Jak Roberto bares body and soul as Dante Gulapa in Magpakailanman

IMAGE Courtesy of GMA Network

Kapuso hunk Jak Roberto gives life to the character of former macho dancer Dante Gulapa in an upcoming episode of Magpakailanman.


Nabulabog ang fans ni Jak Roberto nang mabalitang ang Kapuso hunk ang bida sa Magpakailanman episode na "Viral Macho Dancer: The Dante Gulapa Story" na ipalalabas sa Marso 23, Sabado ng gabi, sa GMA-7.

Ang still photo na pinost ni Jak sa Instagram noong Marso 19, Martes ng gabi, ay humamig na ng 58.2K likes.

Ang video teaser na umiindayog si Jak sa saliw ng "Buwan," na in-upload niya sa IG noong Marso 20, Miyerkules ng hapon, ay naka-36K views sa isang araw.

At ang tutorial video ni Big Papa (isa sa mga taguri kay Dante) kay Jak kung paano ang erotic dance, naka-52.5K views after 5 hours.

Nag-request ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ms. Gigi Santiago-Lara ng GMA Artist Center ng interbyu kay Jak.

Si Yani Cardiño ng GMA Corporate and Affairs Communication ang nakipag-coordinate sa PEP.ph tungkol dito nitong Marso 21, Huwebes ng 10:26 A.M.

Busy sa taping si Jak, kaya napagkasunduan ng magkabilang panig na i-email ang questions kaugnay sa pagganap ni Jak bilang Dante Gulapa aka Big Papa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huwebes ng 5:37 P.M., in-email ni Yani ang mga sagot ni Jak.

PEP: Anong pakiramdam mo na ikaw ang napiling gumanap sa Dante Gulapa story ng Magpakailanman?

JAK: Matagal ko nang gusto gumawa ng ganito ka-challenging na role. Noong ginampanan ko siya, ang dami kong natututunan. Mas tumaas yung respeto ko sa macho dancers. Matatawag din siyang isang uri ng art. Isang kanta lang ginawa ko pero sobrang nakakapagod. Hindi lang siya basta-basta giling. Naramdaman ko yung hirap ng pagiging isang entertainer. Noong binigay sa akin yung role, sobrang happy ko na ako ang napili para gumanap sa nakakaantig na kuwento ni Dante Gulapa. Isa rin sa mga dahilan bakit gusto ko na nakakapag-guest sa Magpakailanman ay dahil nagagampanan ko yung buhay ng mga kababayan natin. Ito yung isa sa mga proyekto kong masasabi ko na binigay ko lahat para ma-fulfill and mabigyan ko ng justice yung character. Sinearch ko agad si Big Papa noong binigay sa akin yung character. Tiningnan ko kung anong itsura niya noong bata pa siya dahil gagayahin ko‘yung buhok at kung paano siya pumorma. Sana, nabigyan ko ng justice yung buhay ni Dante Gulapa. Sana, rin maraming mapulot na aral ang audience sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PEP: Natutunan mo ba agad ang "Eagle Dance" na pinasikat ni Dante Gulapa?

JAK: Luckily, nag-abot kami ni Big Papa sa set. Isa lang yung tent namin. Grinab ko na yung opportunity para magpaturo ng eagle dance, kung paano yung mga giling niya at ano yung mga galaw, para authentic yung pagkakagawa ko sa eksena. Noong day na nag-meet kami, itinuro niya sa akin, nagpraktis ako overnight, at kinabukasan sa set, meron ding entertainer na ginabayan ako kung paano ko siya gagawin sa stage. Hindi man 100% ng galing ni Dante yung nakuha ko, confident ako na kahit 80-90% naman yung nakuha kong galaw niya.

PEP: Excited din ba si Barbie Forteza sa pagganap mong ito? Supportive ba siya? Panonoorin ba niya ito?

JAK: Yes, very supportive si Barbie sa lahat ng ginagawa ko. Panonoorin niya yung episode this Saturday.

PEP: Anong pagkakilala mo kay Dante Gulapa?

JAK: Ang first impression ko sa kanya nung nakita ko siya sa social media, siyempre nakakaaliw at nakakabilib. Maraming naging curious sa buhay niya after siya i-feature sa Kapuso Mo, Jessica Soho na ikinuwento niya na sa likod pala ng paggiling niya, pagpapatawa niya sa social media, may mabigat din na kuwento ang kanyang buhay. Tingin ko, time niya talaga ito para umangat at makilala. Makikita ng mga manonood sa Magpakailanman kung paano niya nilampasan lahat ng mga problema niya, hanggang sa makilala siya bilang si Dante Gulapa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PEP: Ano ang pinaka-challenging sa pagganap mo na Dante Gulapa?

JAK: Ang pinaka-challenging ay kailangang magawa ko yung trademark na sayaw niya. Hindi man gayang-gaya, pero at least, nalalapit sa eagle dance at sa mga signature moves niya. Kailangang mai-pull-off ko rin yung mga emosyon na hinihingi sa bawat eksena. Emotionally and physically, kailangang paghandaan.

PEP: What is inspiring about his story? Anong life lessons ang mai-impart sa audience ng episode na ito?

JAK: Passion niya talaga ang pagsasayaw. Pag mahal mo yung trabaho mo, just do your best and good things will come your way. Ipapakita rin ng kuwento niya na huwag susuko sa mga hamon ng buhay dahil malalampasan mo rin ang lahat ng iyon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN