Ken Chan reveals how My Special Tatay changed his life

IMAGE My Special Tatay (GMA-7)

Kapuso star Ken Chan on My Special Tatay: “Kung sa Destiny Rose, ang daming nagbukas na pintuan, dito po sa My Special Tatay, pati bintana nagbukas!"


Consistent top-rater ang My Special Tatay at sikat na sikat si Boyet na karakter ni Ken Chan sa show.

Paano binago ng My Special Tatay ang buhay ni Ken?

Sagot niya, “Kung sa Destiny Rose, ang daming nagbukas na pintuan, dito po sa My Special Tatay, pati bintana nagbukas!

“Iyon po, totoo po.

“Ang daming opportunities na dumating.

“Ang dami po, sobra!

“Awards, concert—yung mga ganung bagay po.

“'Tapos, yung mga tao, ang sarap sa pakiramdam.

“Ngayon, laging parang may fans' day.”

Tulad ni Rita Daniela, nireregaluhan rin si Ken ng mga fans niya na tulad ng iPhone 7 Plus at karaoke microphone.

May mga fans rin daw abroad na nagpapadala ng mga regalo kay Ken.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa taping ng My Special Tatay sa Tenement, Taguig noong March 13.

SPECIAL PLACE IN HIS HEART

Samantala, sa pagtatapos ng My Special Tatay this week, mami-miss ni Ken ang mga tao sa harap at sa likod ng kamera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Yung mga cast members at mga staff at itong Tenement.”

Sa Tenement sa Taguig sila madalas mag-taping ng show.

Pag-amin ni Ken, “Hindi ko alam kung bakit mami-miss ko siya, sa totoo lang.

“Nung una, honestly sabi ko, ‘Oh my God, dito tayo magte-taping? Kakayanin ba natin dito?’

“Iyon yung nasa isip ko kasi alam mo kapag sinabing Tenement meron tayong connotation na magulo, ganito-ganyan.

“Hindi ko akalain na dito pala ako mapapamahal!

“Sobrang babait po ng mga tao, tahimik ang lugar.”

RESPECT FOR MENTALLY CHALLENGED PEOPLE

Paano niya nais na maaala ng publiko si Boyet?

Pahayag niya, “Simple lang po.

“Aang gusto kong maalala ng mga tao kay Boyet, yung mismong karakter niya...

“Na yung mga katulad ni Boyet po, maging instrumento sana si Boyet sa mga tao.

“Na kapag nakakakita tayo ng mga taong may autism, o ng mga taong may intellectual disability, respetuhin natin.

“Iyon lang naman talaga po ang gusto kong iparating at maalala ng mga tao kay Boyet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na kapag makakakita sila ng taong katulad ni Boyet, ang kailangan nating gawain, respeto.”

CONCERT

Samantala, tuluy na tuloy na ang My Special Love, ang concert ng tambalang BoBrey nina Ken at Rita (as Aubrey).

Bunga ito ng tagumpay ng kanilang GMA drama series na My Special Tatay kaya isang concert ang idaraos para mas lalo pang mapasaya ang mga fans at supporters ng BoBrey.

Gaganapin ito sa May 11 alas otso ng gabi sa Music Museum sa Greenhills.

Kung nais ni Rita Daniela na maging guest sa Jolina Magdagal (na idol ni Rita) sa concert nila, sino naman ang dream guest ni Ken?

Hirit niya, “Lalayo pa ba ako? Jose Mari Chan!

“Paborito ko po siya, gusto ko po talaga si Jose Mari Chan, e.”

Dream rin ni Rita na maging guest sa concert nila si Lani Misalucha.

Dagdag ni Ken, “Ako, bukod kay Jose Mari Chan, si kuya Ogie Alcasid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi lahat ng mga kinakanta niya, kinakanta ko po, e.”

Wish rin ni Ken na maging guests nila ang cast members ng My Special Tatay.

“Kasi mga singers po talaga sila,” pahabol niya.

Nasa My Special Tatay sina Jillian Ward, Lilet, Teresa Loyzaga at si Ms. Carmen Soriano na mga mahuhusay na singers.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN