdam ko, pati na ang staff ng The Jon Santos Show dahil naka-100 episodes na pala kami.

“We are very thankful sa mga sumusuporta sa aming show. If not for them, siguro ay hindi kami aabot sa ika-100 episode namin,” masayang pag-amin ni Jon nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng The Jon Santos Show sa The Library Metrowalk kamakailan.

For the past 19 years ay napatunayan ni Jon ang kanyang husay sa pag-impersonate sa mga sikat na celebrities sa larangan ng showbiz at politics.

Kabilang nga sa mga best-loved characters niya na napapanood sa kanyang talk show ay sina Ate Vi (Vilma Santos), Basana Roces (Rosanna Roces), Armida Sigyon-Makarena (Armida Siguion-Reyna), Sherap Espada (Erap Estrada), Shawie (Sharon Cuneta), Bro. Mike Volare (Mike Velarde), Sen. Meeryam (Miriam Defensor-Santiago), Pres. Gloring (Gloria Macapagal-Arroyo), Krissy Anino (Kris Aquino) at Okrah Weenfree (Oprah Winfrey).

Nadagdagan pa ito ng kanyang impersonations nina Charo Santos-Concio, Boy Abunda, Ryzza Mae Dizon, Lady Gaga, Apl de Ap, Mommy Dionisia Pacquiao at Princess Leia ng Star Wars.

SECRET TO SHOW'S STAYING POWER. Sa tanong kung ano ang sikreto at hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin si Jon at tumagal ang kanyang show sa ere, sagot ng TV host-comedian na may kinalaman ito sa iba’t ibang concepts at pure entertainment ang hatid ng TJSS.

Ayon kay Jon, “It’s variety and balance. 'Yan ang hindi nawawala sa bawat performance ko kaya in-extend ko 'yan sa show namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There’s always something for everybody. Meron para sa mga girls. Meron para sa mga boys.

“There’s a bit of comedy and a bit of myself—yung Jon Santos na hindi naka-costume.

“Gusto rin namin na may puso ang bawa’t ginagawa naming episode kahit na pabagu-bago kami ng image ng host, para parating may iba and not the usual na napapanood nila parati.”

Sa magaganap nga sa 100th episode ng TJSS ay may bonus silang kantahan dahil ang kanyang mga special guests ay sina Mark Bautista, Bituin Escalante, Raymond Lauchengco, Princess Velasco, Nadine Lustre at si Mr. Ryan Cayabyab.

“Malakas na rin ang loob namin na maglagay ng music segment sa show.

“Bagong gimik ito para sa show namin para na rin sa mga guest namin.

“Papakantahin namin sila para mas nakakatuwa ang pagbisita nila sa set namin,” dagdag pa niya.

FAVORITE CHARACTER. Sa lahat nga ng mga naging characters ni Jon, kahit na ayaw niyang magsabi kung sino ang paborito niya, obvious naman daw kung sino ang kanyang favorite.

“I love all my characters. They show a different side when I am in their shoes, costume, make-up and wig.

“But my eternal favorite will always be Ate Vi.

“Si Ate Vi kasi kahit na anong season puwede siya. 'Tsaka puwede mo siyang iharap sa kahit na kaninong guest—bata, matanda, lalake, babae, bakla, tomboy—nakaka-relate sila kay Ate Vi.

“Kaya forever love ko ang aking Ate Vi,” pagmamalaki niya.

Hindi nga matatawaran ang talento ni Jon Santos dahil sa gitna ng kanyang taping para sa kanyang talk show, kailangan pa niyang lumagare sa Resorts World Manila para sa Priscilla, Queen of the Desert: The Musical kunsaan siya ang gumaganap bilang si Bernadette.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN