Toni Gonzaga clarifies Eastwood incident with fans

Toni Gonzaga says she was in a hurry during her recent event held at Eastwood. “Mahalaga sa akin ang fans, kaya hangga’t maa-accommodate ko sila, siyempre po ay gagawin natin iyon."


Isa si Toni Gonzaga sa special guests sa opening ng Cinema One Anniversary Film Festival na tinaguriang Libreng Sine Handog ng Cinema One. Ginanap ito sa Cinema 7 ng Megamall kahapon, July 5.
Ang naturang event ay bahagi ng kanilang 20th anniversary celebration.
Pinangunahan ni Toni at ng Cinema One head na si Ronald Arguelles ang ribbon-cutting bilang hudyat ng pagbubukas ng two-day event from July 5-6. Present din sa naturang okasyon si Dimples Romana.
Kabilang sa mga pelikulang ipinalabas kahapon ay ang Starting Over Again, Bride for Rent, On The Job, Blue Bustamante, Melodrama Negra, Mater Dolorosa, Pagpag, Shift, Oro Plata Mata, at Slumber Party.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment writers, sinabi ni Toni na nagpapasalamat siya sa Cinema One dahil sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng pagkakataon ang iba na mapanood ang kanilang mga pelikula.
“Nagpapasalamat nga ako sa Cinema One, kasi, iyong mga pelikula na wala akong DVD, iyong mga pelikula kong iba ay napapanood ko iyon sa Cinema One.
“And I’m very thankful kasi, tuwing pinalalabas nila iyon ay nabibigyan nila ang mga taong hindi siya napanood, na masilip ang mga pelikulang nagawa natin noon.
“Cinema One, maraming-maraming salamat sa twenty years na hindi n'yo kami iniwan. Na lagi namin kayong kasamang nagpapasaya sa amin at sabay-sabay nating binabalikan ang mga napakagandang pelikulang Filipino,” pahayag ni Toni.
Idinagdag pa ng Kapamilya actress ang kanyang kagalakan sa pagkakapili sa kanila ni Piolo Pascual para kantahin ang theme song ng pasasalamat ng naturang cable channel.
Pinamagatang "Laging Kasama," kinanta ito nina Toni at Piolo kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Ito ay may musika mula kay Ria Osorio at lyrics mula kay Robert Labayen.
“Siyempre we’re very thankful sa Cinema One for choosing me to be one of the ambassadors and of course, yung isa sa umawit sa napakagandang theme song nila which was arranged by Mr. Gerald Salonga and a whole bunch of great artists that collaborated in coming up with a very nice theme song,” nakangiting tugon niya.
Pahabol pa ni Toni, “First time namin ni PJ [palayaw ni Piolo] na magkatrabaho sa isang ganito kagandang proyekto ng Cinema One na kaming dalawa yung kumanta ng themesong.
“So, ayun, we’re just really excited na naging bahagi kami ng selebrasyon.”
Nang inusisa naman ng PEP, sinabi ni Toni na matagal na siyang fan ng mga Filipino movies.
“Oo siyempre, dahil bilang isang artista ng sining ay hinahangaan natin iyong mga napakahuhusay at napakagagandang mga pelikulang nagawa na noon at magpahanggang ngayon.”
Ano’ng klaseng mga movies ito?
“Mahilig talaga ako sa mga comedy, e, lalong-lalo na iyong mga comedy noon...[tulad] nila Rene Requiestas, nila Chiquito… nila… iyong tandem nina Mang Dolphy at Panchito, nina Babalu…

"Hanggang ngayon kapag napapanood ko ang mga re-runs niyon sa Cinema One ay tawang-tawa pa rin ako.
“Classic talaga ang mga comedy na iyon, ang mga pelikulang iyon,” saad niya.
Ano’ng klaseng mga rom-com naman ang gusto niyang pinapanood noon?
“Ano ba ang mga romantic comedies noon?
“Iyong mga nakalakihan ko nang mga romantic-comedies noon… Noong nagsisimula akong manood ng mga pelikula, iyong mga pelikula ni Regine Velasquez na rom-com. Iyong lahat ng rom-com niya ay napanood ko.”



ON EASTWOOD INCIDENT. Bago umalis si Toni ay nilinaw naman ng PEP sa singer/actress/TV host ang isyu hinggil sa launching recently ng latest album niyang Celestine ng Star Records sa Eastwood dahil may mga fans daw na nagtampo sapagkat hindi napagbigyan na makapagpa-picture sa kanya.
“Ay, bakit?” nagtatakang saad ni Toni. “Hindi po, na-entertain ko naman lahat. At saka may live po ako sa PBB [Pinoy Big Brother] noon, alam ng mga tao iyan,” paliwanag pa niya.
So, walang fans na nagtampo?
“Wala naman po akong alam, pero doon sa mga nagtampo, siyempre ay humihingi po ako ng tawad. Kasi, na-late nga ako sa PBB noon, e.
“Mahalaga sa akin ang fans, kaya hangga’t maa-accommodate ko sila, siyempre po ay gagawin natin iyon.”
Sa pamamagitan naman ng text, kahit nasa U.S. ay nilinaw ni Mommy Pinty, ina at manager ni Toni, na sobrang ngarag ang schedule ni Toni noong araw na iyon at hindi kontrolado ni Toni ang kanyang schedules.
“I'm sure na di totoo iyan, coz fans will text me too pag may ganyan and besides ngarag si Toni galing [sa The Buzz], then need to be in [ABS-CBN] again for live PBB eviction night coz taga PBB is forwarding their message to Toni’s team para umalis na sa Eastwood for live airing.
“Siguro naman they will understand mahirap ma-late lalo't live ang show. Toni's situation that time, it’s beyond her control, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN