Vance Larena idolizes viral macho dancer Dante Gulapa

IMAGE Jerry Olea / Facebook

Vance Larana (left) on Dante Gulapa (right): "Idol po natin yun!"


Patapos na ang mediacon ng Kapamilya morning series na Nang Ngumiti Ang Langit nang dumating si Vance Larena nitong Marso 19, Martes ng hapon, sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, Quezon City.

Agad humingi ng paumanhin si Vance dahil galing pa siya sa taping ng Maalaala Mo Kaya, para sa episode na ipapalabas na sa Marso 23, Sabado.

Aniya, hindi na siya hahalik sa co-stars niya dahil hindi pa siya nakakaligo.

Napansin si Vance sa indie movie na Bakwit Boys.

May tatlo agad siyang follow-up movies, may teleserye, at bida pa sa MMK.

Naisantabi tuloy ang pagiging singer niya.

“Gaganap po ako sa MMK bilang Victorio Principe na topnotcher sa ALS,” kuwento ng aktor.

“Bago po siya naging topnotcher, naging preso po siya dahil nahulihan po siya ng possession, at doon po iikot iyong istorya.”

VINCE LARANA VS DANTE GULAPA

Katapat ng MMK sa Sabado ang Magpakailanman episode na "Viral Macho Dancer: The Dante Gulapa Story," tampok si Jak Roberto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-Eagle Dance si Vance na kumakampay-kampay nang usisain ko kung kilala niya si Dante Gulapa.

“Opo! Idol po natin yun!”

Wow! Kabilang pala siya sa Gulapanatics?!

Handa ba siyang makipag-showdown ng Eagle Dance kay Dante Gulapa?

Ikinampay muli ni Vance ang kanyang mga kamay na animo’y agilang lumilipad at ang sagot, “Oo naman! Idol ko yun, e!”

FRONTAL NUDITY

Gusto pa rin ni Vance na lumabas sa teatro. Kaya pa ba niyang mag-frontal nudity sa stage?

“Oo naman!” mabilis na tugon ng 24-anyos na aktor sabay biro, “Gusto mo, gawin ko ngayon, e! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Kahit sa pelikula, kaya niyang magbuyangyang?

“Kung hinihingi iyon ng materyal at kung maganda po yung magiging karera natin bilang artista, why not?” seryosong lahad ng aktor.

Ikinu-consider ba niya ang sarili bilang sexy?

“Hindi po. Marami rin po akong insecurities, e.

"Pero siguro po, sa ibang bagay... baka po. Sa ibang tao po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maraming gays na naseseksihan sa pictures niyang kumakalat sa social media. Ipinagtatanong kung sino siya...

“Grabe naman!” natatawang sambit ni Vance.

“Sino ba ‘yang mga ‘yan?! Para makita nila ako sa personal!

'“Tapos, sasabihin nila, ‘Ay! Hindi pala siya sexy!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Makulit po ako sa totoong buhay. Pag humaharap po sa kamera, nag-iiba na po.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN