Direk Louie Ignacio on Marian Rivera: "Dapat lang pala siyang maging prangka kasi napaka-sincere siyang tao."


Sa darating na Sabado, June 21, mapapanood na ang unang dance musical show ni Marian Rivera titled Marian.

Tampok sa naturang palabas ang Diamond Star na si Maricel Soriano at ang Star for All Seasons na si Vilma Santos
.


Kamakailan, nakausap ng PEP si Louie Ignacio na siyang director ng Saturday primetime musical na Marian.

“Eto first time namin [magkatrabaho ni Marian]. Pero nakatrabaho ko siya sa mga specials, TV specials, yung mga GMA TV specials, Party Pilipinas, mga ganun, SOP,” kuwento ni Direk Louie.

Kumusta katrabaho sa kauna-unahang pagkakataon ang GMA-7 Primetime Queen sa isang regular TV show?

“Kung tatanungin mo ako, ‘Gusto mo pang ulitin ang another season na makatrabaho mo siya?’, yes!”

And more and more seasons ng Marian?

“Yes!

“Nakilala ko siya na yung mga naririnig ko sa kanya, sabi ko, ‘E, dapat lang pala siyang maging ganun, maging prangka kasi napaka-sincere siyang tao.

“Totoo yun,” ang sinabi pa ni Direk Louie na nakapanayam ng PEP.ph sa grand press launch ng Marian noong June 10 sa GMA Network Center.

Wala raw siyang naranasan na kahit anong pagtataray, kamalditahan o reklamo mula kay Marian.

“Wala. Napaka-ano lang niya, napaka-straight niya. Sasabihin niya sa iyo, ‘Direk, puwede bang ito?’

“Ganun, hindi yung sasabihin niya, ‘Ang ganda, Direk! Pero pagtalikod niya, hindi.

“Hindi siya ganun. Tapos sasabihin niya, ‘Direk, gusto mo ulitin?’

“Yung mga ganun.

“Ako yung tinatanong niya kaya medyo naano naman ako as director niya. Yung respeto niya nandun, andun yung respeto niya.

“Yung ugali niya, mali yung mga naririnig ko about her.

“Kasi ako yung supladang direktor rin ako na ‘pag ang pangit [ng ugali] yung artista ko, iniiwan ko.

“Eto sabi ko nga, kahit another season, gusto ko pang mag-Marian.”

Nakarating rin naman daw sa kanya ang mga intriga na kesyo masyadong prangka at mataray si Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami, di ba? Sabi ko sa kanya, in fairness to the girl, to Marian, dapat lang siyang mag-ganun. Yung minsan magiging mataray ka, minsan maging totoo ka, kasi di ba? Kung tinatapakan ka na, yung ganun.”

Kung ikukumapara niya si Marian sa isang sayaw…

“K-Pop dance! Bago siya, e. Bago siya, gusto siya ng tao, magugustuhan siya ng tao, pag-aagawan siya ng tao.”

Ang dance show ba ni Marian ay ginagamit na peg ang dance show ni Vilma Santos titled Vilma?

Vilma, Loveli-Ness [show ni Alma Moreno], Maricel [show ni Maricel Soriano, yung ganun,” paglilinaw pa ni Direk Louie.

May mga naidirek ba siya sa mga nabanggit na shows?

“Wala. Superstar! Last three episodes ng Superstar,” pagtukoy naman ni Direk Louie sa musical variety show noon ni Nora Aunor.

At dahil mga sikat at toprater ang mga nabanggit na shows na susundan ng yapak ng Marian show, may pressure ba ito kay Direk Louie?

“Hindi naman, ang ginawa namin kasi, ‘I-enjoy natin!’

“Kasi parang di ba, parang, ‘Oooppps!’

“Mayroon na namang isang kabadingan na show. Na mag-e-emote si Marian, magbibihis siya ng iba-iba. Ang itsura niya iba-iba, yung ganun.”

Nasa show rin si Paolo Ballesteros bilang co-host at sina Christian Bautista at Mark Bautista. Bahagi rin ng Marian si Julie Anne San Jose.

Magkaibigan sina Marian at Paolo kaya may rapport ang dalawa.

“Ay magkasundo! Magkasundo yung dalawa. Pati si Christian, si Mark Bautista, ganun din.”

Sa isang drama series o pelikula ay hindi pa rin nahawakan ni Direk Louie si Marian.

Ikinatutuwa rin ni Direk Louie na mai-direk si Marian sa isang acting project.

“Oh yes! Ngayon pa na nakilala ko yung ugali niya? Sabi ko, ‘Ay, willing akong makatrabaho siya. Tsaka bago kami nag-start nag-usap kami sa phone.

“Sabi ko, ‘Alam mo pagka mahal ko ang isang tao, pinapaganda ko!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinanong niya ako, ‘Mahal mo ba ako, Direk?’ ‘Oo!’

“Tapos nakita niya, ang ganda-ganda niya talaga!”

Ieere na ang Marian sa Sabado, June 21, pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko sa GMA.

Si Alma noon ay naging trademark ang pagsusuot ng tanga sa kanyang mga production numbers; magta-tanga rin daw si Marian sa Marian show.

“Ay naku! Queen of the night! First time niyang mag-tanga.

“Oo, iyon yung second episode.”

Buti napapayag niya si Marian na magsuot ng napakasexy na tanga.

“Eto nga; meron kaming dinesign na damit for her. Sabi niya, ‘Direk, para sa ‘yo, gusto ko iba ang isusuot ko, first time.’

“Pagpasok ko sa dressing room, naka-tanga ang girl!”

Galing pa raw sa mismong stylist ni Marian na si Liz Uy ang naturang tanga na piniling isuot ni Marian for her number.

At napagsayaw rin niya si Governor Vilma sa show ni Marian.

“Yes! Love na love ako ni Governor! Kasi sabi niya, di ba, sobrang busy si Gov. [Sabi niya] ‘Pagdating ko, puwede ba isalang n’yo na ako agad?’

“Pagdating niya, roll! Oh! Tuwang-tuwa siya.”

Hindi raw natuloy ang guesting sana ni Alma sa show.

“Maricel natuloy.”

Kumusta ang pagsasayaw ni Maricel sa show ni Marian?

“Maganda, maganda.”

Si Dingdong Dantes raw ay magge-guest sa birthday episode ni Marian sa August.

“Maganda yung birthday episode ni Marian. Baka iyon yung mga dirty dancing, whatever. Bagay yun!’

Sino ang nais ni Direk Louie na mai-guest pa sa Marian?

“Ay, Vic Sotto! Yung si Ryzza Mae [Dizon], para may mga pambatang sayaw. Yung mga ganun.”

Sa mga politicians, meron ba siyang gustong i-guest sa Marian?

“Wala po,” ang mabilis na sagot ni Direk Louie.

Paano ba nagpe-prepare si Marian para sa dance show niya?

“Hay naku, yung rehearsals niya, nakaka-four times siyang mag-rehearse ng full prod.”

Ganun raw ka-perfectionist sa mga dance numbers niya si Marian at ayos iyon para kay Direk Louie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, mas okay yun. Sa akin pag hindi nagre-rehearse ang artista iniiwanan ko. E, iyan binabantayan ko hanggang matapos kasi nakakahiya.

“Si Marian, mahihiya kang iwan mo siya sa rehearsal kasi no complaints.

“Nagbo-blow-out pa, siya nagpapakain.”

ON TROPANG POTCHI. Si Direk Louie rin ang direktor ng kiddie show na Tropang Potchi kung saan nagsimula bilang child stars sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Ngayon ay bida na sina Miguel at Bianca sa Niño, bukod pa sa partisipasyon ng dalawa sa upcoming sitcom na Ismol Family nina Ryan Agoncillo at Carla Abellana.

Masayang-masaya si Direk Louie para sa dalawang Kapuso young stars.

“Tuwang-tuwa ako lalo na kay Bianca...Sabi ko nga, itong batang ito, baka the next Marian ito pag naging dalaga sa ganda. Ang ganda ng mukha.”

Pati raw ang very first TV commercial ni Bianca ay si Direk Louie ang direktor.

Hindi raw niya ikinalungkot na wala na sa Tropang Potchi sina Bianca at Miguel.

“Bumabalik sila as ate and kuya, parang ganun.”







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN