Gladys Reyes says her dream interviewees are Joey de Leon and Charo Santos-Concio


Nag-kickstart na ang simula ng 25th season ng celebrity talk show ni Gladys Reyes na Moments na umeere sa Net 25.

Malaking achievement ito para sa aktres na nagsimulang mag-host ng Moments noong 2007 at sa kanilang ika-seventh year, mas malalaking mga celebrities pa ang aabangan ng mga loyal televiewers niya.

“Nakakagulat isipin na tumagal ang Moments at nasa 7th year na kami.

“Ako mismo, hindi ko inasahan na magpapatuloy ito hanggang ngayon. Kaya malaki ang pasasalamat namin sa aming mga sponsors, sa televiwers na nag-aabangan every season sa mga celebrities na umu-oo sa imbitasyon namin at siyempre sa team ng Moments na masisipag at walang kapaguran.

“And most especially sa pamunuan ng Net 25. Dahil sa paniniwala nila sa show at patuloy ang pag-ere namin at masaya kaming may trabaho every week,” pahayag ni Gladys nang makapanayam namin siya last July 9 via direct messaging sa Facebook.

At tulad ng pangako ng Moments, big celebrities ang mga bibisita sa set ng show para makipagchikahan kay Gladys.

Last week ay nagsimula ang 25th season with Star for all Seasons and Batangas Governor Ms. Vilma Santos-Recto. This Saturday, July 12, ang GMA-7 Primetime King Dingdong Dantes ang siyang makakakuwentuhan ni Gladys.

“I am so honored na napagbigyan tayo ng Mr. Dingdong Dantes na maging guest finally sa Moments.

“First time niya ito at first time ko rin siyang naka-one-on-one.

“Kaya ang saya naming lahat sa show dahil sa pag-unlak ni Dingdong na maging bisita siya ng Moments.

“Abangan nila this Saturday (July 12) ang masayang kuwentuhan namin ni Dingdong. Hindi lang tungkol sa kanyang career kundi may na-touch kami tungkol sa politics, sa kanyang pagiging producer, pagiging director at kung ano na ba ang level ng relasyon nila ni Marian Rivera.

“Lahat ‘yan malalaman nila kaya manood sila ng Moments this Saturday,” diin pa ni Gladys.

Bukod kay Dingdong ay naka-line-up na ang mga special guests ni Gladys sa mga susunod pang weeks ng Moments.

“For the next few weeks, nakahanda na ang mga sasalang sa Moments.

“Siyempre, after Ate Vi and Dingdong, dapat kasing interesting din nila ang mga susunod kaya mapapanood nila sa Moments sina Chef Boy Logro, Sheryn Regis at si Matet de Leon.

“May pang-throwback din kami. Kaya abangan nila sa show sila Sheryl Cruz, Tina Paner at Cris Villanueva.

“Nag-promise din sa akin si Karla Estrada na magge-guest sila ni Daniel Padilla sa show. Inaayos lang ang schedule ni Daniel.

Lahat sila ay makakakuwentuhan ko kaya gawin na nilang habit ang manood parati ng Moments.”

May mga celebrities na matagal nang gusto ni Gladys na bumisita sa set ng Moments. Matagal na nga raw itong inaayos pero alam ni Gladys na matutuloy ito soon.

“Marami na akong mga dream guest na natuloy mag-guest sa Moments.

“Naging guest na namin sina Ms. Sharon Cuneta, Ms. Maricel Soriano, Ms. Lorna Tolentino, Ms. Susan Roces, Robin Padilla, Judy Ann Santos, Ai-Ai delas Alas, Bossing Vic Sotto at Ms. Nora Aunor. Pati ang former First Lady Imelda Romualdez-Marcos at ang mag-asawang Manny and Jinkee Pacquaio.

“Gusto ko naman sana si Mr. Joey de Leon. Kasi alam kong magiging masaya ang taping namin dahil sa mga hirit ni Kuya Joey.

“At wish ko rin na maka-bonding ko sa show si Ma’am Charo Santos-Concio. Para kasing ang sarap makipagkuwentuhan sa kanya.”

Mas nakikilala na si Gladys bilang isang TV host dahil bukod sa kanyang weekly show na Moments at may daily show pa siyang Basta Everyday Happy sa GMA-7.

Pero hindi naman daw worried si Gladys na mabura ang image niyang kontrabida sa isipan ng mga tao dahil sa kanyang pagiging wholeseome na TV host.

“Enjoy lang talaga akong mag-host. Sa daldal ko ba namang ito, kailangan talagang buong linggo ay tsumitsika ako.

“Sa totoo lang, gusto ko pa ngang mag-host ng game show. Hindi ko pa naranasan iyon, e.

“Pero siyempre, hindi ko naman puwedeng ipagpalit ang pagiging actress.

“First and foremost, sa pagiging artista ako nakilala at minahal ng marami kaya tuloy pa rin ang pag-arte ko.

“Katatapos lang naman ng Kambal Sirena kaya pahinga muna tayo sa teleserye at concentrate tayo sa dalawang shows natin.”

Wala namang nagiging conflict sa pagiging host niya ng dalawang shows. Kaya maayos niyang nagagampanan ang kanyang iba pang trabaho bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board at bilang asawa at ina ng kanyang pamilya.

“Once a week lang naman ang taping ng Moments at hindi pa iyon nakakasagasa sa taping ko ng Basta Everyday Happy.

“Kaya no pressure talaga. Walang stress. Happy ako sa magkabilang set.

“Maayos ko ring nagagampanan ang trabaho ko bilang board member ng MTRCB. Sa katunayan may mga seminars na kaming kino-conduct sa iba’t ibang mga establishments at schools.

“And, of course, hindi puwedeng mabale-wala ang aking family.

“Kapag may time pa from my busy day, ang pamilya ko ang kasama at nagagawa pa naming lumabas to watch a movie sa mall or mag-dinner sa labas.

“At kapag may long weekend naman, we go out of town.

“Nakikita naman nila ang pag-post ko ng mga family outings namin sa Instagram at Facebook.

“Hindi puwedeng mawala ang bonding ko with my own family dahil kahit busy tayo, sila ang priority ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN