Mikael Daez on new fantaserye Ang Lihim Ni Annasandra: “Maganda ang kutob ko sa serye na ito..."

Mikael Daez (in photo) reveals that Andrea Torres's character in Ang Lihim Ni Annasandra transforms into a pig.



Apat ang regular shows ngayon ni Mikael Daez sa GMA-7.

Bukod sa Bubble Gang, Ismol Family, at Ang Lihim Ni Annasandra, may daily segment din siya for Saksi na "Midnight Express."

Aniya, “Natutuwa ako na 'Midnight Express' is doing very, very well, napakaganda ng feedback.

“Napapansin talaga yung segment na ‘yon.

"At nakikita ko rin kung gaano talaga kamahal ng mga Pilipino ang pagkain.

“Kasi talagang kahit late na late talaga kami umeere, na malapit nang mag-midnight, ang dami pa ring gising.

"Inaabangan yung segment.”

Napapagkasya pa ba niya ang kanyang oras? Hindi pa ba kinukulang sa dami ng kanyang trabaho ngayon?

“Hindi ko nga alam. Lord, ikaw na ang bahala sa akin!

“Mahirap, medyo mahirap pero kaya naman, kakayanin.”

Tungkol naman sa Ismol Family, kunsaan bida naman sina Ryan Agoncillo at Carla Abellana, aniya, “Happy rin ako dun sa sitcom namin na ‘yon tuwing Sunday.

"Exciting kasi laging kalog ang bawat episode na ginagawa namin.”

Pahayag naman niya sa fantseryeng Ang Lihim Ni Annasandra, drama pa rin daw ang tema at pangkalakahatan ng kuwento nito.

“Sa story, si Andrea nag-iiba ng anyo pagsapit ng dilim, nagiging baboy siya. Oo, nagiging baboy siya!” sabay tawa ng aktor.

“Ako naman, normal na tao ang character ko.

“Excited ako dahil kasama ko ulit si Andrea at maganda lagi ang nagagawa naming trabaho kapag magkasama kami.

“Maganda ang kutob ko sa serye na ito, maganda rin ang chemistry naming lahat... as a cast.

“Kasama naming sa cast sina Rochelle Pangilinan, Kris Villonco, at Pancho Magno na malapit kong kaibigan.

“Nag-start na silang mag-taping no’ng Friday [July 19], baka Wednesday o Friday next week, simula na rin ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN