Kaye Abad agrees to fly from Cebu to Manila to shoot ABS-CBN teleserye

by Rose Garcia
Mar 19, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Apat na taon na ang nakalilipas mula nang ginawa ni Kaye Abad ang kanyang huling teleserye sa ABS-CBN, ang Two Wives.

Ngayong 2019 ay mapapanood siyang muli sa bagong daytime series na Nang Ngumiti Ang Langit.

Mahigit dalawang taon na rin mula nang ikasal siya kay Paul Jake Castillo, manirahan sa Cebu, at pansamantalang tinalikuran ang showbiz.

Inamin ni Kaye na na-miss niya ang pag-arte.

Pag-alala ng aktres, “Kapag tinatanong nila ako, 'How do you see yourself ten years from now?' sabi ko, 'Kapag nag-asawa na ako, hindi na ako mag-aartista.' Sinabi ko yun, di ba?

"Pero noong nag-asawa ako, nagkaanak ako, nanonood ako ng TV, nakaka-miss din.

“Tinatanong ako ni Paul Jake, 'Hindi mo nami-miss?'

"'Nami-miss din, sobra!'"

May "sobra" talaga?

“Oo, may sobra, as in. Blessing din na noong tinawag 'to, sinabi sa akin ang istorya, sinabi sa akin ang condition.

"So, I think, sign yun na, sige, gagawin ko."

Continue reading below ↓

Dahil sa Cebu na siya nakabase, buti at hindi niya ni-request na sa Cebu na lang ang location ng taping nila?

“Nagkaroon sila ng option na ganyan!” natawang sabi ni Kaye.

“Kasi nga, alam nila na hindi ko maiwan si Joaquin.

"Nagkaroon sila ng option na baka yung mga province na eksena, baka puwedeng sa Cebu na lang.

"Pero sabi ko, 'Sige, uuwi ako. Ito lang yung time frame, sige, gagawin ko.'"

Kasama siyempre ni Kaye ang mahigit isang taong gulang na anak niyang si Joaquin sa Manila habang ginagawa ang teleserye.

KAYE'S ACTING TECHNIQUE

Sa unang bahagi lang ng Nang Ngumiti Ang Langit mapapanood si Kaye, kung saan gaganap siyang ina ng bidang bata na si Sophia Reola.

Hindi siya nahirapang gampanan ang mother role?

“It’s weird kasi paano ko ba ie-explain? Ever since Tabing Ilog, naging mommy naman na ako.

“Ngayong mommy na ako, I guess, nakatulong siya sa emotion.

Continue reading below ↓

"Kasi, hindi ako yung ma-technique na tao. Let’s say, iisipin ko na siya ang anak ko.

“Lalaki yung anak ko so I’m more on pumapasok talaga ako sa character na hindi ko iniisip na ako si Kaye.

"Madali lang siya sa part na nanay na ako, but when it comes sa pag-acting na may anak, the same pa rin siya like before.

“I guess, ganoon nga, hindi ko siya ginagawang technique na siya ang anak mo.

"Kaya medyo this time, nahirapan ako. I only did it for a while, so medyo nahirapan pa ako na mag-adjust at pumasok sa character and to bond with Sophia.

“But after a while, naging okay na rin naman ako.”

Magsisimulang mapanood ang Nang Ngumiti Ang Langit sa Lunes, March 25, bago mag-It’s Showtime.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results