Gina Alajar reveals criteria used in choosing newbie stars of Yagit remake



Pabor si Gina Alajar na nagkaroon ng audition para humanap na apat na baguhang bata na gagawing bida sa upcoming GMA-7 drama series na Yagit.

Sa halip kasi na pagbidahin sa Yagit ang mga existing child stars ng Kapuso Network ay nagkaroon ng nationwide search para sa mga baguhang artista para sa nasabing teleserye.

“I believe na mas magkakaroon ng chance ang audience na magmahal ng mga bagong bata kasi yung mga nakikita na natin, sanay na tayo, e.

“Kung talagang minahal na sila nung audience noon pa, talagang minahal na.

“You know like the way they love Ryzza Mae [Dizon], hindi ba? Sa umpisa pa lang alam mo ng minahal na ng tao, hindi ba?

“Marami tayong child stars ngayon pero hindi natin nakita pa na ganun kalaki katulad ng kay Ryzza. Ngayon this is a chance na merong mai-present na mga bata na maaaring mahalin ng mga tao, ng masa,” pahayag ni Gina nang makausap ng PEP kamakailan sa GMA Network compound.

Si Gina ang magiging direktor ng Yagit na remake ng 1984 drama series.

Ang orihinal na mga batang artista na bida sa Mga Batang Yagit noon ay sina Jervie dela Cruz, Jocelyn dela Cruz, Janet “Elisa” Giron at si Tom-tom.

Sa ginanap na audition kung saan isa si Direk Gina sa personal na nag-screen sa mga aspiring child stars para sa Yagit, ang mga katangian raw na hinanap ni Direk Gina ay ang charm, innate at natural talent at timing.

“Tapos siyempre, kailangan meron siyang 'it' [factor] na mado-drawn ka sa kanya, e.

“Na una mo pa lang siyang makita, na-magnet ka na niya.”

Ita-tackle ba niya ang pulitika sa Yagit? “Siguro, siguro,” aniya.

Biniro namin si Direk Gina na siya ang “revival queen” ng GMA.

Siya kasi ang direktor ng Anna Karenina, Villa Quintana at ngayon ay ang Yagit na pawang hit TV drama series noon.

“I have a tag, I have a title,” at tumawa si Direk Gina. “I’m so, so happy! Thank you!”

Mas gusto ba niya yun, na mga sumikat na shows ay nire-remake at ipinapagawa sa kanya ng GMA kaysa sa mga orihinal na kuwento?

“Feels exciting, nae-excite ako na bigyan ng ibang flavor.”

Bilang artista naman ay dalawang taon na siyang hindi nakakaarte sa harap ng kamera, sa Cinema One entry na Mater Dolorosa.

“Sa TV ang huling appearance ko yata is yung isang guesting sa Magpakailanman.”

Desisyon ba niya ito na mas mag-concentrate sa directing kaysa acting?

“By management’s choice,” at humalakhak si Direk Gina.

“Hindi naman, kaya lang nagkasunud-sunod lang talaga and I’m really, really thankful, I’m blessed, I’m blessed talaga.

“Wala naman akong mairereklamo pa, wala na akong maiko-complain pa na, ‘Ay gusto kong umarte, ayoko munang magdirek!’

“Ang dami na ngang binibigay sa aking blessing, ganun pa? Mamimili pa ako?

“Kaya lang sa pagdidirek kasi, kasi pag-artista sarili ko lang ang kasama ko. Sa pagdidirek marami, isang buong grupo na mas maraming natutulungan, mas maraming nagkakaroon ng trabaho.”

Loveless si Direk Gina; wala bang nanliligaw o nagpaparamdam sa kanya?

“Hay naku! Sino? E, day in, day out nasa set ako. Pare-parehong tao yung nakikita ko.”

Baka intimidated sa kanya ang mga lalaki?

“Siguro, siguro, I don’t know,” ang natatawa pa rin niyang sinabi.



NEW CHILD STARS IN YAGIT. Kamakailan, pinakilala na ng GMA-7 ang apat na batang bibida sa Yagit.

Ang gaganap sa papel na Elisa ay si Chlaui Malayao, ang six-year-old na batang babae na mabilis makakuha ng atensyon at pagmamahal ng mga tao dahil sa kanyang mala-anghel na mukha. Dahil sa kanyang fragile personality, bagay na bagay lalo sa kanya ang karakter ni Elisa na ayaw mawalay sa kanyang inang si Dolores Macabuhay na gagampanan ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi.

Ayon kay Direk Gina, “She has that innocence na tanggap niya kung sino at ano ang nanay niya sa story. Si Yasmien kasi is a very pretty girl, magandang panoorin na maganda yung nanay at maganda rin yung anak.”

Gaganap naman bilang magkapatid at mga pinsan ni Elisa na sina Josie at Tomtom Macabuhay ang mga 12-year-old na batang sina Judie Dela Cruz at Jemwell Ventinilla. Swak kay Judie ang papel na ate ng grupo na puno ng mga pangarap dahil sa kanyang mature personality.

“Naghanap kasi kami ng batang maganda ang mga mata para makita mo sa kanya yung mga pangarap na gusto niya. So nung nakita namin siya, her eyes are very expressive pero alam mong merong sadness. Kaya bagay na bagay sa kanya ang maging Josie,” saad ng direktor.

Samantala, magbibigay-buhay sa karakter ng malusog na batang si Tommy ang bibong si Jemwell. Napansin agad ang kanyang kakaibang galing sa pag-arte sa auditons hindi lamang dahil sa kanyang nakakatuwang personalidad, pero dahil din sa kanyang comedic timing. Alam niya ang tamang oras ng pagbitiw ng mga nakakatawang linya, kaya bagay na bagay sa kanya ang papel na ito.

Maganda rin ang mga nasabi ni Direk Gina tungkol kay JM Andres, ang eight-year-old na batang gaganap sa papel na Ding Reyes. “Noong pinapanood namin siya sa VTR nung auditions, we were able to create a sense of sympathy with his character. Kasi yung role niya silang dalawa lang ng nanay niya yung nakatira sa bahay. Nung nakita namin kung paano niya pagsilbihan yung nanay niya, nakaramdam kami ng awa sa kanya,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN