Migo Adecer beefs up for shirtless scenes in Sahaya

IMAGE Noel Orsal

Kapuso star Migo Adecer on possibility of doing more daring roles: “Nasa tamang timing lang lahat."


Thankful ang Starstruck 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer dahil sa ginagawang pag-build up sa kanya ng GMA-7.

Sunud-sunod daw kasi ang magagandang projects na binibigay sa kanya, at ikinatuwa niya ang pagkakasali niya sa cast ng primetime series na Sahaya, kunsaan magiging third wheel siya sa BiGuel loveteam nila Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Para sa role niya bilang ang Manila Boy na si Jordan ay required si Migo na magpaganda ng katawan dahil sa mga magiging eksena niyang kailangan ay shirtless siya.

Natatawang inamin ni Migo na hindi niya sineseryoso ang pag-workout noon dahil mas marami pa raw siyang oras sa paglaro ng video games sa bahay.

“The role requires me to have six-pack abs!

“There will be scenes where I swim in the pool and in the ocean.

“Mas maganda raw kung physically fit akong tingnan.

“I admit, I'm not the serious type when it comes to working out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I do the occasional gym stuff but I am more into playing video games than be in the gym.

“I devote like 8 to 10 hours sa paglalaro lang ng video games. Then I just pig out.

“I eat almost anything kaya minsan out of shape ako,” pahayag pa ni Migo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng Sahaya sa Matrix Creation Events Venue in Quezon City kamakailan.

THANKFUL FOR NETWORK'S SUPPORT

Dahil sa maayos na pag-aalaga sa kanya ng GMA-7, gusto ni Migo na maging sulit ang pag-build up sa kanya at hindi magsisi sa pagbigay ng tiwala sa kanya.

Pagpapasalamat niya, “I truly appreciate what GMA is doing to my career.

“Kahit na hindi ako marunong mag-Tagalog noon, they didn't give up on me.

“They also saw the potential of me being a versatile performer, and let me do my love for hosting, singing and dancing in Studio 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And because GMA gave me this important role in Sahaya, I said to myself that these people are giving me good projects and it's up to me to really do good at it.

“Kaya naman I ditched playing video games and go to the gym instead.

“I honestly feel a lot better now and I'm eating healthy.

“I realized that in order to have a good life, you have to start with yourself first physically, mentally and spiritually.

“Gusto ko rin na ma-feel ng GMA-7 that I am taking everything they say by heart, that I am serious with my career and I will do what they expect of me.”

NOT YET READY TO GO DARING

Kahit na in good physical shape na si Migo, hindi pa rin daw siya handa para maging daring sa kanyang mga photo shoots.

Kahit na raw may offer na maging endorser siya ng isang underwear brand, tatanggihan daw muna niya ito sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Many are asking if I'm willing to go sexy like doing an underwear ad shoot.

“I said na hindi pa ako puwede sa ganyan.

“It's my personal choice na huwag muna.

“I feel na hindi pa ako gano'n ka-ready physically.

“I'm not that ripped like the underwear models we know.

“I'm only 19 years old kasi.

“Siguro in two or three years time kapag I feel na my body and mind are ready to handle being sexy in public.

“Nasa tamang timing lang lahat.

“But right now, okey lang yung mag-shirtless ako if the scene calls for it.”




COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN