Rita Daniela wants people to remember Aubrey for her imperfections

IMAGE Noel Orsal


Sa nalalapit na pagtatapos ng Kapuso afternoon drama series My Special Tatay, ano ang nais ni Rita Daniela na maalala sa kanya ng mga manonood?

Gumaganap si Rita sa teleserye bilang si Aubrey, isang prosti na minahal ng karakter ni Ken Chan bilang Boyet, na mayroon namang Mild Autism Spectrum Disorder.

Saad ng actress-singer, “Na sana, huwag magkaroon ng limitasyon dito sa Pilipinas, kapagka sinabing bida ka ay kailangan payat ka, kailangang mahinhin, kailangan yung close to perfect yung skin mo, yung itsura mo, yung ganun.

“Nagkataon na nung nakuha ko si Aubrey, meron akong advocacy na body positivity, sumakto siya. Kasi, nakakatunaw po ng puso.

“Ang dami pong nagme-message sa akin—sa Instagram, saan man, sa social media—na nagpapasalamat sila.

"Kasi, simula raw nung napanood nila ako, nagkaroon pa sila ng confidence.

“Kumbaga, na-start nilang tanggapin na yung flaws nila, yung mga taba nila, nasusuot na nila yung mga gusto nilang suutin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na hindi sila nako-conscious sa hitsura.

“Kasi, nakikita raw nila sa akin yun. Which is true, like, tulad niyan, ngayon, hindi ako nag-makeup.

"Kasi, iyon yung totoo, e, iyon yung totoo.

“Di ba? Dapat ma-feel nila na they’re also human.

"The more that you are flawed, the more that you are human.

“Kasi, di ba, para sa artista, nagiging idolatry siya masyado dito, and that’s why I wanna change and siyempre din, I go for women empowerment.

“So, iyon yung gusto kong baguhin, na hindi kailangang super-sexy ka. Hindi kailangang super ang payat-payat or ganito-ganyan for you to be called beautiful.

“The fact that you know and you accept that you are beautiful and you accept your flaws, you are beautiful in your own way.

“So, iyon po ang gusto kong matandaan ng tao kay Aubrey, and I think it really worked because, you know, obviously, Aubrey is very, very imperfect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat na ng imperfections niya, nakita na.

“Una, ano ba ang trabaho niya? P*kp*k.

"Sa murang edad, nagkaanak. Tapos, di ba, na-in love pa sa ganun?”

Patuloy niya, “Siyempre, yung ibang tao sasabihin nila, ‘Ang tanga-tanga mo para ma-in love ka sa ganitong klaseng tao.' Pero hindi.

“Pero kahit na ganun siya, kahit na alam niyang mahirap siya, nagtrabaho pa rin siya. Kasi, gusto niyang umasenso, e.

"So, iyon ang totoong tao, human talaga siya.

“So, iyon po ang gusto kong maiwan sa mga tao kapagka hindi na nila nakikita si Aubrey sa TV.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rita sa taping ng My Special Tatay noong Marso 13, Miyerkules, sa Tenement sa Taguig.

GIRL CRUSH

Naging Pantasya ng Kalalakihan si Rita dahil sa pagganap niya bilang prosti na si Aubrey sa My Special Tatay.

“O! Joyce Jimenez!” tili ni Rita.

“Aba, idol ko siya noon! Peg na peg ko siya noon, crush na crush ko si Joyce Jimenez.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit naman ng co-star niyang si Ken, “Siya na po ang pumalit kay Amanda Page!”

Sina Amanda at Joyce ay sexy stars na sumikat noong late 1990s hanggang early 2000s.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN