Ai-Ai delas Alas on Dyesebel: "Tama lang siguro na matapos na habang nasa No. 1 pa kami."


Masayang ibinalita ni Ai-Ai delas Alas na tapos na niyang i-shoot ang kauna-unahang indie film niya, ang Cinemalaya 2014 entry na Ronda na idinirek ni Nick Olanka.
“Entry din siya sa Cinemalaya, first time ko rin. Pulis ang role ko,” ngiti niya.
Bakit niya naisip gumawa ng indie film?

“Inofferan nila ako, e, natuwa naman ako.”

Sino ang kasama niya sa Ronda?

“Marami,” sambit niya. “Ang ka-buddy-buddy ko’ng pulis si Carlos Morales. Si Carlo Aquino kasama ko rin rdito. Of course, my Papa Cesar Montano kasama rin dito. Puro ano lang yun paki-paki lang at puro one day lang.”

Ano’ng klaseng pulis siya sa movie?

“Nagro-ronda, kami taga-ronda na mga Manila police. Matinong pulis siya, hindi corrupt.”

First time raw gumanap ni Ai-Ani ng serious role. Dahil ba yan sa kagustuhan niya na magkaroon ng Best Actress award mula sa Gawad Urian?

“Haha! Sana. Masabing legit [legitimate], masabing legit?! Hahaha!

“Siyempre gusto ko naman manalo sa Cinemalaya, kahit nominated lang.”

Is this the first time na inalok siya to do an indie film?

“Noon, noon may inoffer sa akin pero hindi na natuloy. Sayang, kay ano pa naman yun, kay Mr. Brillante [Mendoza].

"Hindi natuloy, e. Eto yung binubugbog ako parang ganoon, dati. Parang Battered Wife ang title. Sana matuloy para makagawa ulit ako.”

Hindi ba exclusive siya sa Star Cinema?

“Nagpaalam ako. Tapos oo, pinyagan ako. First time, ha.

“Saka ano, kasi si Nick Olanka kay Tita Malou [Santos, Star Cinema Managing Director] yun, e."

How was the experience doing an indie film?

“Masarap, simple lang ang indie. Less is more. Saka yung [instructions], ‘Ai, iba rito, ha.’

“Like kunyari, ‘di ba, sa mainstream kapag nakakita ka ng malaking ilaw, aanggulo, ka? Sabi niya, ‘Dito kahit hindi ka umanggulo. Kapag sinabi ko kung saan ka nakatayo doon ka llanng. Kahit nakatalikod ka, okay lang.’ Ganoon pala yun. Art-art, ‘te.”

Paano ang talent fee niya for the movie?

“Waley [wala], hehe. Waley, ako pa nga ang producer, e. Half-half kami. Wala namang masyadong budget ang Cinemalaya. P500,000 lang ang Cinemalaya tapos kami na ang iba doon. Art-art nga.”

Baka makabawi na lang daw sila sa awards na makukuha ngn Ronda sa Cinemalaya, if ever.

“Naka-seven days kami. Maximum na ang ten [shooting days] ‘pag Cinemalaya.

“At sana, saka gusto naming pumunta sa international film festival.

“Siyempre aattend ako. ‘Yun nga ang inaabangan ko, Korea at saka France.

“Sana mapili kami, ganoon pala yun. Sabi ko, ‘Direk, punta tayo Korea?’ ‘Sana mapili tayo, doon ka muna mag-ano,’ sabi niya. Ganoon pala yun. At kapag napili kami, paghahandaan ko yun. Pupunta ako ng Korea or France.

“Hindi naman ako gagawa ang eksena, maga-ano lang ako, haha. Magpi-french-french [language] lang ako doon. Kapag may world premiere ang movie namin, e, ‘di pasabog din ako doon.”


MOVIE WITH KIM AND XIAN. After ng Ronda, sisimulan naman ni Ai-Ai ang shooting ng bago niyang pelikula sa Star Cinema kasama sina Kim Chiu at Xian Lim sa direksyon ni Mae Cruz.

“Magi-start pa lang kami. Nakatrabaho ko na sila before sa My Binondo Girl. First time sa movie. Pero hindi ko pa kasi masabi ‘yung buong [kuwento] kasi mapri-preempt. Pero parang ano ‘to, love triangle. Ooooh, ‘di ba?”

Ano ang title ng movie nila?

“Ah, tentative title, Past Tense. Hindi siya based on a novel.”



ON DYESEBEL. Kinamusta rin namin ang ABS-CBN primetime show niya na Dyesebel.

“Patapos na. Sa akin okay lang. Kasi si Anne [Curtis] nagtrabaho na naman kami noon. Tapos maganda yung ano, Dyesebel at saka parati siyang top-rating. Kaya nakakatuwa yun.

“Talagang hanggang doon lang ang kwento. At saka, ang bilis nga ng ending, kasi ang bilis ng writer din, e. Natapos agad.

“Number one nga kami parati, e. Tama lang siguro na matapos na habang nasa No. 1 pa kami. Okay lang na mag-end na siya. Mahirap din kasi ang teleserye namin, e.

“‘Tsaka siguro, powerhouse [cast]. Masyadong mahal, sobra. Kita mo naman parang lahat ng mabibigat na aktres nandito na. Nandito si Ms.Dawn [Zulueta], si Z [Zsa Zsa Padilla], si Eula [Valdes], si Gabby [Concepcion], siguro lahat ‘yan ang mamahal ng talent fee

“Although, mahirap talaga kapag fantasy. Hindi lang kami hina-harness dito, lumulubog pa kami sa dagat. Kahit na madaling-araw lumulubog kami. Nagkasakit kaya ako?

“Hinika kaya ako…kaninang madaling-araw. ‘Tsaka ano, parati kaming puyat.

“Dusa ‘to kesa sa straight drama na teleserye. Pero okay lang. Trabaho naman ‘yan, e. Ako talaga, I really like my work,” pagtatapos ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN