Rita Daniela rises from chuwariwap roles; now receives gifts from fans

IMAGE @ritadaniela on Instagram

Rita Daniela gets her biggest break when she bagged the role of Audrey, the special love of lead star Ken Chan in GMA series My Special Tatay.


Nais ni Rita Daniela na mag-guest si Jolina Magdangal sa My Special Love #BoBreyin concert nila ni Ken Chan, na gaganapin sa Mayo 11 sa Music Museum, Greenhills.

"Idol ko yun! Bata pa lang ako, siya na idol ko," sabi ni Rita nang makausap namin sa taping ng My Special Tatay (MST) nitong Marso 13, Miyerkules, sa Tenement, Taguig.

Gumaganap si Rita bilang Aubrey na special love ni Boyet (karakter ni Ken Chan) sa nasabing Kapuso teledrama. Hindi pa alam nina Rita at Ken kung sinu-sino ang guests nila sa concert.

Ano ang nararamdaman ni Rita sa pag-boom ng career niya dahil sa MST?

"Siyempre po, ang sarap sa pakiramdam po. Kasi, ngayon ko po naintindihan, 'Ah, eto pala yung pakiramdam, na ito pala yung feeling na ang tingin sa iyo ay kumbaga, important ka, special ka. Na binibigyan ka ng oras ng mga tao.

"Ang sarap pala sa feeling ng ganun. Siyempre, ako po, di ba, matagal na panahon po ako na kaibigan lang ni ganito, chuwariwariwap, so I know exactly, like I can distinguish the feeling. You know, the stages of yung each character that I portray?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And when Aubrey happened to my life, everything changed!"

Paano binago ni Aubrey ang buhay ni Rita?

"Well, of course, mas nakaipon po ako. Mas nakakaipon po ako, marami po kasing opportunities po yung pumapasok.

"At saka dati, alam mo yung hayok na hayok akong magtrabaho, 'tapos ngayon, parang kung kaya mo lang pagkasyahin sa isang araw, hindi, e."

Kung dati ay trabaho ang hinahanap ni Rita, ngayon ay pahinga naman ang kailangan niya.

"Opo, pahinga na po. 'Tapos, siyempre po, mas lumawak yung…iyon naman yung dasal ko, yung mag-reach out ako sa mas marami pang tao, especially sa millennials. Kaya rin in a way thankful ako, kasi, yung age bracket din ni Aubrey, di ba, I think she’s like mga twenty to twenty-four pataas siya, just like my age.

"And maraming ganun, na ganung edad, di ba, napapariwara yung buhay?"

Sa simula ng kuwento ng My Special Tatay ay bayarang babae si Aubrey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So happy ako, thankful ako, kasi, kahit na ito yung trabaho ko as Aubrey, nama-manage ko siya. Like outside showbiz, I can reach out to people and share the word of God. That's why I’m really, really happy!"

Bilang Christian ay active member si Rita ng Favor Church na nagmula sa Australia ang founder. Hindi makalimutan ni Rita noong chuwariwap pa lang siya dati sa show nina Bea Binene at si Barbie Forteza, at binibisita ang mga ito ng fans.

"Nakikita ko sila from afar, nireregaluhan sila ng fans nila. Sabi ko, 'That’s so sweet, di ba?'"

Ngayon ay laging tila may fans day si Rita sa set nila ng My Special Tatay.

"Yung feeling na ganun, nagugulat na lang ako, isu-surprise ako ng fans ko, andami nila, andaming pagkain, mga regalo. Grabe! My gosh! Ngayon lang ako naka-experience na may fans, first they gave me an iPad Mini, 'tapos they started giving me signature bags and signature shoes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And ito yung pinaka-wild sa lahat, my gosh, they gave me my own mic. I have my own mic na!"

Mamahaling Sennheiser microphone na kulay silver ang iniregalo kay Rita ng mga tagahanga niya.

"Actually, itong phone ko pala, regalo rin ito sa akin. Kaya sabi ko, ganun pala, iyon ang perks of being an artista," sambit pa ni Rita.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN