Ruru Madrid says management still choosing between Ashley Ortega and Gabrielle Garcia as his future loveteam partner


Mahalaga ang papel ni Ruru Madrid sa My Destiny na pinakabagong primetime drama series ng GMA-7.

Gaganap dito si Ruru bilang si Paul Andrada na bunsong anak nina Selena (Kuh Ledesma) at Mateo Andrada (Dennis Roldan) at bunsong kapatid ni Matthew Andrada (Tom Rodriguez).

Alam ni Ruru na isa itong malaking break para sa kanyang acting career bilang isang television actor.

“Yes po! Parang ito po talaga yung pinaka-big role na gagawin ko sa primetime, and sa teleserye po,” nakangiting sinabi ni Ruru ng makausap ng PEP.ph sa Plaza Ibarra sa Timog kunsaan ginanap ang June 24 grand press launch ng My Destiny.

Kumusta katrabaho si Tom bilang kuya niya sa soap opera?

“Si Kuya Tom po actually nakatrabaho ko na po siya dati sa My Lady Boss po, pero sobrang igsi lang po.

“Dito po sa My Destiny sobrang lagi po kaming magkasama, kahit na on and off cam.

“Sobrang bait ni Kuya Tom. Kahit nasa tent lang kami, laro kami ng laro e, PS4 nagdadala siya.

“Yung parang kuya talaga, para siyang kuya talaga para sa akin, ganun.”

At kumusta naman maging ina sa serye si Kuh Ledesma?

“Si Miss Kuh po, ang first impression ko kay Miss Kuh medyo nakakatakot po. Pero grabe, sobra ang bait!

“Ang tawag niya sa akin pag nagkikita kami, ‘Anak, halika dito anak!’

“Tapos iyon, iki-kiss ko siya ganun. Sobrang bait.”

Sa umpisa raw ng taping nila ay ninerbiyos siya.

“Hindi lang po dahil sa mga kaeksena ko kundi dahil din po kay Direk Joyce Bernal. First time ko pong makatrabaho si direk Joyce.”

Nakakatakot bang direktor si Binibining Joyce?

“Hindi naman po nakakatakot pero based po sa mga naririnig ko, sobrang galing po niya, so para sa akin na-pressure po ako na kailangang galingan ko itong mga eksena ko…”

Maraming dramatic scenes si Ruru sa My Destiny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually halos lahat po ng scenes ko po dito as in puro po drama talaga.

“Kasi nagrerebelde, e. Parang yung parents ko [Kuh and Dennis] in-arrange yung marriage nila so hindi ko po alam yun. “Nung nalaman ko, parang dun ako nagrebelde. Siyempre for me akala ko happy family kami.”

Paano niya pinaghandaan ang role niya? Nag-workshop ba siya?

“Lagi naman po akong nagwo-workshop sa [GMA] Artist Center pero ang pagpe-prepare ko po dito sa mga acting ko, parang katulad lang rin po ng dati.

“Like yung sarili ko, pinapasok ko lang rin dun sa role and then ayun na, kusa na lang pong lalabas yun, e.”

Sa My Destiny ay kapareha ni Tom si Carla Abellana bilang si Grace dela Rosa.

Gaganap naman dito bilang si Joy dela Rosa si Rhian Ramos.

Nasa cast rin ng My Destiny sina Sid Lucero bilang si Jacob Perez, Miss Kuh Ledesma bilang si Selena Andrada, Al Tantay bilang Arnold dela Rosa, Ayen Munji-Laurel bilang Ruth Perez, Dennis Roldan bilang Mateo Andrada at si Miss Lorna Tolentino bilang si Agnes dela Rosa.




COMPARISON WITH JERIC? Base sa obserbasyon ng iba, nalampasan na niya ang Protégé winner na si Jeric Gonzales; runner-up lamang si Ruru sa naturang talent search.

“Ah, hindi naman po.

“Siguro po magkakaroon din naman po siya [ng show].”

Si Ruru ay sunud-sunod ang shows mula sa Dormitoryo hanggang sa Akin Pa Rin Ang Bukas hanggang dito nga sa My Destiny.

Puro pa magaganda ang mga roles na napupunta kay Ruru.

Si Jeric ay walang show sa kasalukuyan.

“Pero hindi ko rin po masasabi kung nalagpasan ko na siya kasi kami po ni Jeric, like tingin lang po namin parang, magkaibigan talaga kami, wala sa aming inggitan. Walang inggitan sa amin, ganun po.”




TWO LEADING LADIES. Dalawa ang leading ladies ni Ruru sa My Destiny, sina Ashley Ortega bilang Alex Martinez at Gabrielle Garcia bilang Nicole Perez.



Gabrielle Garcia, Ruru Madrid and Ashley Ortega

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually hindi ko pa po alam kung sino ang makakatuluyan ko sa kanilang dalawa, e. So nae-excite ako siyempre.

“Ang mangyayari niyan pagkatapos nitong soap na ito, siyempre iyon na yung magiging ka-loveteam ko sa next [show] so iintayin ko.”

Hindi rin niya alam kung iba naman ang ipapareha sa kanya sa susunod na series.

“Hindi ko po alam kasi parang nakikita ko po parang may bini-build-up po silang loveteam, e, sa aming tatlo.

“Parang pinagpipilian lang po nila kung sino po sa dalawa para sa akin, ayun.”

Masasabi ba niyang wala na ang lovetam nila ni Barbie Forteza, ang RuBie?

“Ang RuBie po, hindi ko lang po alam pero if ever po na magbalik po iyon, siyempre hinding-hindi ko po tatanggihan yun.

“Kasi si Barbie talagang sobrang daling kaeksena para sa akin, e. As in sobrang close kami, magaan kami sa isa’t-isa so ayun, okay.”

Walang nililigawan si Ruru ngayon.

“Siguro hihintayin ko na lang yung tamang destiny ko. Wow!” at tumawa si Ruru.

Sino ang nais ni Ruru na sundan ang mga yapak pagdating sa pagiging artista?

“Gusto ko po talagang maging Kuya Dong [Dingdong Dantes].
“Kasi si Kuya Dong hindi lang po siya aktor, e. Host din siya, magaling ring magsayaw, producer, director, so gusto ko rin po yung ganun, yung marami talagang nagagawa.”

Sino naman ang gusto niyang maging Marian Rivera niya balang-araw?

“Hindi ko po po masasabi. Hintayin ko lang po yung destiny ko,” at muling natawa si Ruru.

Aminado naman si Ruru na may crush siya kay Marian.

“Kasi ano e, ang ganda-ganda tapos sobrang bait tapos ang dami niyang talent.”

Crush din raw ni Ruru ang My Destiny co-stars niyang sina Ashley at Gabrielle.

“Si Ash mabait, lagi ko siyang nakakasama. Matagal ko na rin po siyang kilala since Bamboo Flowers [Ruru’s indie movie last year] pa lang po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Gab po, lately lang po kasi bago lang po siya sa GMA, nito lang siya, nung May lang po. Pero sobrang bait din then maganda, tapos magaling din.”

Sixteen years old ngayon si Ruru pero he looks mature than his real age.

“Pag nga po pag sinasabi kong sixteen lang ako ayaw maniwala nung iba, e,” at natawa si Ruru.

Kaedad lang halos niya ang ibang male teen stars ng GMA na sina Renz Valerio, Julian Trono at Miguel Tanfelix.

“Si Julian mas matanda pa nga sa akin yun, e,” at muling natawa si Ruru. “Magse-17 na po siya, e. Ako this coming December seventeen.”

Advantage ba sa tingin niya na mukha na siyang binata?

“Hindi ko po masabi. Kasi, siguro may advantage at disadvantage din like yung advantage ko siyempre puwede na akong i-loveteam sa mas matanda. And then ang disadvantage ko parang yung mga roles na parang like, bata, na puwede ko pang gawin hindi ko na siya makukuha kasi ang tangkad ko, baka mas matangkad pa ako sa [gaganap na] nanay at tatay ko.”

So puwede na niyang palitan sa trono si Alden Richards na isa na sa mga prinsipe ng Kapuso network?

“Ah, hindi ko po masasabi yan kasi, hindi ko lang po sure, hindi ko po masasabi ‘yan.

“Kasi naghihintay lang po ako ng tamang destiny,” ang tumatawang pagtatapos ni Ruru sa aming panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN