Andrea Torres describes Mikael Daez and Pancho Magno as "dalawang barako"

Floored by the huge budget of her new TV series titled Ang Lihim Ni Annasandra, Andrea Torres says she feels blessed and grateful to be entrusted with such a project by GMA-7.



Puspusan nga ang paghahanda ng GMA-7 leading lady na si Andrea Torres para sa bagong pagbibidahan niyang telefantasya na may titulong Ang Lihim Ni Annasandra.

Isang aswang na shape-shifter ang role ni Andrea kaya marami raw siyang mga eksena rito na makikita ang kurba at hubog ng kanyang katawan.

“Aswang ako dito na nagiging pusa, aso, baboy... iba’t ibang klaseng mga hayop.

“Parang sa TV series na True Blood.

"Kapag nagpapalit ng anyo si Annasandra, kailangan nahuhubad siya.

"Kaya kapag mag-anyong tao siya ulit, hubo’t hubad siya.

“Yun pa lang ang puwede kong masabi kasi magsisimula pa lang kami ng taping.

“Abangan nila kung bakit gano’n na lang ang nangyayari sa katauhan ni Annasandra,” pahayag pa ni Andrea nang makapanayam namin siya noong July 11 sa GMA Network Center.

BIG BUDGET. Ayon kay Andrea, gagamit daw ang studio ng special effects na magpapakita nang pagbabagong anyo niya.

Kuwento niya, “Gagamit nga po ng special effects sa pag-morph ko bilang hayop.

"Wala naman daw gagamitin na prosthetics sa akin, almost lahat ay special effects.

"Kaya excited akong makita kung paano nila gagawin ito,” ngiti pa niya.

Thankful si Andrea na ginagastusan ng malaki ng Kapuso network ang mga pinagbibidahan niyang teleserye.

“Yun nga po, parang ang laki yata ng budget ng Ang Lihim Ni Annasandra.

"I mean, hindi mura yung gumamit ka ng special effects for an afternoon teleserye, ‘di po ba?

"I just feel blessed and lucky na sa akin po pinagkatiwala ang project na ito.

"As always, I will do my best para hindi nila masabing nagkamali sila sa pagpili sa akin.”

"BARAKO" CO-STARS. Na-excite si Andrea sa unang pagkakataon na magpapakita siya ng daring side niya sa isang teleserye.

Mga naunang pinagbidahan niyang mga series na Sana Ay Ikaw Na Nga at With A Smile ay parehong wholesome.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ka-love team niya sa parehong teleserye si Mikael Daez.

“Sa totoo lang po, noong una sinabi sa akin na ganito ang character ni Annasandra, kinabahan ako.

"I asked myself kung kaya ko na ba ito? Is it time for me to do a role like this?

“At the same time po, na-excite din ako because ngayon lang yata magkakaroon ng ganitong ka-daring na telefantasya sa GMA afternoon prime."

Isa pa, marami raw ang naghahanap sa team-up na MikAndrea.

"Lalo na noong mag-click yung team-up namin sa Sana Ay Ikaw Na Nga.

“Kaya heto we are back working with one another ulit.

"Na-miss ko rin si Mikael kasi ang tagal na rin noong matapos ang With A Smile.

“Dito ay mas mature ang roles namin.

"Kung sa dalawang naunang teleserye namin ay medyo may pagpapa-sweet pa, dito ay medyo mabigat na ang mga gagawin naming mga eksena.

“Kasama rin namin dito si Pancho Magno.

“First time ko naman to work with Pancho, pero matagal na kaming magkakilala dahil nagkikita-kita naman kami sa mga events ng GMA-7.

“Kaya dalawang barako ang makakasama ko, ang saya, ‘di ba?” tawa pa ulit ni Andrea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN