Bea Alonzo flattered by Zanjoe Marudo's comment that she will be his last girlfriend

Bea Alonzo compares boyfriend Zanjoe Marudo to Choc-Nut: "Ise-savor ko iyong bawat flavor niya… pang-forever.”



Malaking challenge para kay Bea Alonzo ang kanyang latest TV project titled Sana Bukas Pa Ang Kahapon. Bukod kasi sa star-studded at dual characters ang ginagampanan niya rito, itinuturing ni Bea na isang epic na soap opera ang naturang serye ng ABS-CBN.

Aminado si Bea na nakaramdam siya ng kaba sa seryeng ito.

Subalit nawala ang kanyang pangamba nang sa pilot episode pa lang nito noong Lunes (June 16) ay nakakuha ito ng nationwide rating na 21.7% base sa tala ng Kantar Media. Sa Mega Manila naman, nakakakuha ito ng 20.3% base sa AGB Nielsen data.

Samantala, ipinahayag ni Bea ang kanyang pasasalamat sa mga nanonood ng kanilang teleserye sa kanyang paglabas sa Aquino & Abunda Tonight last week.

“Thank you, thank you po. Maraming salamat po sa mga nanood tonight,” saad ni Bea.

Sa naturang panayam, sinabi rin ng 26-year-old actress na iba raw ang kanyang ginagawang paghahanda sa pelikula kompara sa isang teleserye.

“Iba para sa akin, sa tingin ko kasi, kapag sa small screen, kailangan ay mas malaki ang acting mo. Kasi, karamihan sa mga nanonood sa atin ay nagluluto o kaya ay may ibang ginagawa.

“So, dapat sa unang reaction pa lang, sa isang nuance mo pa lang ay gets na nila.

“Unlike kapag manonood ka ng sine, tutok sila, e… nagpa-popcorn lang sila. So, kahit na maliit lang iyong nuance mo, since it’s a big screen, e.”

Nabanggit din ng Kapamilya actress na na-in-love raw siya sa dalawang karakter niya sa naturang serye.

“Si Rose, sa purity niya. She’s very, very pure, until nga nagkaroon ng isang malaking-malaking pagbabago sa buhay niya. Kaya, kahit na dumating siya roon sa paghahanap ng katotohanan, naiintindihan ko siya.

“Si Emmanuelle, iyong strength niya as a woman,” pahayag pa ng aktres sa mga host na sina Boy Abunda at Kris Aquino.

Nakatulong din daw sa kanila ng leading man niyang si Paulo Avelino ang pinagdaanang sensuality workshop.

“We did a sensuality workshop,” wika ni Bea. “Kasi, nagkakailangan kami noong una, noong first taping day.

“Kasi, wala kaming pinanggagalingan. Hindi ko siya kilala, hindi kami… wala kaming mga encounters, walang ganoon. Hindi kami magkasama sa mga parties, ganyan.

“Nagkakahiyaan kami, e, so… kahit madaldal ako, tahimik iyong tao. So, parang hindi ko rin alam kung paano mag-a-approach,” paliwanag pa ni Bea.

Tanong naman ni Kris Aquino: “So, what did you do, doon sa sensuality [workshop] na iyan? Kung paano ninyo huhubaran ang isa’t isa?”

“Hindi!” nakangiting sagot naman ni Bea. “No, not like that. Using your senses, your sense of smell, sense of touch, iyong ganyan.”

Pinuri rin ng aktres ang leading man niya rito.

“Ang ganda ng twist ng character ni Paulo at saka talagang nagampanan niya ng maayos.”

Ikinumpara rin niya ang papel nina Paulo at Albert Martinez sa kanilang serye.

“Magkaiba kasi, e, magkaiba sila ng love. Kasi iyong kay Kuya Albert, ano talaga, mag-asawa. So, iba na iyong familiarity, iba na iyong dynamics.

“And Emmanuelle is older than Rose. Si Emmanuelle kasi is 35 years old na, si Rose is 26 lang.”

Itinuturing din daw ni Bea ba mapalad sila na makatrabaho ang mga magagaling at beteranong artista tulad nina Anita Linda, Susan Roces, Eddie Garcia, Dina Bonnevie, at iba pa.

“Napakasuwerte naman talaga namin na nakasama namin itong mga artista,” wika pa niya.

Nang itinanong naman ni Kris ang tungkol sa sinabi ni Zanjoe na huling girlfriend na niya si Bea, inamin ng dalaga na kinilig siya rito nang husto.

Kuwento ni Bea, “Sinabi niya [Zanjoe] iyon sa kotse, tinanong siya ng bata [referring to Andrea Brillantes]. Sabi niya-tatay kasi ang tawag niya kay Z, sabi niya, ‘Tatay, pang ilang girlfriend mo na si Ate Bea?’

“Siyempre, ako ay nakikinig talaga. At saka ang bilis niyang sinabi, ‘Panghuli.’

“So ako naman talagang medyo, slow-mo akong tumingin na ganyan, nailawan ako with windblown effect pa, kinilig ako,” nakatawang saad niya sabay hawi ng buhok sa pabirong paghahalintulad ng naturang pakiramdam sa isang eksena sa pelikula.

Dahil may koneksiyon sa tsokolate ang latest drama series ni Bea, inusisa naman ni Boy Abunda, ‘Kung isang uri ng tsokolate si Zanjoe, ano siya at paano mo siya kakainin?’

“Isa siyang Choc-Nut,” nakatawang sagot ni Bea. “Kasi, binabalik-balikan,” pabungisngis na saad pa niya.

“Kung paano ko siya kakainin? Ise-savor ko iyong bawat flavor niya… pang-forever,” nakatawang pagtatapos na ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN