Richard Gutierrez bares plans for It Takes Gutz to be a Gutierrez Season 2

Richard Gutierrez (left) says It Takes Gutz to be a Gutierrez Season 2 will focus on him, Sarah Lahbati and their son Zion.


Kung finale episode na ng It Takes Gutz to be a Gutierrez sa cable channel na E!, magsisimula namang mapanood ang naturang family reality show sa TV5 ngayong gabi, July 5. Ang pilot episode ay mapapanood mamaya pagkatapos ng PBA.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa pocket presscon ng Gutierrez family sa Victorino’s Restaurant sa Jamboree Street sa Quezon City noong July 3.

Sa pamamagitan ng Pilipinas Global Network Limited (PGNL), TV5’s International arm, mapapanood rin ang reality show sa United States, Canada, Saudi Arabia, UAE, at Guam.
Habang patapos na sa E! ang unang season ng It Takes Gutz… at magsisimula naman sa TV5, sinisimulan naman ng ayusin ang ikalawang season ng show sa E! na sa iba’t-ibang lugar naman ngayon sa bansa kukuhanan.
Ayon kay Richard. “Na finalize na namin and we’re changing the team. So, mas controlled na namin. Mas mahirap ang trabaho namin, ‘di ba? Kasi, pati yung marketing, lahat, kumbaga hawak namin. So, mas maraming trabaho.
“Pero, mas controlled namin kung ano ang gusto naming mangyari. Sa ngayon, binubuo na namin ang team namin. Naghahanap nga kami ng magaling na director for us. Kasi, si Direk Mike Carandang is very busy.
“Magki-create muna kami ng buong team at may mga suggestions na rin kami more or less kung ano ang aabangan sa Season 2. Of course, about me, Sarah [Lahbati] and Zion at kung ano ang gagawin mo namin in the future ngayong na-announce na namin si Zion. Paano nagbago ang lifestyle namin dito.”
Okay lang naman daw kay Richard kung ngayon nakukuhanan ang bawat galaw nilang tatlo.
Katwiran niya, “Never pa kaming nakunan dahil hindi naman kami naglalabas dati. Ngayon, puwede na kami. Noong isang araw, pumunta kami sa mall, nag-arcade kami. Yung mga ganun.”
Paano kung may L.Q. (lover’s quarrel) sila, okey lang din sa kanyang makuhanan sila?
“Oo, sa amin nga ni Raymond [Gutierrez], gusto kong patanggal, hindi naman tinanggal,” natawa niyang sabi.
Sila naman daw ni Sarah, hindi naman daw sila nag-aaway.
“Hindi kami masyadong nag-aaway, mabilis lang kami na magka-ayos. Naiintindihan niya ko kasi, kuha na namin ang isa’t-isa. Alam na namin ang personality ng isa’t-isa, nakaka-adapt kami sa isa’t-isa.”
Sa pocket presscon, nabanggit naman na may guesting si Richard sa Banana Split, sa segment na “Ihaw Na” ni Jason Gainza.
Masasabi kayang papunta na siya sa pagiging ABS-CBN talent?
“Ako, enjoy na enjoy ko ngayon ang pagiging freelance ko na wala akong contract sa TV. Kasi nga, tulad noon, puwede akong mag-guest sa mga show na gusto kong mag-guest. Puwede akong mag-guest sa TV5.
“So, wala akong restriction and it doesn’t necessarily mean that I’m gonna sign a contract with the network. Gusto ko yung set-up ko ngayon na wala akong contract sa kahit anong network, tapos may reality show kami, tapos, magko-concentrate na lang ako with movies muna.
“Pero kunwari, may isang project na magandang-maganda at hindi ko puwedeng tanggihan.”
May balita rin nga na may gagawin pa siyang isang pelikula sa GMA Films na pagtatambalan naman nila ni Sarah.
“Yun ang huli kong balita, so, hangga’t hindi mag-roll ang camera, hindi natin malalaman kung tuloy. Pero, ang huling balita ko, may gagawin nga raw kaming pelikula. Nagpadala sila ng initial na storyline, okay naman, maganda,” saad niya.
Nagpaalam naman daw si Sarah sa GMA tungkol sa It Takes Gutz to be a Gutierrez na appearance nito at ang pag-ere rin nito sa TV5 dahil naka-kontrata nga si Sarah sa Kapuso network.
Ang kay Richard naman, “Nagpaalam naman at saka, dapat nga masaya sila kasi, yung exposure ng regional all-over Asia, tapos siyempre, yung E! naman it’s a very world class na network and it’s not doing any harm, it’s actually helping her out.
“I think, they should just be happy for her.”
Nakikita niya ba ang posibilidad na international career dahil sa magandang pagtanggap sa show nila?
“Siguro one-step-at-a time. Ngayon, happy kami dahil we’re opening doors, we’re creating opportunities. Gaya nga ng sabi ni Raymond, parang ginawa kaming case study sa mga meeting ng NBC, Universal dahil first time ngang nangyari ito sa Asia.
“I think, it’s a good thing, it’s a good start for us.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN