Dingdong Dantes wants to produce an action movie for girlfriend Marian Rivera



Masaya ang host ng Moments na si Gladys Reyes dahil pinaunlakan ng tinaguriang Primetime King ng GMA Network ang paglabas niya bilang guest sa nasabing talk show.


Mapapanood si Dingdong Dantes sa Moments ngayong Sabado, July 12, ng 6:00 PM sa NET 25. Magkakaroon ito ng replay sa Linggo, July 13, 2:00 p.m. sa Net 25.

Ayon sa host ng programa na si Gladys, marami silang napag-usapan ni Dingdong sa espesyal na episode ng programa, na nasa ika-25 season na ngayon.

Dagdag pa niya, sinigurado raw niya na ang ilan sa mga napag-usapan nila ay hindi masyadong naitatanong sa aktor sa mga interviews niya.

“Hinimay-himay ko ang pagiging producer niya, director, ‘yong foundation niya na Yes Pinoy Foundation, at kung interesado ba siya sa pagtakbo sa pulitika.”

Hindi rin pinalagpas ni Gladys na tanungin si Dingdong tungkol sa level ng relasyon nila ng girlfriend niyang si Marian Rivera.

“Tinanong ko rin, if ever, ilang kids ang gusto nila.

“Kung ipagpo-produce niya si Marian, sinabi ni Dingdong na gusto raw nila action a la Angelina Jolie. Sa kabuuan, nakakatuwa si Dingdong. Very open siya sa conversation namin.”

Ayon sa host at producer ng show na si Gladys, personal niyang kinausap ang manager ni Dingdong na si Perry Lansigan para maging guest ang Kapuso actor sa kanyang show.

Sa tulong ng talent manager ni Dingdong, naging madali na ang pagpayag ng home network ng aktor na mag-guest appearance siya sa Moments.

Kwento ni Gladys, “Nag-send ako ng invite through Dingdong’s manager, kay Perry Lansigan at mabilis naman ang naging sagot nila pagkatapos na ipagpaalam sa GMA.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN