Gabby Eigenmann would agree to do a gay love scene for a project


Ang Dading ay tungkol kay Carding, isang bading na biglang naging Daddy.

Kaibigan niya si Beth, na ginagampanan ni Glaiza de Castro, na mabubuntis ni Joemer, na ginagampanan naman ni Benjamin Alves.

Iiwan ni Joemer ang mag-ina kaya si Carding ang tatayong ama ng bata.

May love interest dito si Carding, si Dindo, na gagampanan ni RJ Padilla.

Sa ginanap na set visit noong June 18, nakita ng press ang nakakatuwang eksena ng dalawa sa bakery na pag-aari ni Carding.

Dito’y magtititigan sila ni Dindo na animo’y totoong nagmamahalan sila.

Biniro tuloy namin si Gabby na baka may “lihim” siyang kabadingan.

“Kaloka ka,” saka tumawa si Gabby.

“Hindi 'no! Huwag ganun. I observe kasi marami rin akong kaibigan na bakla.

“Actually, every time kapag nasa eksena na, hindi ko na iniisip kung ano bang tama, kung ano bang ano, I just do it ‘tapos I just get feedback na lang from the people here.

“So natutuwa naman ako, akala nila totoo na, sabi ko, ‘Teka lang!’

“Hindi ko kasi namamalayan na ano...I just do my job.”



CO-STARS. Wala raw silang kissing scene ni RJ sa Dading.

“I don’t think papayag naman sa TV.”

Pero papayag daw si Gabby halimbawang magkaroon ng ganoong eksena.

“Oo, sa movie kapag may opportunity, okay lang. Kahit gay love scene. For me, work is work.”

Kumusta katrabaho si RJ?

“Okay naman. So far okay naman, first day namin na magka-eksena kanina.”

Komento ng ilang entertainment press, first scene nila iyong nagtitigan sila pero makatotohanan na agad.

“Alam mo, ako kasi, pagdating naman sa bahay when the script arrives, I just do my work, my homework.

“Ayun naman ang sinasabi ko rin sa mga nakakasama ko sa trabaho.

“It’s important to get excited when you receive the script lalo na when we have a good story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So sa bahay pa lang, I do my homework. Pagdating na sa set, ako kasi, it’s easier for me na tutukan mo yung character niya.

“Kaya nung una kaming nagkita ulit ni RJ, ‘baby’ na ang tawagan para mas magaan na.

“Siya din naman, in a way, nag-reciprocate na, ‘O, baby!’

“So dun pa lang alam mo na, ‘Kaya na natin ito!’ Ganun.”

Sinabi naman ni Glaiza sa hiwalay na interbyu na natutuwa ito at hindi nahihirapang ka-eksena si Gabby dahil mahusay ito bilang aktor.

“Talaga? Sinabi niya? Nasaan siya?” at tumawa si Gabby.

Kuwento naman ni Gabby tungkol kay Glaiza.

“Nung first na eksena na ginawa namin, niyakap ko siya talaga, as in yakap na, ‘Would you believe this is our very first scene together?’

“Ako, in my entire career kasi, never ko siyang nakatrabaho.

“Ako, I was so happy kasi napapanood ko siya, e—Temptattion Of Wife, Grazilda.

“Sabi ko, si Glaiza ano ha, she has her own aura na...magaling siyang kontrabida, e.

“Pero hindi nila alam na if she decides to make herself look softer and pleasant, she is very pleasant!

“So natutuwa ako kasi mapagbigay sa bawat eksena. Like, ‘O medyo mabigat ito,’ ganyan sasabihin niya, ‘Okay lang, mabigat din ito.’

“So nagpapalitan lang kami, magaan siyang katrabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN