Kris Bernal says new teleserye with Dennis Trillo and Rocco Nacino will deal with "shared memories"

Kris Bernal (in photo) will co-star with Dennis Trillo, Rocco Nacino, and Lauren Young in GMA-7's upcoming teleserye Hiram Na Alaala.


Kakaibang Kris Bernal ang napanood ng viewers sa episode ng Magpakailanman noong Sabado, July 12. Dito ay gumanap siya bilang isang na-engganyong pag-aralan ang witchcraft para maipaghiganti ang kanyang ama na namatay dahil kinulam.

Natutuwa ang Kapuso actress na maganda ang naging review sa performance niya rito. Sulit daw ang hirap na pinagdaanan niya para magampanan ang nasabing karakter.

“Mahirap talaga siya. Kasi sanay talaga ako sa sweet ‘yong roles ko,” aniya Kris nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Sunday All Stars noong July 13.

“First time ko na maging matapang. First time ko na gamitin ang mata ko na matapang at hindi maamo.

“And medyo challenge siya sa akin kasi… ang amo ng mukha ko!” sabay ngiti ni Kris.

“Unang-una, mukha akong bata sabi nila. So ang hirap nga sa physical attributes ko pa lang.

“But talagang… no’ng sinabi lang sa akin na ako ang gaganap, the day before lang. The night before.

“So I had a very small preparation. And I had a very small time.

“So talagang ang sabi ko…focus na lang ako para magawa ko siya.

“Buti naman at nagampanan ko nang maayos ‘yong character na ‘yon.

“Diyos ko, ang hirap talaga kasi sabi nga nila… ang cute ko raw na magkukulam! Kasi nga mukha akong bata,” tawa pa ni Kris.

“Pero happy dahil marami nga akong nakuhang magandang feedback. And at the same time, binigyan ako ng GMA ng isang challenge na makita na puwede akong maging matapang.

“First time ko ring gumanap sa isang horror na kuwento.”

Hindi lang basta mangkukulam kundi may mga anak na ‘yong character na ginampanan niya. Okay na ba sa kanya ang mga mother roles?

“Oo naman. Okay naman ‘yon sa akin.

“Actually do’n nga ako natsa-challenge. Sa mga hindi ko pa nagawa. At saka ‘yong natsa-challenge talaga ‘yong acting ko. Kasi ano, e… may mga limits din ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero gusto ko talagang i-push ‘yong sarili ko, e. Na… hindi, mas kaya ko ‘to, mas puwede ko pang lakihan ‘yong boses ko, at puwede ko pang palalimin ang acting ko.

“’Yong gano’n? So parang natsa-challenge ako everytime na may gano’ng bago na ibinibigay sa akin.”



TELESERYE WITH DENNIS TRILLO. May bagong teleserye na gagawin si Kris. Ito ay ang Hiram Na Alaala kung saan makakasama niya sina Dennis Trillo, Rocco Nacino, at Lauren Young.

“It’s about the power of shared memories.

“Di ba tayo, kahit malayo tayo sa mga mahal natin sa buhay, parang it’s always the shared memories that get us back together. Parang gano’n ‘yong theme niya.

“Complicated siya. Malalim talaga ‘yong hugot no’ng kuwento, e.

“Tungkol siya sa pagkakaibigan. Halu-halo, e.

“Pagkakaibigan. Tungkol sa pamilya. Pagmamahal sa sarili. At ‘yong loyalty.

“Itong Hiram Na Alaala, ang dami niyang tina-tackle na kuwento. Ang dami niyang tina-tackle na emotions.”

Pag-aagawan ba siya nina Dennis at Rocco?

“Hindi naman sa pag-aagawan. Iba nga ang tema nito, e. Hindi agawan ang mangyayari. Kumbaga… kusa.

“Kusang mangyayari na ma-inlove. Kusang naramdaman, hindi ipinilit.

“Na-in love na lang bigla sa akin. At na-in love na lang akong bigla dahil nakita ko sa taong ito ang lahat ng memories na meron ako. Lahat ng masasayang alaala na meron ako.”

Ang character ba ni Lauren, magiging kontrabida sa buhay niya?

“Hindi siya kontrabida sa buhay ko. Isa siya sa lead. Siya ay girlfriend ni Dennis.

“So, ang ganda rin ng role niya. Pero hindi ko pa masabi ngayon kung may mga away kami o may mga sampalan kami. Hindi ko pa masabi.

“Basta… hindi ko pa puwedeng sabihin kung paano ako mai-involve sa characters nina Dennis and Rocco.”

Kung tungkol sa love angle sa mga roles na gagampanan nila ni Rocco, hindi ba magiging mahirap ‘yon? Dahil sa totoong buhay ay maingay na pinag-uusapan at kinikikiligan ang relasyon ng aktor kay Lovi Poe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi. Hindi naman. Everytime naman na may leading man ako, malaki ang respeto ko sa relasyon nila. Talagang trabaho lang.

“So… walang magiging problema. Pagdating kay Rocco, alam ko ‘yong sa kanila ni Lovi.

“And inirerespeto ko ‘yon. Pangako ko, kapag trabaho talaga… nasa trabaho lang ako.

“Ayoko rin ng may nahahalong iba.”

Si Dennis ang tila single din kaparis niya sa ngayon. Sila siguro ang may posibilidad na ma-link sa isa’t isa.

“Naku! Si Dennis?” muling natawa na reaksiyon ni Kris.

“Parang mahirap ‘ata na standard si Dennis!”

Bakit naman magiging mahirap?

“Wala lang. Hindi ko gaanong kakilala pa si Dennis. Hindi ko pa siya gaanong ka-close. Pero sa nakikita ko sa kanya… siyempre Dennis Trillo na siya, e.

“Lahat tayo binibigyan natin ng respeto si Dennis bilang aktor.

“So… hindi ko rin naman masasabi na imposible. Siyempre kung hahayaan ni Lord, mangyayari.

“Pero parang hindi ko pa siya ma-imagine. Dahil sa ngayon nga nagugulat pa lang ako na kapartner ko siya.

“Parang ngayon, hindi pa ako makapaniwala. So paano pa kaya naii-imagine ko na mali-link kami. Naku!” tawa na naman ni Kris.



ON ALJUR’S LOVELIFE. Ang dating ka-loveteam niyang si Aljur Abrenica, dumadaan ngayon sa maintrigang situwasyon. Bunsod ito ng nangyaring break up ng aktor at ni Kylie Padilla at pagkaka-link din sa naging leading lady nitong si Louise delos Reyes sa Kambal Sirena.

“Pagdating kasi sa personal life ni Aljur, I don’t ask, e. Pero siyempre, bilang kaibigan niya at nakasama niya for the longest time, nakakalungkot din na may pinagdadaanan siyang ganyan.

“Pero kasi sa akin, hindi ko alam ‘yong totoong nangyari, e. Alam mo ‘yon?

“Alam mo kasi minsan, parang… binibigyan Niya ng challenge itong tao na ‘to dahil kailangan niya.

“So maybe gano’n lang. Na… talagang dumadaan ‘yong mga ganitong problema niya dahil kailangan niyang matuto. Kailangan niyang matutunan sa experiences niya.”



ON CARL GUEVARRA. Noong nagtapos ang relationship nila ni Carl Guevarra, parang wala siyang naging matinding pinagdaanan. Tila medaling naka-recover at nakapag-move on si Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman parang wala lang. I know my priorities, kumbaga.

“Sabi ko nga, I’m very focused on my goals. And ‘yong lovelife kumbaga… masaya na may nagpapasaya sa ‘yo…na may inpirasyon ka.

“Pero you should learn how to balance everything. Na may lovelife ka halimbawa but at the same time… mas malaki dapat ‘yong pagmamahal mo sa pamilya mo.

“Mas malaki dapat ‘yong pagmamahal mo sa career mo. Dahil ito ang bumubuhay sa ‘yo.

“Binigyan ko naman siya [Carl] ng atensiyon. Hindi ko naman kinakawawa si Carl.

“Binigyan ko siya ng atensiyon. But I know my priorities.

“Sa akin lang kasi, may mas maraming importanteng bagay na kailangang pagtuunan ng pansin.”

Matatagalan pa bago siya muling maging open sa pagkakaroon ng ulit lovelife?

“Tingnan natin. But I’m not rushing kasi talagang happy ako sa ginagawa ko ngayon.

“Last kong ginawa ‘yong Prinsesa Ng Buhay Ko. At nakapaghinga man ako pero ang dami ko pa ring ginawa sa mga nakaraang buwan.

“Trabaho pa rin ang gusto kong i-prioritize,” sabi pa ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN