Ken Chan worries about proliferation of Boyet memes, videos

IMAGE My Special Tatay (GMA-7)

Ken Chan on netizens posting videos, memes about his character in My Special Tatay: "Hindi natin sila masisisi, yung mga taong gumagawa ng memes, dahil sarado pa yung isip nila o kulang pa yung pag-iisip nila. Kulang pa yung knowledge nila pagdating sa mga ganito kasensitibong bagay."


Nabahala si Ken Chan sa mga gumagawa ng memes at videos kaugnay sa karakter niyang si Boyet sa Kapuso series na My Special Tatay.

Ginagawa kasing katatawanan sa social media ang Mild Autism Spectrum Disorder ni Boyet.

“In the first place, nakakatuwa, masaya sa pakiramdam na naa-appreciate ka ng mga tao. Ang dami, e!” bulalas ni Ken nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping noong Marso 13, Miyerkules, sa Tenement, Taguig.

Pagpapatuloy ni Ken, “Halos every day, sabog yung social media ko dahil kaka-tag sa akin ng memes.

“Pero at the same time, mas malaki yung nakaka… hindi ko alam kung tama yung word na disappoint... nakaka-disappoint.

“Pero hindi, e, mas parang… nakakabahala para sa mga taong may kundisyon ni Boyet.

"Kasi, baka maapakan namin sila. 

"E, walang control ang GMA, ang social media doon.

"Mga tao na mismo ‘to, wala na kaming control doon, so nakakabahala po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na baka maapektuhan in a negative way yung mga taong may kundisyon ni Boyet, especially yung mga nanay at magulang.

“Ang mga tao kasi, ang karamihan, hindi nila kasi naiisip kaagad na baka makaapak sila.

“Basta, nag-e-enjoy sila sa ginagawa nila.

“Hindi natin sila masisisi, yung mga taong gumagawa ng memes, dahil sarado pa yung isip nila o kulang pa yung pag-iisip nila.

"Kulang pa yung knowledge nila pagdating sa mga ganito kasensitibong bagay.

"Unlike yung mga magulang na may anak na tulad ni Boyet, may autism, konting ano lang po ‘yan, sensitive sila diyan. Masasaktan po sila.”

AWARENESS ABOUT MILD AUTISM SPECTRUM DISORDER

Malaki ang nagawa ng My Special Tatay para maging aware ang marami sa Mild Autism Spectrum Disorder.

Kuwento ni Ken, “May lumapit po sa akin na nanay na nagpasalamat, sa Robinson’s Magnolia po yun.

"Lumapit sa akin, nagpapasalamat siya dahil may My Special Tatay na nagiging aware po yung mga tao kung gaano kasensitibo yung ganitong kundisyon at sitwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na huwag ganoon."

Nabuksan ang isip ng ibang televiewers na hindi limitado ang kapasidad at pag-iisip ng taong may Mild Autism Spectrum Disorder.

“Puwedeng maging responsableng tatay, puwedeng magmahal.

"Dati, akala nila, bawal silang mag-asawa, bawal magkatrabaho, bawal kung anuman yung ginagawa ng isang normal na tao.

“Naniniwala po ako na naging instrumento po yung My Special Tatay mismo sa mga tao para maging aware sila.

“Kasi, parang marami pang hindi aware, e.

“Marami pang hindi nakakaalam kung ano… kahit nga po ako, hindi ko alam dati kung ano ang ibig sabihin ng mild autism… ng mild, meron palang mild, may moderate, may severe.

“Na may ganoon pala, so talagang nag-research kami nina Sir Jojo [Aleta, executive producer ng My Special Tatay], pumupunta kami sa ganitong school, kumakausap kami ng may autism para malaman namin kung ano.

“Kasi, kahit kami, hindi kami dati aware.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN