Joyce Ching on playing a "pokpok": "Ibigay natin kay Rita 'yan"

by Rommel Gonzales
Mar 14, 2019
Joyce Ching (in photo) gets asked if she can portray a pokpok (prostitute) like the character played by Rita Daniela in My Special Tatay.
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rita Daniela sa set ng My Special Tatay, nabanggit nito na isa si Joyce Ching sa mga close friends niya sa showbiz.

Kaya nang makausap namin si Joyce ay tinanong namin sa Kapuso actress kung ano ang masasabi niya sa newfound fame ni Rita bilang si Aubrey sa My Special Tatay sa GMA.

Ani Joyce, “Sobrang happy ako for Rita, sobrang happy po talaga ako para sa kanya, kasi ever since naman napaka-talented talaga ni Rita, parang hindi lang talaga siya nabibigyan ng tamang break, tamang role, tamang character.

“So sobrang happy ako na ngayon nailalabas niya yung galing niya and nare-recognize ng mga tao.”

Sikat na sikat si Rita ngayon sa netizens at viewers bilang kikay at "pokpok" na si Aubrey, na nagbago dahil umibig sa isang special child na si Boyet, played by Ken Chan.

Kaya rin ba ni Joyce na lumabas na pokpok sa isang teleserye o pelikula?

“Hahaha! Ibigay natin kay Rita ‘yan.”

Walang boyfriend si Rita, focused ito sa career at sa church.

“Oo, ayun din, yun din yung isa ko pang kinakatuwa, kasi nga napunta siya sa church,” nakangiting wika pa ni Joyce.

Bilang Christian ay active member si Rita ng Favor Church na nagmula sa Australia ang founder.

DRAGON LADY

Nakausap namin si Joyce sa grand press con ng Dragon Lady kamakailan sa Shangri-La Finest Cuisine Restaurant, West Avenue, Quezon City.

Ginagampanan ni Joyce sa Dragon Lady ang karakter na Astrid Chua.

Directed by Paul Sta. Ana, ang Dragon Lady ay pinagbibidahan nina Janine Gutierrez bilang Celestina Sanchez at si Tom Rodriguez bilang si Michael Chan.

JOYCE CHING AS FUTURE DIRECTOR

Mula 2005 ay nasa GMA Network na si Joyce.

What makes her a loyal Kapuso?

“Well, hindi rin naman po kasi ako pinapabayaan ng network, ng GMA, parang ever since naman alaga din nila ako at saka hindi rin natitigil yung mga projects na binibigay nila sa akin.”

Napagsabay ni Joyce ang pag-aartista at pag-aaral. Nagtapos ng Film course si Joyce sa Meridian International College noong nakaraang taon.

In the future ay nais niyang maging direktor.

“Yes, hopefully,” aniya. “Yung nag-Film po talaga ako kasi gusto ko ding malaman or maging aware sa kung anong nagyayari behind the camera, behind the scenes, kung ano talaga yung galawan, ano yung process, ganyan.

"Since nandito na rin ako sa same industry para na rin mas madali for me na ma-practice or ma-exercise.”

Sa taping ba ay nag-o-observe rin siya?

“Opo, lalo na nung nag-aaral pa ako, chine-check ko talaga.”

Nangingialam ba siya sa direktor?

“Hindi naman po masyadong nangingialam, pero tingin-tingin lang.”

Si Gina Alajar ang idolo niyang direktor.

“Nag-start po talaga ako kay Direk Gina. Kasi si Direk Gina, nung nag-aaral po ako, siya yung tinatanung-tanong ko. Ini-interview ko kung paano siya naging director... yung mga ganung bagay.”

May nagawa nang short film si Joyce as part of her thesis sa school kung saan ang mga artista niya ay sina Mon Confiado at Barbara Miguel.

Si Joyce rin ang sumulat ng script ng naturang short film.

Saan ito puwedeng mapanood?

Sagot niya, “Hindi ko pa po siya nilalabas, e, pero try natin isali kung saan-saan.”




Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joyce Ching (in photo) gets asked if she can portray a pokpok (prostitute) like the character played by Rita Daniela in My Special Tatay.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results