Glaiza de Castro's character has a gay boyfriend; differentiates Dading from My Husband's Lover

Glaiza de Castro on Dading co-star Gabby Eigenmann: “Nung una pa lang naming eksena together, naramdaman ko na kaagad na nag-connect kami kasi makikita mo naman kasi sa ka-partner mo kung ano, e... kung giver siya.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza de Castro noong Miyerkules, June 11, sa Parang, Marikina, sa taping ng Dading. Ito ang first time na magsisilbing lead star si Gabby Eigenmann.

Si Glaiza ang gaganap bilang leading lady ni Gabby rito.

Bading si Gabby sa show kaya hindi maiiwasan na ikumpara ang role ni Glaiza sa role dati ni Carla Abellana, bilang si Lally, sa My Husband’s Lover, kung saan may asawa siyang gay—si Vincent na ginampanan ni Tom Rodriguez.

Paglilinaw ni Glaiza, “Hindi, malayo!

"Malayo po ito kasi, unang-una, mag-start kami dito, mag-best friends kami 'tapos naging mag-boyfriend, tapos nalaman ko na bading siya.

"So, dun pa lang, parang malayo na, 'di ba?”

Ganun din halos ang kuwento ng My Husband's Lover.

Diin ng aktres, “Hindi. Magkakaroon po kami ng ano, e... mami-meet ko yung character ni Benjamin Alves, so magkakaroon kami ng anak ni Benj.

“'Tapos iiwan ako ni Benj, babalik ako kay Carding [Gabby].

"'Tapos siya yung parang tatayong ama ng anak ko slash nanay tapos magpapakasal kami ni Carding,” kuwento pa niya.

Ready ba siya kung sakaling ikumpara siya sa naging papel ni Carla Abellana dati sa MHL?

“Well, siguro may mga magsasabing ganun pero paka napanood nila malayo, e. Kasi may comedy din ito, e.

“Actually hindi siya ganun kabigat katulad ng My Husband’s Lover. More on light lang talaga although may drama pa rin naman.

“Pero mas nagpu-focus kami sa kapag pinapanood mo, yung masarap lang siyang panoorin,” sabi pa niya.

WORKING WITH GABBY. Ano naman ang pakiramdam niya na siya ang kinuhang leading lady ng GMA para sa launching series ni Gabby bilang lead star?

“Nakakatuwa! Kasi after din ng ilang... halos isang year akong walang soap, e.

“After ng Temptation of Wife, nag-Katipunan ako though may mga sitcoms and Sunday All Stars ako in between.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nakakatuwa kasi si Gabby matagal ko na siyang yung nakakasalubong lang, hi-hello, pero hindi ako nabigyan ng chance to really work with him.

“So ngayon pa lang po talaga,” saad niya.

Ano ang mga nadiskubre na niya kay Gabby?

Ayon kay Glaiza, “Nung una pa lang naming eksena together, naramdaman ko na kaagad na nag-connect kami kasi makikita mo naman kasi sa ka-partner mo kung ano, e... kung giver siya, e.

“Kumbaga kapag sa mga eksena, kailangan mong umiyak o kailangan ng support, nandun siya.

“Yung tipong malaking gesture or malaking part sa akin na yung artist talagang tinutulungan ka niya na ma-reach yung emotional...

“Kumbaga kung ano yung hinihinging emotional requirement, kumbaga yung parang ganun para dun sa mga eksena, nakaalalay siya.”

Mahusay na aktres rin si Glaiza. Kailangan pa ba siyang alalayan?

“Siyempre po,” at natawa si Glaiza.

“Siyempre sa lahat naman ng ginagawa, lalo na ito bago ito para sa akin, bagong tema,” sinabi pa ni Gladys na gaganap bilang si Beth sa Dading.

PREPARING FOR NEW ROLE. Sa Temptation of Wife ay gumanap si Glaiza bilang kontrabidang si Heidi. Paano niya itatawid ang papel ni Beth na mabait naman sa Dading?

“Siguro malaking factor yung ano talaga, yung physical appearance.

“Yung ito-tone down mo yung eyebrows mo kasi yung sa akin ang tapang ng features ko e, ang laki ng mata ko, sharp akong tumingin kahit na hindi ko sinasadya.

“Na parang nakasanayan ko na ganun akong tumigin,” at natawa si Glaiza.

“So may conscious effort ako to really soften my looks tapos the way ako magsalita, mahinhin.

“Kumbaga may ano nga ako e, may peg ako na character, kasi yung girlfriend ng kapatid ko, very soft-spoken.

“Tapos in terms of preparation naman, kasi nurse ako dito, kumbaga nagkaroon ako ng immersion, nagpaturo din ako dun sa girlfriend ng kapatid ko kung paano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Anyway parang basic, kumuha ng BP [blood pressure], yung mga ganun... kumuha ng temperature, mga ganun po para at least man lang pagka may ginagawa ako na mga eksena na ganun hindi naman ako mukhang awkward tingnan,” detalye pa niyang kuwento.

Hindi ba siya nanibago dahil nga isang taon siyang hindi gumawa ng teleserye?

“Naninibago. Everytime po na meron akong gagawin na soap naninibago ako. Parang palaging ano, bagong salta sa showbiz, ganun,” at muling tumawa si Glaiza.

At ngayon ay mabait naman siya.

BIDA OR KONTRABIDA? Ano ang mas gusto niya, kontrabida siya o mabait ang papel sa harap ng kamera?

“Pareho, e. Pareho talaga kasi challenging siya sa akin, e. Sa pagiging kontrabida naman, siguro mas pagod ako dahil lagi akong galit.

“Lagi akong nag-aaway, sumisigaw so ano siya, mahirap din siya para sa akin.

“Ito naman mas more on... kasi mapagbigay si Beth e, mapagpasensiya, maalaga, tapos kapagka may sasabihin sa kanyang hindi maganda o aapihin siya hindi na siya lalaban/

“Kumbaga more on inward yung reaction niya, yung pigil siya,” pahayag niya.

DADING VILLAINESS. Sino ang kontrabida sa Dading?

Ani Glaiza, “Well hindi siya super-kontrabida, e. Parang siya lang yung isa sa mga magiging conflicts lang, si Chynna [Ortaleza].

“Kasi pagbalik nung character ni Benjamin, girlfriend na niya si Chynna. Pero hindi ko pa siya nakakaeksena.

“Hindi naman siya yung tipo ng kontrabida na parang Heidi. Hindi siya ganun, hindi siya yung super-evil.

“Kumbaga, conflict lang talaga dahil nga siyempre bilang girlfriend ni Benj tapos meron kaming anak siguro dun magre-revolve yung jealousy, yung kung sino yung may mas karapatan, 'di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN