Koreanovela "Come Back Soon-Ae" brings laughter to GMA-7 starting December 17


Joan (Park Jin-Hee, left) is a flight stewardess who is the mistress of a pilot. Through a freak accident, she exchanges her identity for Soon-Ae (Shim Hye Jin, right), the legal wife of Leo. Find out how the women cope with this role reversal in Come Back Soon-Ae, which will air on GMA-7 starting December 17.



Isa na namang winner sa katatawanan na Koreanovela ang matutunghayan sa GMA-7 sa pagsisimula ngayong Lunes, Disyembre 17. Ang Come Back Soon-Ae ay isang nakaaaliw na kuwentong siguradong tututukan araw-araw ng mga manonood.

Tampok sa Come Back Soon-Ae si Shim Hye Jin bilang si Soon-Ae, ang 40-year-old na maybahay ng pilotong si Leo (Yoon Da-Hoon). Ulirang ina din si Soon-Ae sa kanilang anak at maalaga din maging sa kanyang biyenan na nakatira sa kanila. Pero biglang gumuho ang ideal na mundo ni Soon-Ae nang malaman niyang may relasyon ang kanyang asawa sa 28-year-old na flight attendant na si Joan (Park Jin-Hee).

Kakaibang shock din ang mararamdaman ni Soon-Ae nang makipagkita ito kay Joan at marinig mismo sa bibig nito na makipag-divorce na siya sa asawa para tuluyan na silang makapagsama ni Leo. Siyempre, hindi papayag si Soon-Ae sa kagustuhan ni Joan dahil handa siyang ipaglaban ang kanyang asawa.

Nagkasundo sina Soon-Ae at Joan na sabay pumunta sa airport para salubungin si Leo na parating mula sa kanyang flight at tanungin ito ng harapan kung sino sa kanilang dalawa ang pipiliin niya. Pero biglang mababago ang kanilang plano sa isang aksidente kung saan magkakapalit sila ng katauhan—mapupunta si Soon-Ae sa katawan ni Joan at si Joan naman kay Soon-Ae!

Kaabang-abang kung paano paninindigan nina Soon-Ae at Joan ang mabuhay sa katauhan ng isa't isa, kung paanong ang seryoso at istriktong si Soon-Ae ay kailangang magpanggap na siya ang wild at palamurang si Joan, at kung paano kakayanin ni Joan ang mamuhay bilang Soon-Ae. Lalong magiging kumplikado ang sitwasyon sa pagdating ng ex-boyfriend ni Joan na si Howard (Lee Jae-Hwang) na gustong makipagbalikan kay Joan, at hindi nito alam na ibang babae ang nasa katauhan ng babaeng muli niyang nililigawan.

Magsisimula na ang riot sa tawanan sa Come Back Soon-Ae ngayong Lunes, Disyembre 17, pagkatapos ng My Only Love sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN