Kris Aquino reveals shooting details of MMFF entry with Coco Martin

Kris Aquino (in photo) reveals shooting details of Feng Shui 2, her Metro Manila Film Fest entry with Coco Martin.



Para sa 2014 Metro Manila Film Festival, magiging bahagi si Kris Aquino sa sequel ng blockbuster horror movie niyang Feng Shui.

Saad ng TV host-actress, “It’s been ten years since the first one. So, it’s my reunion with my favorite director, direk Chito Roño and the very first time na I think four years in a row na siya ang actor of the year: Coco Martin.

"Kumbaga, abangan nila yun at sana suportahan nila. And of course, kahit hindi ko na kailangang i-promote dahil sila ang magna-number one, Praybeyt Benjamin 2, si Vice [Ganda] with Bimby [James Yap Jr.]”.

Nagsimula na bang mag-shooting si Kris ng Feng Shui 2 kasama ang co-star na si Coco Martin?

“August 12. We start on August 12. Kasi yun ang suwerte. Sorry, kasi nagpa-feng shui kami for the Feng Shui movie.”

Pero hindi ba ghost month ang August?

“Yeah, pero yung August 12 kasi last year nag-start rin ako ng ghost month para sa Little Bossings. Tapos hinanapan kami ng suwerteng araw. Pati si Bimby at Vice pina-feng shui ko sila together with direk Wenn [Deramas]. Sila naman August 1 naman ang suwerteng araw.

“Kasi my specific hour pa, pasensya na. Kasi kina Vice after lunch. So, tama lang naman yun kasi sa akin kailangan morning. Kailangan morning sun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN