Julia Barretto admits she became emotional because of Mirabella

by Nikko Tuazon
Jun 26, 2014
Julia Barretto (left) on her performance in Mirabella: “The story itself, being able to play two roles for your launching project—that’s already a big thing because it’s very challenging and this is my first soap [opera] di ba? So, it’s satisfying kasi feeling ko natapos na rin ng maayos.”

Ilang araw na lang ang nalalabi para sa ABS-CBN drama series na Mirabella bago ito tuluyang matapos.

Kaya naman muling nagpasalamat ang lead stars nito na sina Julia Barretto at Enrique Gil kasama ang ilan sa kanilang production crew sa kanilang mga taga-subaybay.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawang young stars sa presscon ng kanilang programa nitong Miyerkules, June 25, sa ABS-CBN.

“Very satisfied” daw si Julia sa kanyang naging performance dahil hindi rin biro ang gumanap sa dalawang ibang karakter ng sabay.

Paliwanag ng Star Magic talent, “The story itself, being able to play two roles for your launching project—that’s already a big thing because it’s very challenging and this is my first soap [opera] di ba?

“So, it’s satisfying kasi feeling ko natapos na rin ng maayos.”

Bukod dito, ikinatuwa rin ng young actress na naging maganda ang takbo ng ratings ng kanilang programa.

Ani Julia, “The ratings nag-improve by the end rin.

Continue reading below ↓

“Kumapit na rin yung tao sa story so I can say na kahit hindi siya tumagal ng one year, ng eight months, kahit ano, I’ve learned a lot from this show.”


Napapanood ang Mirabella sa ABS-CBN bago mag TV Patrol at ipapalabas ang finale episode by July 4.

Dagdag pa ng 17-year-old actress, “And there’s nothing better than experience, honestly.

“Para na rin siyang preparation for the upcoming [projects], parang ganun.”

Inamin din ni Julia na hindi niya napigilan ang maging emosyunal sa isang panayam tungkol sa kanilang programa.

Kuwento ni Julia, “Well, siyempre first of all magtatapos na po yung show itself.

“Siyempre nakaka-sad na yun but I think kasi I have this thing na kapag I’m telling my story, yung journey ko parang I get emotional.

“Dun ako naiyak, yung kinukuwento ko yung pinagdaanan ko, yung journey.

Tinanong din ng press kung sa tunay na buhay ay magagawa rin niya ang nagawa ng kanyang karakter sa kanilang drama series.

Continue reading below ↓

Sagot ni Julia, “Hindi po kasi ako yung tipong tao na maghihigante in a bad way like how Bella is doing it.

“Iintindihin ko yung sitwasyon, kung saan nanggaling… if ever kung yung parents ko, kung saan nanggagaling yung parents ko.

“Iintindihin ko kung bakit sila ganyan towards me, ganun akong tao.

“I’ll see the reason behind their actions.

“Gagawin ko yung dapat kong gawin, yung karapat-dapat.

“Pero I don’t think I’ll ever, hindi ako maghihiganti sa way na makakasakit ako ng mga tao.”

LEADING MEN. Samantala, kinilig naman si Julia nang malaman na siya raw ang pinaka naging close ni Enrique sa kanyang mga naging leading ladies.

Ani Julia, “Nakaka-flatter siya siyempre kasi, di ba?

“You’re working, you’re building up your friendship tapos yun na pala yung tingin niya sa ‘yo.

“Yun na pala yung feeling niya towards you na ikaw na yung naging closest niya sa lahat so it’s very flattering.”

Continue reading below ↓

Nais ni Julia na manatiling matatag ang kanilang pagkakaibigan kahit tapos na ang kanilang programa.

Sabi ni Julia, “More than anything, siguro if there’s a promise, sana even after the show he may have more love teams, ten more leading ladies pero sana the friendship would remain.”

Nagpapasalamat din si Julia sa naibigay na tulong sa kanya ng co-star na si Sam Concepcion.

Kuwento ni Julia, “Even before the show, naging mabuti ko na siyang kaibigan.

“Sam is a very helpful leading man. I remember, I had a big scene, yung turning point na ng story kung saan inapi talaga si Mira—yung ‘freak show’ [episode].

“I remember I was having a hard time sa eksenang yun and I remember Sam just tapping my back until ma-feel ko na yung eksena, until maiyak na ako.

“And there’s this one scene na 4 a.m. na, wala na akong mailabas na iyak, naghintay lang siya.

Continue reading below ↓

“Hindi siya nagreklamo, hindi siya nag-nuance na, ‘Ano ba yan! Ang tagal-tagal na!’

“Sam will show you support and patience and ways na hindi ko alam kung paano niya nagagawa.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto (left) on her performance in Mirabella: “The story itself, being able to play two roles for your launching project—that’s already a big thing because it’s very challenging and this is my first soap [opera] di ba? So, it’s satisfying kasi feeling ko natapos na rin ng maayos.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results