Bela Padilla busy with TV show Sa Puso ni Dok and movie remake of Patayin sa Sindak si Barbara


Sa Puso ni Dok ang titulo ng bagong project ni Bela Padilla na dapat sana’y ipalalabas sa GMA News TV pero nagdesisyon ang management na sa GMA-7 na i-ere ito.

Ayon kay Bela, ang nasabing serye na pagbibidahan rin ni Dennis Trillo ay mahahalintulad sa Grey's Anatomy, isang American medical drama series na sumikat sa buong mundo.

Ang pagkakaiba ng Sa Puso ni Dok ay may kilig ang kuwento at ang setting ay mga public hospitals. Ang leading man ni Bela dito ay si Dennis Trillo.

(Read: Dennis Trillo and Bela Padilla paired in GMA's medical drama Sa Puso ni Dok)

Saad pa ni Bela tungkol sa teleserye, “It’s more deglamorized because we're shooting in a public hospital because you know we’re showing the Philippine conditions in provinces. So, the whole idea is to really show the people what is really like to not have the proper equiptment, for your hospital to not have the budget.

“Parang we’re trying to raise social awareness, parang ganon. It’s very inspiring. It’s an eye-opener parang very heavy yung subject matter but the way we shoot it, very light. So, ang galing.”

Unang medical series raw na ito na produced ng GMA-7 at dinidirehe ito ni Adolf Alix Jr. kaya naman excited at proud na mapabilang sa project si Bela.

Exclusive na nakapanayam si Bela ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang 62nd Famas Awards na ginanap sa Solaire Hotel Resort and Casino Grand Ballroom nong July 13. Nagwagi ang nasabing Kapuso actress bilang best supporting actress para sa 10,000 Hours.

Isang newly graduated doctor na galing ng Manila ang gagampanan ni Bela sa teleserye.

Patuloy niyang deskripsyon sa kanyang role, “She dreams of working abroad. So, binigyan siya ng two-year return-service to this program. So, I chose to go that province. Tapos, si Dennis [Trillo] naman he grew up there, kilala na niya lahat ng mga tao sa baryo na yun, sa probinsya na yun.

“So, siya malapit siya sa mga tao doon. Very different kami. Ako, kikay galing ng Manila. Iba yung way ng thinking ko. Ang iniisip ko parang very by the book if I treat my patient. Si Dennis naman may kasama nang personal touch dahil kilala na niya sila.

“Saka very forgiving siya na hindi na niya kayang magbayad kaya doon ko siya sa labas iti-treat.

“Ipapakit lang yung difference naming dalawa and how we compromise. It’s nice.”

Nagkasama na si Dennis at Bela sa recently concluded Endless Love pero hindi sila nagkaroon nang maraming eksena kumpara sa bago nilang serye ngayon. Sambit pa nga ni Bela, nakakatuwa raw ang aktor dahil ang galing nitong umarte.

“Kasi Dennis is a very quiet person. Kung napapansin n'yo he’s very quiet pag hindi nakaharap sa kamera. Kung minsan hindi ko alam kung ano ang iniisip nito, kung anong motivation nito. Kasi bigla na lang sa eksena, bigla na lang intense. Nagugulat ako. Uy, saan nanggaling yun? Kanina nakatingin lang siya sa pader.

“So, very different kami. Kasi ako lalo na pag madaling araw sa taping, gusto ko ako yung maingay, yung medyo masaya. Para, di ba, pag nakikita ng staff na, 'Ay okay, si Bela active pa, sige tayo rin.'

“Si Dennis naman very reserved, very quiet. Lagi lang siyang nasa dressing room pero pag umakting na, ayun na.”

Naninibago pa rin raw si Bela kapag may bago siyang project.

“Oo, I don’t consider myself na pagdating mo sa set parang alam na alam mo na ang ginagawa mo. Ako, feeling ko every new show it’s a new experience for me. Kaya nagugulat pa rin ako.

“And eto kasi yung pagka-shoot niya parang indie? Ang gaganda ng mga shots. Kaya yung way nang taping namin parang orthodox. Minsan wala kaming tent. Kasi nga originally GMA News TV siya kaya yun nga, nanibago ako."

Kabilang si Bela sa mga iilan na Kapuso talents na hindi nariringgan ng reklamo kapag matagal na hindi nabibigyan ng project.

Ang pinakahuling regular TV project na ginawa ni Bela ay ang Love And Lies na pinagbidahan ni Richard Gutierrez higit isang taon na ring natapos sa ere.

Pahayag niya, “Hindi naman kasi nga I’m doing this series and I’m also doing a movie titled Barbara. It’s a remake of Patayin sa Sindak si Barbara. Pero hinahanap ko pa rin ang taping.

“Actually, nami-miss ko pa rin. And naghihintay na rin ako. Nalulungkot na rin ako. May mga base na rin na nalulungkot na rin ako.

“Pero feeling ko kasi parang hindi ko siya kailangang i-broadcast, e. Kung malungkot ka sa iyo na lang. Gano'n ang way of thinking ko. Kung para sa iyo, para iyo.

“Siguro right now yung mga lineup of shows na ginagawa nila ngayon hindi para sa akin. I can accept that.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN