JC de Vera on The Legal Wife: "First time kong maka-experience ng nagna-number one sa ratings, pati sa Twitter trending worldwide."

JC de Vera describes The Legal Wife co-star Angel Locsin by saying, "Para siyang cowboy, e. Para siyang boyish na katropa mo. Ganoon yung aura niya."



Patapos na ang The Legal Wife, ang isa sa mga pinag-uusapang teleseryes ng ABS-CBN of recent years. Mapapanood ang finale episode ngayong Biyernes, June 13.

Naging malakas ang impact ng characters ng major actors ng nasabing Kapamilya serye – Angel Locsin bilang Monica, Jericho Rosales bilang Adrian, at Maja Salvador bilang Nicole.

Ang isa pa sa major character ng serye ay si JC de Vera, isang guwapong martir pagdating sa pag-ibig.

Gaano kalapit kay JC sa totoong buhay ang character ni Max, role niya sa The Legal Wife? Martir rin ba siya?

“Na-try ko nang maging martir, pero ayoko nang ulitin,” simula ni JC nang makapanayam siya ng piling miyembro ng press, kamakailan lang sa conference room ng Star Cinema sa ABS-CBN.

Sa The Legal Wife, anu-ano ang mga eksenang hinding-hindi niya malilimutan o mga memorable scenes niya?

“Lahat sila, mga co-stars ko, may kanya-kanya. Si Angel, paborito ko yung elevator scene namin, yung nakulong kami sa elevator. Yun, gusto ko ‘yon.

“Kay Jericho, meron ring isa. Yung parang nilait ko siya na parang binalik ko sa kanya ang tanong niya. Yun yung kay Echo.

“Kay Maja, marami. Kasi, from the beginning of the show, kami na lagi magkasama. First scene namin, yun na agad, e.”

‘Yung character niya, kanino mapupunta sa ending?

“Panoorin niyo na lang po, basta martir siya sa kahit na anong bagay.

“May twist pa kasi towards the ending. Maraming confrontation scenes si Monica [Angel] and Nicole [Maja] na kasama na yung mga anak. So, magkikita-kita.

“Maraming scenes si Adrian [Jericho] and Monica na tina-try nilang ibalik yung family, dahil sa anak nila. Pero talagang magulo yung situation, so, kailangan nilang abangan kung paano nila maso-solve yung case.”

Sa role niya, matatapos ba ang teleseryeng ito na wala siyang nakatuluyan?

“Well, meron pang part ng script na ‘di ko pa nababasa, e. Nag-aantay pa rin ako ng answer from Monica. So, yung ending, di ko pa talaga nababasa pa. So, ‘di ko pa alam kung sasagot ba siya or magbabalikan sila ni Adrian.

“Ako, tantiya ko, magkakabalikan sila pero kaso, ‘di ko pa nga nababasa yung final script.”

Mako-consider ba ni JC na sa buong career niya, ang The Legal Wife ang best show niya ever, so far?

“Oo, very fulfilling kasi, e,” sagot niya. “Parang first time kong maka-experience ng nagna-number one sa ratings, pati sa Twitter trending na worldwide.

“Iba yung experience na makasama ka sa ganitong show na number one ang ginagawa mo.”

To think na pati na ang ibang seasoned actors like Christopher de Leon, Rio Locsin, etc ay kasama rin sa mga nakatrabaho niya sa serye?

“Oo, kasi, marasarap makatrabaho yung mga nakasama mo dito, na alam mo yun, yung i-push mo pa ang sarili mo to the limits. Siyempre, nakikita natin si Angel, gabi-gabi, umiiyak, e. Mahirap rin ang character ni Maj.”

Kanino siya naging close sa tatlo during the course ng mahabang taping nila – Jericho, Angel, o Maja?

“Equal naman sa kanilang tatlo. Kasi, sa taping, talagang babaran kasi kung minsan, e. So, talagang nagkakausap at nagkakakuwentuhan naman kaming apat, lahat kami, kahit sa madaling araw.”

Ano ang bago niyang na-discover niya sa kanilang tatlo na hindi pa niya alam dati?

“Nakatrabaho ko si Angel sa GMA pero matagal na yun, mga 10 years ago na yun. Now, si Angel, para siyang cowboy, e. Para siyang boyish na katropa mo. Ganoon yung aura niya.

“Hindi siya kikay, e. Para siyang lalaki na babae. Alam mo yun? Babae siya, pero parang lalaki siya kung umasta.

“Si Maja, ang tawag namin doon, ‘Pulis.’ Kasi, makulit. Halimbawa, natutulog ako sa kotse, kakalabugin niya ang bintana! Yung mga ganoon.

“Tapos, natutulog ka, talagang gigisingin ka! Kaya ayun, binibiro namin, ‘O, ayan na’ng ‘Pulis'! Kasi, alam naming mangungulit talaga siya.

“Masaya naman na may gano’n sa set, kasi nga, nabubuhayan ang mga tao. ‘Tsaka, yung pagkakulit niya, ‘di annoying. Kahit na kulitin ka niya buong araw, ’di ka maiirita sa kanya.

“Si Echo, tuwang-tuwa rin sa kanya, kasi nga, nabubuhay niya [ang set]. Kahit na medaling araw, siya pa rin yung bubbly.

“And then, si Echo, ‘di ko alam na makakasundo ko siya. Kasi, sobrang bait pala niya. Parang hindi marunong gumawa ng mali sa kapwa… Ganoon siya, e, mabait siya. Mapipilit ka niyang magsalita, e, na hindi offensive.

“Di ba kasi, bago ako, e. Ako yung bago sa grupo. So, isa si Echo sa talagang pinipilit akong magsalita, magkuwento. Talagang siya pa yung lalapit.

“Parang family kami, kaya ayun, masarap kasama yung tatlo.”

Ano’ng mami-miss niya sa pagtatapos ng serye?

“Bitin, e!” sabi ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN