Final match between DJ Rico Robles and model Jordan Herrera in "Pinoy Mano-Mano"


Jordan Herrera (left) and Rico Robles (right) will face each other in the boxing ring on Saturday, December 15, after going through two matches each within a span of eight weeks. Who will be hailed the grand champion of the first Pinoy Mano-Mano: Celebrity Boxing Challenge?



Tiyak na inaabangan ng lahat ang sagupaan ng magaganap sa pagitan ni Rico "The Truth behind the Booth" Robles at Jordan "The Jaguar" Herrera. Gagawin ang laban ngayong December 15, Sabado ng gabi sa The Arena sa San Juan.

Eight weeks din hinintay bago makarating ang show sa inaasam na pagtatapos. Dumaan sa butas ng karayom ang dalawang celebrity boxers upang makarating sa finals.

Si Jordan ang kauna-unahang lumaban sa walong celebrity boxers at nakatunggali niya si TJ Trinidad. Ilang araw bago ng laban nila noong October 27 nagkaroon ng one round sparring session ang dalawa kung saan pinadugo ni TJ ang ilong ni Jordan. Hindi pinalampas ni Jordan ang pagkakataon na pagbutihin ang kanyang training. Nanalo naman siya laban kay TJ.

Sumunod na kalaban sa boxing ring ni Jordan si Joem Bascon noong December 1. Tatlong 2-minute rounds ang pwedeng itagal ng laban ngunit nahinto na ang laban sa second round. Nagpakawala ng sunod-sunod na suntok si Jordan at hinito ng referee ang laban. Napaiyak sa tuwa si Jordan sa pagkakapanalo niya upang makapasok sa finals.

Samantala, nagtagpo naman sa boxing ring ang dalawang dating Pinoy Big Brother housemates noong November 10. Tinalo ni Rico Robles si Rico Barrera nang magkasagupaan ang dalawa sa ikatlong linggo ng show. Nakitaan ng galing sa pagsuntok ang radio DJ (disc jockey) ng paduguin niya ang ilong ni PBB Season 1 housemate. Hininto ng referee ang laban ilang segundo bago matapos ang round 3.

Napasabak naman sa matinding bakbakan si Rico nang harapin niya si Michael Roy Jornales. Isang martial artist si Micahel Roy at sanay na sanay sa labanan. Umabot sa tatlong rounds ang laban pero masusing inaral ni Rico ang estilo ng pagbo-boxing ng kanyang kalaban upang makamit ang tagumpay sa semi-finals noong November 24.

Sa unang undercard ng Pinoy Mano-Mano finals ay magtatagpo ang dalawang musikero—ang singer-rapper na si Blackjack at ang Pinoy Dream Academy finalist Chad Peralta. Susubukan naman ang galing ni Jon "The British Bulldog" Hall at itatapat siya sa isang amateur boxer na nasa training pool ng RP Team. Wala pang talo si Jon Hall sa mga nakaraang laban sa Pinoy Mano-Mano at lahat ng kalaban niya ay itinaob niya sa ring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mananalo sa finals ng PMM ay magkakamit ng reward ng kotse at P500,000 na ibabahagi nila sa pinili nilang charitable institution. Ang matatalo ay makakakuha ng P 150,000. Si Rico ay planong ibahagi ang kanyang pagkakapanalo sa Aklat Foundation. Si Jordan naman ay gustong ilaan ang pera sa isang pinsan na may matinding kapansanan at sa Philippine General Hospital.

Ang Pinoy Mano-Mano: Celebrity Boxing Challenge ay hosted by Cesar Montano and Bayani Agbayani. Ito ay mapapanood sa ABS-CBN, Sabado ng gabi pagkatapos ng XXX.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN