Meg Imperial reacts to those referring to their afternoon series as “porno-serye”

When Meg Imperial was asked about comments referring to Moon of Desire as “porno-serye,” she said, “Tinatawanan ko na lang. Akala nila kasi pag may nude scene, shower scene, nagtanggal ng damit o may mga halikan, hindi nila naiisip na pinapakita lang naman natin yung reality, di ba?”


Kakaibang Meg Imperial ang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan dahil may new look siya na bumagay naman sa kanya.

Kung mapapansin nagbago ng buhok si Meg at masasabing mas naging elegante ang aktres na napapanood sa Book 2 ng ABS-CBN afternoon series na Moon of Desire.

Mas lalo ring nakikita ang pagiging daring niya sa serye at mukhang ayaw pakabog kay Ellen Adarna pagdating sa pagiging sexy.

Ayon pa kay Meg, willing siyang mas higitan pa ang pagpapasexy at pagiging daring ng ibang celebrities.

Dahil pinahaba ang pag-ere ng kanilang palabas, mas doble effort raw si Meg at Moon of Desire co-stars niya sa pagpasok ng Book 2 ng kanilang teleserye.

“Hanggang on going siya kailangan meron ka pa rin patutunayan at kailangang mag-improve.

“Dapat mas level-up dapat. Laging nasa isip ko, kulang pa talaga at kailangang i-push,” panimulang pahayag ni Meg.

Ano pa ang gustong i-improve ni Meg in the future?

“Siyempre, baguhan pa rin naman ako, so marami pa akong puwedeng matutunan with my co stars. ‘Yung parang naga-ask pa ako at meron pa rin akong ilalabas.

“Hindi ako nag sasalita na hanggang dito na lang ako, Kailangan ko pa ring mag-grow,” aniya.

Habang maasaya sila sa pagbubukas ng Book 2, mas may challenge at may pressure ngayon kay Meg na extended ang Moon of Desire.

Nang tanungin si Meg Imperial tungkol sa mga nagsasabing “porno-serye” daw ang kanilang teleserye, hindi na lang daw pinapansin ni Meg ang mga bumabatikos sa show nila.

“Tinatawanan ko na lang. Akala nila kasi pag may nude scene, shower scene, nagtanggal ng damit o may mga halikan, hindi nila naiisip na pinapakita lang naman natin yung reality, di ba?

“Normal sa magkasintahan na maghalikan kayo. Wala namang nire-reveal na like kitang-kita yung buong katawan mo. Sexy lang, sensual...so I think na-mi-misunderstood nila lang yung fact na para sabihin nilang porno [pornography]. Pag porno, iba na ang dating nun. Scandal na talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, may MTRCB [Movie and Television Review and Classification Board] naman na nagbabantay rin naman. Hindi naman siya basta-basta na ganoon, may story naman.

“May meaning, may laman yung kuwento. Ang porno kasi for me, it’s all about sex ganoon lang.

“Etong MOD, kinailangan lang ng sensuality because yun ang package ng show, di ba?


“Lagi namang sinasabi sa amin ni Direk FM [Reyes] na ayaw niyang gawin ito na puro sexy. Gusto niya it’s a love story. Yun yung focus.

“May story siya, hindi lang pa-sexy. So, dun umiikot sa love story namin ni JC [de Vera]."



MEG THE PARTY GIRL? Sa pagkakataon na ito, sinagot rin ni Meg ang issue na nalasing siya sa isang party.

“Nararanasan ko naman yung first time ko na um-outing, pumarty. Hahaha!

“Last time, galit na galit dahil first time kong malasing.

“Pero matino pa yung pag-iisip ko. Nahihilo lang ako. Sumuka na ‘ata ako pero okay lang.”

Dahil sa naramdaman niyang pagkalasing, hindi na daw ito uulitin ni Meg. “Hindi na. Parang ayaw ko nang ganoon feeling.

“Madali ako malasing pag mix pala. First time ko talaga, wala sa experience ko. Siguro, pang-wine wine lang ako.

“At least alam ko na ngayon sa set pag may lasing na eksena, dati hindi ko alam kung paano ang malasing.

“At least ngayon, may idea na ako. Magagamit ko na siya,” ani Meg.

DIFFERENCES WITH HER CHARACTER. Malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Meg simula ng magbida siya sa afternoon soap opera ng Kapamilya Network.

“Mas kilala na ako ng mga tao. Pag pupunta ka sa isang lugar, ‘Uy, si Meg ‘yan! Tapos kakantahan ka nila ng ‘Moon of Desire.’

“Mas dumami yung offers sa mga events. Kilala ka na talaga as Meg Imperial. Malaki ang naitulong kasi parang nagkakaroon ka na ng pangalan unti-unti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang advantage niyan, hindi lang kasi pang-adult ang Moon of Desire, pumapasok siya sa mga teens kasi yung mga bata ...nanonood sila, nagsasabi sa akin so lumalawak yung range ng fan base.”


May sariling papanaw rin si Meg pagdating sa sitwasyong makabuntis ang kanyang minamahal katulad ng nangyayari sa karakter ni JC de Vera sa kanilang show.

Ani Meg, “Ay siyempre, doble-dobleng sakit yun. Ang hirap. Sa point ko, si Ayla [character niya sa Moon of Desire], kasi bibigyan niya ng second chance, e.

“Pero kung ako talaga, walang second chance. Kasi pagiging iresponsable ng lalaki yun. Siyempre, dapat ikaw lang,” deklara ng 21-year-old actress.

May dagdag pa si Meg sa kung sakaling ang mabubuntis ng kanyang mahal ay kasamahan niya sa trabaho.

“Kung sa work siguro okay lang. Ex naman, e. Parang wala na yun. Kumbaga, pag naka-move-on ka na, okay na yun.

“Pero kung hindi pa, siguro may ilangan factor pero kakayanin mo kasi nga, di ba, pag mahal mo yung tao dapat mag sakripisyo at dapat alam mo kung papano mo ipaglalaban.”

Pagdating sa love life niya, zero daw ang love life ni Meg pero nag-e-entertain naman siya ng suitors.


“Wala. Nagi-entertain pakonti-konti pero hindi pa yung full time talaga,” aniya.

“Merong mga manliligaw pero walang time din, e! Hindi ka makalabas with them dahil sa taping.

“Yung bakanteng oras mo, itutulog mo at ipapahinga mo, kinabukasan taping na naman. At saka, kailangan si mommy muna before me. Hahaha! Kailangan maging close muna nila si mommy.

Aminado si Meg na crush niya si Gerald Anderson at gusto niyang makatrabaho ang binata.

“Oo, puwede. Okey naman siya [referring to Gerald]. Crush ko siya before pero ngayon konti na lang.

“May Maja [Salvador] na siya, e! Hahaha! Ano lang, siya yung nasa list ko, si Coco Martin. Siyempre yung mga ka-age ko...sina Enrique Gil, John Lloyd Cruz, mga ganoon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON WORKING WITH JC DE VERA. Ano ang masasabi niya sa leading man niya na si JC de Vera?

“Okay naman siya. Very gentleman at professional. Naggi-give ng advice sa performance, kung ano ang meron sa industry since siya naman yung pinakamatagal. Siyempre, mas sanay na siya.

Sabi ng ilan, bolero daw si JC sa babae, binobola rin ba siya?

“Ibang bola siguro, parang may halong pang-aasar kasi sila mapang-asar sa set, e.”

Wala daw pagpaparamdam na balak manligaw kay Meg ang kanyang leading man na si JC.

“Wala naman. Parang sobrang busy siguro kaya ganoon. Walang time para sa ganoon. Busy siya sa work niya, ako rin naman sa ginagawa ko. Sa set naman, tutok sa eksena, ganoon. Close lang dahil sa mga eksena.”




NO INSECURITIES. Pinabulaanan ni Meg na hindi sila okay ng co-star niya na si Ellen Adarna dahil naguusap naman daw sila.


Pero aminado si Meg: “Nung una hindi talaga kami ganun ka-close kasi first time ko siya [Ellen] nakatrabaho. Pero lately, lagi na kaming magkaeksena so nagkakaroon na kami ng usapan. Before kasi walang masyadong eksena.”

Hindi rin daw insecure si Meg kay Ellen. “Naku! Wala po kami ganun ni Len. Wala naman po dapat ika-insecure sa isa’t isa. Pareho po kaming nandito para matuto. Okay po kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN