Jon Hall pinabagsak si Janvier Daily sa "Pinoy Mano-Mano"

by Noel Orsal
Dec 10, 2007
Natalo si Janvier Daily (left) ni Jon Hall (right) sa December 8 episode ng Pinoy Mano*Mano: Celebrity Boxing Challenge. Dalawang beses pinabagsak ng "British Bulldog" ang dating boyfriend ni Ethel Booba.

Dahil tatlong beses nang nananalo sa Pinoy Mano*Mano: Celebrity Boxing Challenge, kinilala na bilang ang hari ng undercard si Jon Hall. Itinapat noong Sabado, December 8, ang "The British Bulldog" sa dating boyfriend ni Ethel Booba na si Janvier Daily.

Nanaig ang lakas at tapang ng Fil-British model na si Jon kung kaya't siya ang itinanghal na panalo sa laban. Sa katunayan, ilang beses bumagsak itong si Janvier sa kabuuan ng laban, isa sa round 1 at isa sa Round 2, kaya naman minabuti na rin nang referree na ihinto na ang laban.

Ang akala nga ng marami na si Janvier na ang magpapabagsak kay Jon Hall sa undercard dahil halos mas mataas ng kaunti ang height nito at magkasing laki sila ng katawan. Pero kulang pa rin ang mga itinapong lakas ni Janvier para pabagsakin ang British Bulldog.

Simple lang si John nang itanghal na panalo dahil sa wala kang makikitang kayabangan sa kanya at pakumbaba pa rin itong nakipagyakapan sa natalong kalaban. Ngiti lang ang makikita mo sa kanyang mukha na walang bahid na pagyayabang.

Continue reading below ↓

Kung hindi nga sana ito sa undercard nailagay at kung naging isa man siya sa mga celebrity boxers ngayong season, malamang siya ang makakalaban ni Rico Robles sa finals. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na makakasama si Jon sa second season ng Pinoy Mano*Mano: Celebrity Boxing Challenge next year.

Isang hunk at punong-puno ng energy sa katawan ang isa pang makakasama ni Jon sa line-up, at balita namin ay naghahanda na ito sakaling makalaban niya ang undefeated British Bulldog.

Tinanong nga niya ang isa naming kaibigan kung talaga raw bang magaling itong si Jon, kasi hindi pa raw niya napapanood ang laban nito mula nang mag-umpisa ang PMM.

Nang sabihin ng aming kaibigan na magaling ay sinabi nitong mag-eensayo siya ng husto para kung sakaling makatapat niya ito ay handa na siya. Ang isa pang inaasahang maging celebrity boxer next year ay walang iba kung hindi si Carlos Morales.

Continue reading below ↓

Naging laman ng balita recently si Carlos dahil itinigil niya ang kanyang pag-aaral ng kursong Nursing sa Sacramento City College sa Estados Unidos upang pasukin muli ang mundo ng showbiz. Nakilala noon si Carlos sa pagganap niya sa pelikulang Laro Sa Baga (2000).

Samantala, sa December 15 na ang main event ng Pinoy Mano*Mano: The Celebrity Boxing Challenge, na gaganapin sa isang malaking gym somewhere in San Juan. Si Rico "The Truth Behind the Booth" Robles at si Jordan "The Jaguar" Herrera ang magtutuos.

Sa nalalapit na pagtatapos ng palabas, hatid ng Pinoy Mano*Mano ang "real-life action and the best of Pinoy celebrity boxing" sa inyong telebisyon. Samahan sina Cesar Montano at Bayani Agbayani sa isang espesyal na paghahandog ng Pinoy Mano*Mano: the Celebrity Boxing Challenge sa Sabado ng gabi pagkatapos ng XXX sa ABS-CBN. May replay naman ang palabas na ito tuwing Linggo ng umaga bago ang Princess Hours.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
ABS-CBN, television
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natalo si Janvier Daily (left) ni Jon Hall (right) sa December 8 episode ng Pinoy Mano*Mano: Celebrity Boxing Challenge. Dalawang beses pinabagsak ng "British Bulldog" ang dating boyfriend ni Ethel Booba.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results