ABS-CBN star Anne Curtis asks GMA-7 to give sister Jasmine Curtis-Smith more substantial roles

IMAGE Noel Orsal

ABS-CBN actress Anne Curtis (left) lauds sister Jasmine Curtis-Smith's (right) performance in GMA-7 prime-time series Sahaya.


Sa isang pambihirang pagkakataon ay bumati si Anne Curtis sa GMA-7, ang mahigpit na kalaban ng kinabibilangang network ng aktres na ABS-CBN.

Ang pagbati ni Anne sa Kapuso network ay may kinalaman sa kasalukuyang project ng kanyang nakababatang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith, na nasa bakuran ng GMA-7.

Sa pamamagitan ng Twitter, ibinahagi ni Jasmine ang video ng kanyang special participation sa Kapuso prime-time series na Sahaya.

Sa limang-minutong video, mapapanood ang dramatic performance ni Jasmine, na gumaganap bilang ina ni Sahaya, ang karakter ni Bianca Umali.

Ni-retweet ni Anne ang tweet na ito ni Jasmine ngayong Huwebes, March 21.

Proud ate si Anne sa mahusay na pagganap ng kapatid.

Kaya bumati siya sa GMA-7 kalakip pa ang isang heart emoji.

Asam ni Anne, sana ay bigyan pa ng magagandang roles ang kapatid.

Buong tweet ng It’s Showtime host: “Watched this highlight video of my Sestra for her performance in Sahaya. Hi, GMA [heart emoji] More roles like this for my amazing actress of a Sestra. [laughing and kiss emojis] Love you! Napakahusay mo talaga!!!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang "Sestra" ay Slovac term para sa "sister."

Noong 2004, lumipat si Anne sa ABS-CBN mula sa bakuran ng GMA-7.

Pero nagsimula ang career ni Anne sa Kapuso network noong 1997.

Kabilang sa mga ginawa niyang proyekto sa GMA-7 ay ang mga sumusunod: Ikaw Na Sana (1997), T.G.I.S. (1997-1999), Beh Bote Nga (2001-2002), Anna Karenina (2001-2002), Idol Ko si Kap (2003), Ang Iiibigin ay Ikaw, Ang Iibigan Ay Ikaw Pa Rin (2001-2003), at Love to Love (2003).


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN